Tuesday, September 11, 2018

Sulyap sa nobelang Soulmates sa LIWAYWAY




Kabanata 5 

Nangyari na ba ito sa iyo noong araw? Na nag-abot sa pag bisita sa iyo ang manliligaw mo? Okey lang kung wala ka pang sinasagot ng "Oo" sa sinuman. Kaso, kung pinatatawing-tawing mo pa iyong isa dahil cute kahit may boyfriend ka na... Ay, problema!

Pero sa nobela, iba ang problema ni Rowena...

 

 


Kabanata 6


Noong nag-aaral ka sa kolehiyo, malayo ang probinsiya. Walang alam sina Nanay at Tatay na may sumusundo na pala sa iyo paglabas sa eskwela. Feeling libre ka, ano. Kaya enjoy ang bawat sandali. Sarap ng pakiramdam...

Kabanata 7


Saan kayo nag-i-snack noong araw? Kung taga university belt ka at hindi sa canteen ng kolehiyo, siguro ay sa refreshment parlor na nasa ilalim ng mga dormitoryo sa tapat nito. Lucy's Kitchenette? De los Remedios? Pansit palabok at coke. Dinuguan at puto. Na kapag nagawi-gawi sa dakong Morayta at Espana ay sa Little Quiapo o Brownderby. Ubos ang mga napkin sa kasusulat ng initial ng inyong pangalan sa loob ng dalawang pusong tinutuhog ng isang palaso, di ba?


Kabanata 8

Sa kasera o dormitoryong tinutuluyan ninyo noong nag-aaral sa kolehiyo, siempre, lagi nang pinag-uusapan ninyo ang mga "boys". Kung close kayo sa isa't isa, hinihingan mo pa ng payo kung sino sa tingin nila ang mukhang seryoso. O pwede na rin... Habang naghihintay-hintay ng iba pang darating sakali...




 Kabanata 9


Pero kung magboyfriend  na kayo, at magkababayan pa, na umuuwi tuwing weekend para magpalaba ng damit at kumuha ng allowance kina Nanay, siempre, pagluwas ng Maynila sa hapon ng Linggo ay sabay sa biyahe. Iyon...ay kung magboyfriend kayo. E, kung hindi pa, siempre, medyo asiwa, di ba?





Kabanata 10


Noon...iyong pagmimerienda na magkasama, kung sino ang nagyaya ay siyang nagbabayad, lalo at barkada. Minsan naman, Dutch, iyon ang uso noon, na naging KKB. Pero kung MU na, lagi nang si boyfriend ang taya. Kahit kulang sa budget, idinaraos pa rin ang paggalante. Buti nga noon, kakaunti ang kainan. Pancit lang sa Wah Nam o siopao at mami sa Ma Mon Luk, okey na. E, ngayon, napakaraming makakainan. Dami pang mall at fast food. 








O, parang updated na kayo sa nobelang SOULMATES. Aba, e pwede pang humabol sa istorya. Bili na ng Liwayway.