Monday, November 1, 2021

10 - UGNAYAN '53 - SA DAKO PA ROON ...REMEMBERING...

 Isang paboritong tula mula sa THANATOPSIS ni 

William Cullen Bryant na napag-aralan sa high school

ang alaala ko sa araw na ito sa mga kamag-aral na nasa

SA DAKO PA ROON  at ngayon nag-uugnayan.

 


 

“So live, that when thy summons comes to join 

(Rollie, Totek, Net, Ruben, Frank, Turing, Boy...)

The innumerable caravan which moves

(Erning,  Milo, Rading, Fely...Amado at Ed...)

To that mysterious realm where each shall take 

(Mon, Tess, Lou, Flor, Amalia and Nardo...)

His chamber in the silent halls of death, 

(Dally, Herming, Marina, Ana, Cely, Luvy, Nora, Nitz)

Thou go not, like the quarry-slave at night,

(Dilo, Vena, Mario, Weling....)

Scourged to his dungeon; but, sustain'd and soothed

(At sa marami pang iba...)

By an unfaltering trust, approach thy grave,

(Na nakasama sa mga lakaran, pagpupulong at

mismong reyunyon, kasama kayo sa aming dasal...) 

Like one who wraps the drapery of his couch 

About him, and lies down to pleasant dreams."



Saturday, October 30, 2021

09 – UGNAYAN ’53 – FAST FORWARD


 

OKTUBRE rin noon, maraming ugnayan na ang naganap sa Klase ngunit sa Pilipinas lamang na tunay namang kasiglahan ng panahong iyon. Siguro, may mangilan na nagkikita sa abroad kapag may napupunta roon at kinokontak ang ilang kaiskwela. Pero ganoon lang, paisa-isa, padala-dalawang ugnayan. Kung nasa LA area sila, nagkakatawagan kung birthday. Kung nasa Bay area, gayon din.

 

Ngunit iba nga  ang Oktubre na yaon. Kaming mag-asawa na may dinalaw sa East Coast ay dumaan sa West Coast. Natural, tulad nang kinagawian, tinawagan ko ang kaiskwelang si Tess na nasa Daly City. Tuksuhan nga, parang timeshare ko si Tess, lahat ng nilipatan niyang bahay ay napuntahan ko at natulugan. Ganoon siya ka-generous sa mga kaibigan.

 

Pero ano nga ang pagkakaiba? Wari, all the planets aligned perfectly upang sa buwang iyon ng Oktubre ay available ang marami sa amin na magkita-kita sa California, sa Daly City, sa tahanan ni Tess, upang magdaos ng kauna-unahang Ugnayan ng Pilipinas at USA. Ang mga taga-abroad kapag nagbabalik-bayan ay nakikipagkita sa mga taga-Pilipinas, at minsan ay natatapat pa at nakakasama sa reunion ngunit bihira iyon. Special Mention lamang ay ang ever reliable na sina Tess at Lettie. Tulad rin ng mga taga-Pilipinas na pumapasyal abroad na nakikipagkita rin sa ilan sa kanila. Ngunit naiiba nga ito.

 

Dalawa kaming taga-Pilipinas, ako at si Claire na nagkataong nasa US ng Oktubre na yaon.  Kasama rin lagi sa itinerary niya ang pakikipagkita kay Tess kapag nasa California siya. Sa kaunting komunikasyon, aba, e, bakit hindi tayo sabay na dumaan kina Tess sa Daly City. Kaunti pang email at tawagan, nakontak na ang taga Hawaii, Pittsburg, Ohio, Seatle, Florida, LA at iba pang nasa California.  At nang pinagpalang araw na iyon ng Oktubre dumating si Lettie; si Baby, si Linda, si Gerry, si Larry, si Ruby, sina Mon at Aida, ang mga tagaroon na sina Lou, Angeling at Teresita. Kasama si Tess, kaming tumira sa kaniyang bahay ay labing-isang lahat dahil tagaroon lamang sina Lou, Angeling at Teresita. 


Tatlo ang bedroom at ang mga ladies ay nagsama-sama ayon sa dating barkadahan noong high school. Sina Claire, Lettie at Tess; sina Ruby at Linda, at kami nina Aida at Baby. Samantala, sa sofa bed sa sala ay ang mga guys, dalawang magkatabi (nagka-develop-an ba?) at dalawa sa sahig na ayaw tumabi. Pagdating ng umaga, iisa ang bathroom, wow, ang saya!

 

Mula sa pagsundo sa airport sa mga paiba-ibang oras nang pagdating, wala nang katapusan ang kuwentuhan at halakhakan. Nariyan si Linda na nang kinokodakan ay buong taray na nagsabing hey, you! Hindi ko lamang maalaala kung sino iyong hindi makasampa sa van, na kailangan pang itulak ni Larry paakyat. Mayroon ding nagtanong sa loob ng kotse na “nagka-crush ka ba sa akin noong araw?” Na sinagot naman noong guy na “sasagutin kita sa Linggo!” Ewan lang kung Linggo ng kung anong taon. May sundo namang nagtext nang tinatanong na baka naligaw at kung nasaan na, ang sagot ay “narito kami sa pagitan ng dalawang poste.” Masaya… masayang tunay!

 

Ang highlight ng munting reunion na ito, hindi pa tinatawag na Ugnayan, ay ang pagdiriwang sa kaarawan ni Tess, ang kaiskwelang maybahay na aming tinutuluyan. Nagkaroon ng dancing sa isang function room at nagpakitang-gilas sina Lettie, Ruby, Linda, Gerry at Larry. May nagsabi nga, akala namin, masakit ang tuhod ni Linda…

 

Masaya rin ang biyahe patungo sa tahanan nina Lou at Marcial, Dito ba may hindi makaakyat sa van, kailangan pang tulungan ni Larry? Inayos ko pa ang seating arrangement, kung sino ang magkakatabi. Bakit? Mayroon ba kaming pinagtatabi? Tuksuhan lang. Nilusob namin kina Lou ang orchard niya ng mga persimmons. Enjoy ang lahat sa pamimitas. That was my introduction to persimmon. Aside from manibalang na cherry, ito ang paborito kong prutas abroad. At siempre, ang steak na especialty ni Marcial. 


The real unforgettable moments ng reunion na ito ay ang walang tulugan, walang tigil na kwentuhan pagkatapos kumain ng hapunan, walang aalis sa upuan dahil mapag-uusapan, walang katapusang pagtatalop at paghiwa   ng ihahaing persimmons, kukuting nilagang mani at samu’t saring reminisences ng high school days. At ang namumuong balak para sa darating na golden jubilee. Na silang taga-abroad ay sabay-sabay na uuwi. At hindi lamang iyon, sasali pa sila sa presentation! Presenting the would-be stars of the Golden Jubilee Broadway Show a la Class '53! Lettie from South Pacific, Larry from West Side Story and Baby from Hello Dolly. PA lang po ako.


Marami pang nangyari ng pagkikitang iyon. Karamihan ay nasa mga larawang kuha ko na tinangay ni Ondoy. Ngunit ang tuwa at sayang naranasan ay lalaging nasa puso’t diwa ko at sana, sa ibang nakasama ko rin noon, sa pagsulat ko sa munting salaysay na ito. At ito ang dasal namin sa magkakasamang pagsimba bago naghiwa-hiwalay. 

 


 Salamat, Tess...

 

 

 

 

 

Tuesday, October 12, 2021

08 – UGNAYAN ’53 – MGA MINI-UGNAYAN, MGA MINI ACTIVITIES

 

 

LUMALAWAK ang lugar na pinagmumulan ng namumuong “core group” ng Klase. Hatak na ng bagong pangulo ng alumni association na si Jess Gabriel, ang mga taga-Plaridel, Pulilan, pati na Calumpit at  Hagonoy. Ito marahil ang sinasabing “everything is falling into place”. Tunay na hangad nga ng isang asosasyon ang mahikayat ang maraming sasali sa mga pagpupulong at pagtitipon ngunit ang naganap sa Klase ay may kaibhan. Marami sa mga dumarating at sumasama ay hindi umaalis. At sila nga ang lumalaking binhi ng tinatawag na core group.

 

Kaya ang mga bagong mukha ay sina Nitz, Mario, Cesar at Dalming ng Plaridel; sina Lucing, Geneng at isa pang Cesar ng Pulilan; nakasama na rin si Alberto na anak ng teacher sa Pilipino na si Mrs. Gonzales, gayundin si Benigno na ang nakaisang-palad ay kaiskwela rin na si Teresita. Lalong sumigla ang lakaran dahil libre ang pananghalian. Uso pa noon na itinatapat sa kaarawan ng kaiskwela o piyesta sa baryo ang paglilibot. Kapag sa Pulilan ang lakad, kina Jess magsisikain. Wow ang hilaw na mangga at balot! May insidente sa balot na nangyari taon na ang lumipas mula noon ngunit ikukuwento ko na rin ngayon. Isang basket na puno ng kahahango at mainit pang balot ang inihandang miryenda ni Jess. Nagkani-kaniya nang kain ay nagkani-kaniya pang balot ang lahat na inilagay ng mga babae sa kanilang bag. Dito nagkamali ang kaiskwelang uuwian daw niya ng balot ang asawang si Idad. At ipinamulsa niya ang balot. Ngunit pagdaka’y nagtatarang dahil, nakupo, mainit pala at may napaso ang balot sa malapit sa kanyang bulsa. Ang nangyaring ito ay paulit-ulit na naikwento sa bawat pagpupulong na may kinakaing balot. Na laging umaani ng tuksuhan at matinding halakhakan.

 

Kapag nasa Plaridel noon, kina Mario kumakain at may pauwi pa itong “putok” na hindi rebentador kundi malalaking pandesal. Naging signature potluck na ito ni Mario, ang putok. Sa Malolos ay kina Mitong Jimenez, sa Hagonoy ay kina Benigno at Teresing, sa Guiguinto ay kina Herming, minsan ay kina Mayor Boy. Sa Balagtas, dating Bigaa, laging handa ang mag-asawang Amalia at Nardo, kapwa rin kaiskwela.

 

Sa panahong ito nang panunungkulan ni Jess ay hindi ako lubhang nakasama.  Halos ang mga nagkikita-kita ay ang mga nasa probinsiya. Samantala, sa Metro Manila naman, ang nagkakatawagan at paminsan ay lumalabas upang kumain (KKB) habang noon break ng mga nag-oopisina (ako lamang yata ang hindi sumusueldo) ay sina Claire, Maring, Ruby, Dally, at Amalia. Minsan nga, nagpa-pictre pa kami na kasama si Robin Padilla dahil nakita namin dun sa restaurant. Minsan naman, si Herbert Bautista. Wala pa sa politika ang dalawa, mga artista at natuwa lang kami.
 

 

Minsan, may happening kina Nenita Karasig sa Valle Verde. Ang laki at ganda ng bahay niya. Kodakang umaatikabo. Na naulit pa nang nagbalik-bayan si Linda San Diego. Nakarating pa si Doc Resty. Ang daming dumating. Ang saya ng pagkikita, parang mini-reunion na rin. Noon ba may nagdeklara na “alam mo ba, Resty, crush kita noong high school?” 

 

 

May pagkakataon namang ang nang-iimbita sa amin ay si Gerry. Naging aktibo na si Gerry sa pagsama-sama sa grupo basta at in town siya, dahil lubha rin siyang abala sa kanyang negosyo na here and abroad. At siempre, kainan, konting inuman at natural, kantahan dahil nariyan si Dally.


Ang Reyunyon ’85 ay idinaos na muli sa Pamahalaang-Bayan ng Guiguinto sa kagandahang-loob ni Mayor Boy Estrella, noong ika18 ng buwan ng Mayo. Sa reyunyong ito nagmula ang tradisyon ng pamamahagi ng door prizes na donasyon rin ng mga kaiskwela, sa mga dumalo. Gayundin ang bayanihang pagdadala ng pagkaing pagsasaluhan sa reyunyon. Ang mga ganitong pagtutulungan ay bunga ng namuong damdamin ng mga namumunong miyembro ng klase na nagnanasang mabigyang-kasiyahan ang maraming kamag-aral na dumadalo sa reyunyon.

 

Si Felicisimo Castro ng Malolos ang nahalal na pangulo ng Klase.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

                                                                                                         


 [ES1]g