Wednesday, June 22, 2016

Bangko at Bintana at Bulaklak


Bangkong walang nakaupo...
Ito ba'y may hinihintay?






Bintanang walang nakadungaw
Nakapinid namang tunay,

 














Batis na malinaw...
May anyayang magtampisaw
















Bulaklak na makulay, nag-aabang ng pipigtal.

 












 Sila ay nasaan?









Narito na at tingnan...
Paru-parong dumadalaw.























Nalathala Na


Nalathala na pala ang "Bucket List" sa Liwayway noong Hunyo 13, 2016. Naliho ako at di agad nakabili. Dalawa lamang ang inabutan ko sa suking tindahan kaya ngayon, naghahanap pa ng ibang kopya dahil may order ang isang kaibigang taga-Australia. Nalaman kasi niya ang tema ng kuwento at waring naka-relate siya. Bakit kaya?





Hanap na kayo ng kopya. Baka maka-relate din kayo.

Tuesday, June 14, 2016

Love at First Sight



Naranasan ba ninyo ang tinatawag na love at first sight?

Isang taong sa una pa lamang pagtatama ng inyong paningin ay "tinamaan" na kayo, sabi nga?

Nagtagal ba naman? O nang magsalita at hindi pala kayo "intellectually compatible" ay lumipad na ang paghanga ninyo. 

O nang ngumiti ay sungki pala ang ngipin.

Love at first sight ba kayo ng naging kapalaran ninyo sa buhay?

O nadebelop lamang? Propinquity?

Noong nakaraang buwan ay nalathala ang aking kuwentong "Love at First Sight" sa Liwayway. 

Baka may kopya pang natitira sa tindahan, bili na kayo.