Sunday, June 17, 2018

SOULMATES


SOULMATES














Hello! Kumusta, kay tagal na nating hindi nagkaulayaw. Oo, paminsan-minsan ay nakababasa kayo ng ilang balita tungkol sa mga kuwento kong inilalathala sa Liwayway. Mga kung anu-anong larawan. Ngunit ganoon lamang, walang kuwentuhan. Bagaman at mayroon akong sinisimulang isulat na sana ay maitaguyod ko minsan isang buwan. Balikan ninyo ito sa buwan ng Abril at Mayo, wala pa nga ang Hunyo.


Tunay na naging abala ako ng mga nakaraang araw. At taon! Mula 2015 ay nagsimula akong magsulat ng kuwento na lumabas minsan isang buwan sa Liwayway hanggang sa buwan ng Setyembre ng taong 2017. Kung saan naman nagbakasyon ako. A sabbatical, kumbaga.


Wala pa rin akong kuwento sa ngayon. Ngunit sa aking tagasubaybay sa Liwayway, huwag mainip. Bago matapos ang buwan ay muli ninyo akong mababasa. Naisumiti ko na ang aking maikling nobela na aaliwin kayo linggo-linggo. Ilalathala na ito sa huling linggo ng buwang ito - Hunyo, kahit Hulyo 2 ang petsa ng magasin.


SOULMATES.  Ito ang pamagat ng aking nobela. Sa pagsubaybay ninyo rito ay hindi ninyo maiiwasang isipin, limi-limiin, pagmuni-muniin, kung iyon bang naging kapalaran ninyo sa buhay o ang kasalukuyang itinitibok ng inyong puso ay ang inyong SOULMATE.