Sunday, May 27, 2018
I think that I shall never see...
I THINK THAT I SHALL NEVER SEE
A POEM LOVELY AS A TREE...
A TREE WHOSE HUNGRY MOUTH IS PRESSED
AGAINST THE EARTH SWEET FLOWING BREAST...
A TREE THAT LOOKS AT GOD ALL DAY...
AND LIFTS ITS LEAFY ARMS TO PRAY.
A TREE THAT MAY IN SUMMER WEAR
A NEST OF ROBINS IN HER HAIR.
A TREE WHOSE BOSOM SNOW HAS LAIN,
WHO INFINITELY LIVES WITH RAIN...
POEMS ARE MADE BY FOOLS LIKE ME...
BUT ONLY GOD...
CAN MAKE A TREE.
Sunday, May 6, 2018
Relak Ka Lang
RELAK KA LANG
Dated na raw ito. Relak ka lang. Ngayon, ang
sinasabi ay chill. Na more or less, ganoon
din ang ibig sabihin. Relak ka lang. Kaya hayaan na ang chill sa mga kabataan at dine na ako sa kung saan ako komportable.
Kapag may kausap kaming wari ay stressed,
worried, hindi malaman ang gagawin, o dadamputin, o sasabihin, karaniwang payo
namin ay… relak ka lang d’yan…
Ibig naming sabihin, tumigil siya sandali,
huminga nang malalim, breathe deeply, inhale… and then, dahan-dahan, pawalan
ang hangin, exhale, na parang pati balikat ay bumababa, lumalaylay.
Kalaunan na lamang namin nalaman na mali raw
kaming huminga o mag-inhale. Aba, e, may
right at wrong way pala nang paghinga. Ang mga sanggol raw kung
pagmamasdan, makikitang pag nag-inhale ito ay tumataas ang tiyan. It is what
they call as breathing thru the nose all the way to the belly, sa may
diaphragm. At pag nag-exhale naman, bumabalik ito sa normal. Na kabaligtaran
nang ginagawa ng karaniwang humihinga na tumataas ang dibdib pati balikat
kasabay ng pagliit ng tiyan kapag nag-inhale at pagbalik sa normal na posture
kapag nag-exhale. Mali. At para makorek, kailangang pagtuunan talaga ng pansin.
And when one gets the hang of it, magiging natural na. At sa mga pagkakataong
nai-stress ka, madaling maging kalma kapag ganito ang paghinga.
Doon sa seminar na dinaluhan ko noon, natutuhan
namin kung paano magrelaks. Hindi ito inhale-exhale lamang. May proseso kaming
sinusunod at laging pinapraktis. Dahil kapag natutuhan na ito, hindi na namin
kailangang sundin ang step by step na proseso. One deep breath lamang at nasa
relaxed state na kami. Pero matagal bago namin nakamit ang skill na ito.
Practice, practice, practice… iyan ang laging sinasabi sa amin. Ang sabi pa nga sa amin, practicing once is good.
Practicing twice is very good. Practicing three times is excellent. Kalaunan
nga, nabanggit sa amin na para maging natural o second nature ang isang bagay
na pinag-aaralan, kailangang 10,000 times na ginawa, religiously.
Sa aking karanasan, noong una, akala ko nga ay
kaya ko nang magrelaks nang paganoon lamang, na sinunod ko iyong proseso. Hindi
pa pala ako relaxed, akala ko lang, dahil sa kwento ng aming lecturer.
Sa
abroad daw, sa isang seminar doon, nagdadala pa ng mat ang attendees, nahihiga
upang magawa ang tamang breathing exercise all the way to the belly, saka
sinusunod ang proseso. Then the lecturer goes around with a ruler in her hand
at ipinapasok ito sa nakaangat na likod ng nakahiga. Ibig sabihin, kung tunay
na nasa relaxed state iyong tao, dapat ay flat ang buong katawan niya sa mat na
hinihigan. Kaso, naninigas ang kanyang likod. Ibig sabihin, tense ang muscle
niya sa likod.
Pero paano ba ma-differentiate ang relaxed at ang tense. Sabi ng aming lecturer, clench your fist, mahigpit. At ginawa namin ito. Then release it, kasunod na sabi niya.
Na ginawa rin namin. Ano ang naramdaman
ninyo, ang tanong.
Nagsagut-sagutan kami. Parang nanlupaypay,
gumaan ang pakiramdam.
Ok, simulan
natin sa itaas. Close your eyes, mahigpit. Then, open. Now stiffen your shoulders,
mahigpit. Release. Your arms… release.
Ipinaramdam lamang daw niya ang diperensiya ng
naka-relaks at tense na muscle. Kasunod nito ay inalalayan na niya kami, guided
us thru the process of relaxation… from the top of our head down to the tip of
our toes.
Sinimulan niya ito sa pagsasabing relax your scalp. Naisip ko lang, paano
ko ba mairerelaks ang aking tuktok, e, ang tigas naman nito. Sabi naman niya, isipin ninyong nakarelaks.
Sinundan ng relax
your forehead, medyo madali ito kasi ikinunot ko ang aking noo saka
nirelaks.
Relax the
area around your eyes… your cheeks… your throat… your shoulders… naramdaman kong
nairelaks ko ito.
Down to
your arms…elbows… hands…fingers… kaya ko na ito.
Relax
your chest, externally and internally… wow, okey ang external, pero iyong internal,
paano ba? Pero, isipin lang daw…
Relax
your abdomen, externally and internally… na naman!
Down to
your thighs, knees, legs, feet, toes…
At dahil mahinay at soothing ang tinig ng lecturer, para tuloy gusto kong antukin. Sa
totoo lang, marami pala ang napapaidlip kapag nagrerelaks.
Ito ang unang step lamang. Na ang na-achieve ay
ang tinatawag niyang physical relaxation.
Ang pangalawang step na ipinagawa niya ay ang
mag-isip kami ng isang kaaya-ayang lugar kung saan payapa ang aming pakiramdam.
Iyong feeling na all is well with the world. Walang problema. Na ang kauuwian
ay peace of mind. Pati isip ay nakarelaks.
Kani-kaniya kami ng naiisip. May beach… may
moonlight night… may simbahan… kung anu-ano lamang na personal sa nag-iisip. Ang
tawag naman dito ay mental relaxation. Aba, e, kung physically at mentally
relaxed na, malamang na makatulog na kami (na nangyayari namang talaga.)
Kumbaga kasi, dumating na kami sa tinatawag na alpha state.
Pero, ano ba ang alpha state? Sa simpling paliwanag,
ito iyong puntong hindi ka gising, pero hindi ka naman tulog. Agaw-tulog, sabi
nga ng matatanda. Lahat naman tayo siguro ay nakaranas nang mag-daydream. Tawag
naman dito ay nangangarap nang gising. Parang wala ka sa sarili.
Sa pangatlong step na ito, nakarating na dapat
sa alpha state, if one has really and truly relaxed. Upang makaabot pa raw kami sa deeper relaxed state, binibilangan niya kami ng ten
to one, na sa bawat numerong pababa, ang feeling namin ay we are getting deeper
and deeper. Imagine going downstairs na may ten steps. Bawat hakbang, bumababa
ka. Para ding elevator na magmumula sa tenth floor na pababa sa ground floor.
So ang relaxation pala na una naming
pinag-aralan ay upang matutuhan namin ang makapunta sa alpha state where the
brainwave frequency ay 7-14 cycles per second (8-12 sa ibang chart). Ayyy,
nawala na ako rito.
Noon binuksan ng lecturer ang kanyang computer
at sa white board sa wall ay bumulaga sa aming paningin ang sketch ng human brain na nahahati sa left and
right hemisphere.
At nag-break kami for lunch.
(See you next month for the continuation of my experience on the same topic.)
Subscribe to:
Posts (Atom)