May tinanggap akong email ng pagbati sa Mother's Day mula sa isang kapwa-Nanay na nais kong ibahagi sa inyo. Sabi niya:
Kapag naging Nanay ka, walang log out, walang pause, walang stop, walang day off, walang sahod. Mas lalong di pwedeng mag-resign. Pwede kang mamili ng asawa, pero ang anak di pwedeng piliin... dahil ang pagiging Ina ay habangbuhay na kontrata. Ang sabi nga, ang galit ng Ina,
parang paggisa ng bawang... SANDALI LANG. Ang tuwa ng Ina sa anak, parang dam kapag tag-ulan... UMAAPAW. Ang pasensya ng Ina parang San Juanico Bridge...MAHABA. At ang pag-ibig ng Ina sa anak, parang iced tea...BOTTOMLESS.
How true! Kaya ang tanging naisagot ko ay -
What more can I say? Motherhood is a life-long
career without pay and retirement. Only memories of "moments" that live
in the secret recesses of the heart which a mother can summon during
"alone" and lonely days. Remember the bond or Oslo paper decorated with
red hearts and the "I love you Mama" in indecipherable cursive? And the
dandelion flower they picked by the road to offer to you?
Happy Mother's Day to us all! Narito ang isang cake na uwi ng anak ko. Pagsaluhan natin.
At masdan ang tatlong bulaklak ng rosas na bigay sa akin ni Manang...
Sino si Manang? Maghanap ng Liwayway na may petsang Agosto 31, 2015 kung saan sa isang kwento ay siya ang aking bida. At hindi lamang iyan. Kung mapupunta kayo sa library ng Palanca Awards for Literature, maaari rin ninyong mabasa ang nanalong kwento ko tungkol sa kanya na may pamagat na "Si Regina at Ako".