ANG LIHAM
Magandang araw po!
Ito po ay reply ko para sa article
nyo na : http://www.estrella-eve.com/2011/11/may-alam-ba-kayong-lumang-lumang-awitin.html
Pamilyar po ako sa kanta na
tinutukoy nyo dito sa blog na ito; “Isang gabing tahimik, maliwanag ang
buwan...” Lagi po itong kinakanta ng Loling (lolo) ko sa aming
magpipinsan at magkakapatid. Ito po ay kinanta niya hindi lamang sa kanyang mga
anak at sa aming mga apo niya, kundi pati na din sa mga inabot niyang mga apo
na sa tuhod. Para po sa amin ito po ay isang dakilang kantang pamana.
"Kanta ni loling" kung aming ituring. 

Ang buong akala ko po, ay kami lang
ang tanging nakaka-alam ng kantang ito. Masaya po ako at nalaman ko ngayon na
may iba pang nakaka-alam at naghahanap din sa kanta na ito. 

Hindi na po namin nalinaw sa aming
loling ang buong detalye ng kantang ito.
Kung sino po ang orihinal na sumulat
(ang paniniwala po namin nung kami ay mga bata pa, at hanggang ngayon ay si
loling talaga ang nag-compose nito.
).

Gusto ko lang po sanang humingi ng
tulong at magtanong sa kung gaano po ba ang inyong nalalaman o natatandaan
tungkol sa kanta na ito.
Ano man pong impormasyon o dagdag
kaalaman tungkol sa kanta na ito ay labis naming ikalulugod na malaman at
marinig.
(piano rendition sa facebook)
Eto po ang sariling gawa na version
ng pinsan ko ng kantang ito.
Nawa ay makatanggap po ako ng reply
sa inyo.
Maraming Salamat po!
No comments:
Post a Comment