Tuesday, August 30, 2016

Have a happy birthday over there, dear friend!





August 30!

In behalf of Linda, Regia and Joe, we wish you a Happy Birthday with your dearest Mother over there.

We truly miss you. 






And because I am an Estrella, I am the Star of your life. Remember the dedication you wrote in the book you gave me, kaya naiinggit sila na mas mahaba ang isinulat mo para sa akin kaysa sa kanilang libro.

Saturday, August 20, 2016

It's 11:56 pm of August 20, 2016!!!


Happy birthday to me, tomorrow!!!

It's 11:58 almost midnight!!!

Tuesday, August 16, 2016

Kuwento sa Liwayway, Ang Matandang Bahay


Lumabas ngayong araw na ito, Martes, ang aking kuwentong "Ang Matandang Bahay". Bili na kayo.

Salamat sa kay Rico Rival, ang gumawa ng illustration sa kuwento. Nakuha niya ang essence ng istorya. Love it.
Iyong loob ng bahay, iyong bintanang kapis, iyong bentanilya, iyong piyano, iyong mga teenager na tumutugtog at umaawit, parang... hindi ko alam kung ano ang isusunod. Sasabihin ko na lang na parang kahapon lamang... sa mga makaka-relate sa kuwento.



Hahanapin ko sa aking file ang isang larawan ng Matandang Bahay na naging inspirasyon ko sa kuwento.

 

Monday, August 15, 2016

Sa Gitna ng Ulan at Baha...


Naisipan kong maghalungkat ng mga lumang larawan ng kung anu-ano lamang...

at sa kabila ng pabugsu-bugsong pag-ulan na nagdadala ng baha na maya't maya ay sumusungaw sa aming gate...

enjoy pa rin...



ganda-ganda ng mga rosas... a thing of beauty is a joy forever...

 wow! sarap-sarap! Kuha siguro ito noong Pasko. May kastanyas at kiat-kiat. May nasisilip pa akong chicharon sa bandang likod.


 Dalawang ibon sa sanga ng niyog. Bakit magkalayo? Nagtatampuhan ba sila? Baka naman talagang conservative.



Paborito ko ito, mangosteen. Photo credit sa anak ko na kahit simpling kamera, magaganda ang kanyang kuha.






Nutella mother and child daw  ito. May natuwa lamang na bilhin si Baby Nutella. Miss na raw Mommy niya.


I think that I shall never see, 
a poem lovely as a tree
A tree whose hungry mouth is pressed
Against the earth sweet flowing breast
A tree that looks at God all day
And lifts her leafy arms to pray; 
A tree that may in summer wear
A nest of robins in her hair,
A tree whose bosom snow has lain
Who intimately lives with rain
Poems are made by fools like me
But only God can make a tree.  
                         Joyce Kilmer



 

Thursday, August 11, 2016

WALANG DRAMA


WALANG DRAMA

Nalathala na sa Liwayway nitong nakaraang buwan, Hulyo, ang aking kuwentong WALANG DRAMA.

Ito ay isang kuwento ng pag-ibig na tunay ngang walang drama ngunit sa mga makababasa, nanaisin ninyong sana, ganito kayo, katulad ng mga karakter sa istorya.

At para sa inyong kaalaman, sila ay totoong mga tao.