Thursday, August 30, 2018

2017 August Throwback


AWESOME MEMORIES...

First, a basket of fruits, giver unknown...

























Second, shopping for shoes at Rockwell...
 And an unexpected meeting with the clan matriarch...

























Third, a lunch invitation at Alden Richard's 
Concha's Garden Cafe...









But dropped by first at Broadway Centrum
and watched Eat Bulaga...


























Fourth, a Juan for All, All for Juan 
Sugod Bahay Parody, complete with
Pasalubong and Bossing Savings
and interview by Jose and Wally! 


 























 



































 




























And the Finale - Caramel Cake and Peking Duck 2-ways!



SURELY, AN AMAZING AUGUST TO REMEMBERTHANK YOU, SALAMAT, GRACIAS, MERCI BEAUCOUP!!! 

Remembering a friend


August 30 - your birthday!

Regia, Linda, Joe and I miss you. 
Chaff and grain, you're one of a kind.

Are you Right Brained or Left Brained



Kanan o Kaliwa?

Mayo 6 pa ang huli kong entrada tungkol sa ikinukwento kong seminar na dinaluhan maraming taon na ang nakalilipas. Na marami akong natutuhan na nais ko namang ibahagi sa mga kaibigang baka mainteresado rito.

Ang una kong tinalakay nang sinundang buwan ng Abril ay ang paliwanag ng lecturer tungkol sa epekto ng iniisip ng isang tao sa kanyang kalusugan. The  power of the mind in healing oneself. Sabi nga positive in, positive out. Kung saan ko natutuhan at hanggang ngayon ay ginagamit ang tinatawag naming headache control. Ibig lang sabihin, bago pa maging full blown iyong sakit ng ulo, ginagamot ko na sa pamamagitan ng pagre-relaks.

Noong Mayo 6 ko isinulat kung paano magrelaks. Susundan ko sana iyon ng posting ng Hunyo kung saan ko natutuhan sa lecture ang  paliwanag tungkol sa brain ng tao. At kung ano koneksiyon nito sa healing o sa anupamang bagay na nangyayari o gustong mangyari. Na hindi ko nagawa dahil naging lubhang abala sa iba pang bagay.

Napag-aralan naman natin ang tungkol sa general anatomy noong high school. Sa Biology. Ang brain ay nahahati sa left and right hemisphere, o left and right side. Kung mayroon kayong computer at igu-google ninyo, makaka kita pa kayo ng picture nito. Ang itinuro sa atin noon ay ang function nito. Dagdag-kaalaman ang natutuhan ko sa lecture.

Na ang left hemisphere, kumbaga, ay ang production manager ng mga activities natin sa araw-araw kung saan ginagamit ang lahat ng ating senses- seeing, hearing, touching, tasting, smelling at iba pang mga  activities na ginagamitan ng  conscious na pag-iisip, physical, logical at technical. Pinag-iisipan kumbaga.Tanong namin, e, ano ba iyong hindi ginagamitan ng isip? Next time ko iyan discuss. Ito muna.

Ang  right hemisphere, umano, ayon sa mga pag-aaral, ay ang bahagi ng brain kung saan nagmumula ang creativity o pagka-malikhain ng isang tao, intuition o iyong tinatawag nating kutob o pakiramdam na oy, husband material ito. At instinct. Iyon bang kapag may bago kang kakilala, e, parang di mo pagtitiwalaan. Gut feel baga. Kung external o sa labas ang focus ng left brain, internal ang sa right.

Sa seminar ay ulit-ulit na tinalakay ang tungkol sa dalawang hemisphere na ito na siyang magiging batayan ng pamamaraan ng paggamit ng power of the mind sa self-healing.

See you next time... here...

Thursday, August 2, 2018

Amang, 120 years old yesterday





Reprinted From a Father's Day Blog entry in 2009
in remembrance of my father, Eugenio Rivera Estrella of Malolos, Bulacan, who would have been 120 years old yesterday, if still living today. August 1, 1898


WHAT MAKES A DAD

God took the strength of
a mountain,
The majesty of a tree,
The warmth of a summer sun,
The calm of a quiet sea;
The generous soul of nature,
The comforting arm of night,
The wisdom of the ages,
The power of the eagle's flight.
Then God combined
these qualities,
When there was nothing
more to add,
He knew His masterpiece
was complete,
And so He called it "DAD!"

(Author Unknown)

(Translated by Eve for this blog only)

Kinuha ng Diyos tatag ng kabundukan,
at sa punongkahoy ay kamaharlikaan,
ang masiglang init ng naghaharing araw.
Sa dagat na tahimik ay kapayapaan,
Buhay na mapagbigay ng saganang kalikasan;
mapagpalang bisig ng gabing mapanglaw,
At sa mga pantas ay katalinuhan,
Sa agila sa himpapawid ay lakas at tibay.

At lahat ng ito ay pinagsama-sama
Ng Diyos sa langit - kanyang Obra-maestra
Nang ito'y matapos at kanyang makita,
Kanyang pinangalanan,
Tinawag niyang
AMA.


Napakaganda ng tula, pero sasabihin ng aking Amang, hindi naman ako ganyan. Ordinaryo lamang ako. Tingnan nga natin.

Tatag ng kabundukan - Sa buong buhay ko, hindi ko naranasan ang pagkabakla o mangamba, hindi ko alam noon kung bakit, pero kung iisipin ngayon, dahil naroon siya.   
Kamaharlilaan - Ang masasabi ko rito ay iba ang kanyang dating.
Matikas ang kanyang tindig, deretsong tumingin, pormal makipag-usap. Kagalang-galang.
Masiglang init ng araw - A warm person to those close to him. I remember the warmth of his palm when he made "akbay" to me. Affectionate and loving, specially to our mother, demonstrative even.Those times, he was the only father in our corner of the world in Malolos whose daughters felt free and at home walking arm in arm with.
Kapayapaan - Payapang pamamahay, sa kabila ng hindi pagiging mariwasa sa buhay. Kung lilimiin ang buhay sa ngayon, at ihahalintulad sa buhay noon, kay daming wala sa amin, hindi natamasa, ngunit bakit hindi namin naranasan noon na kami ay kulang? 
Mapagbigay - Hindi naman niya naibigay sa akin ang pangakong bisikleta, ang gusto kong pair of skates, ngunit iyong mga pambihirang bagay na hindi ko hiningi ngunit ipinapasalubong ay tunay na kakaiba, walang kaparis sa mga kakilala o kaiskwela. Tulad sa payong na kulot ang paligid na laylayan. Pinaglumaan niyang fountain pen, Parker 51 yata iyan. Ang pasadyang gitara na tama ang laki sa aking mga daliri at kamay. Ang walang bracelet na relong Bulova, bilog na bilog. Tukso tuloy ng isang kaiskwela, ano 'yan, talangka? Ang inipon niyang newspaper clippings ng "How to play the Ukulele" na nasa akin pa ngayon.
Mapagpalang bisig - At mga kamay. At mga balikat na sumakit, pinagmulan ng kanyang arthritis, sa pagbitbit ng pinamalengke ng Inang para dalhin sa apartment namin sa Roosevelt noong bagong kasal ako nagpapamilya na walang katulong. Physically, ang hepe sa opisina ay matulungin sa bahay. Ang mga sirang sandok ay inayos. Ang mga beachwalk ng mga apo ay kinumpuni.
Katalinuhan -  Paborito raw niya ay algebra, ngunit sa kapapasa sa Civil Service ay umakyat siya ng pusisyon sa sangay ng pamahalaang pinasukan. Magaling sa Tagalog, Ingles at Kastila. Lumaki kaming iwinawasto ang mga maling salita, sa kahulugan man o sa pagbigkas. Ang mga itinuro niyang folksongs, Tagalog at Ingles. Ang pagtugtog sa gitara.
Lakas at tibay - ng kalooban na hindi nadadala ng tukso o silaw ng salapi. Katunayan ay ang marangal na paghahanap-buhay.  . Na kung itutulad sa iba na naging ubod ng yaman sa sandaling pag-upo sa katulad ng kanyang puwesto.

Sasabihin nga siguro ng aking Amang, kung siya ay nabubuhay, na hindi siya ganoon kagaling na magulang, katulad nang isinasaad sa tula. Ngunit para sa amin, siya ang tamang Obra Maestrang ibinigay para tawagin siyang Amang.

Sa dami ng maikukuwento ko sa kanya ngayon, tungkol sa aking buhay, sa aking pamilya, sa aking pagsusulat, sa mga narating na lugar, sa mga nabasa at napakinggan... doon ko siya nami-miss na tunay. Sana, nakita niya ang aking mga apo.