Saturday, December 19, 2015

Isang Kuwentong Masaya


Isang Kuwentong Masaya

Lumabas na sa Liwayway ang kuwentong ito. Sana, ang mga tagasubaybay ng aking blog ay sumisilip paminsan-minsan sa Liwayway. Hindi ko ipinapangako, ngunit, dahil nahihilingan, maaaring paminsan-minsan rin, makakakita kayo roon ng aking kuwento.

Tulad ng taong ito ng 2015. Nasimulan ko lamang ang muling pagsusulat noong Agosto. At sa loob ng limang buwan, nakapaglathala ako ng walong kuwento. Hindi na siguro masama ito, sa isang nahinto nang pagsusulat ng walo ring taon. Tanda ko pang 2007 ang huli kong kuwento sa Liwayway.

Ang kaso nga lamang, nahinto ako nang paglalathala ng mga luma kong kuwento dito sa blog. Kinapos ng oras. Marami ring trabaho sa bahay. At sosyalan kahit paano.

Iyon pa man, time management lamang siguro ang kailangan.

Narito ang hitsura ng aking kuwentong masaya.

 

Sunday, November 29, 2015

Kuwento sa Liwayway


Tuloy ang mga kuwento sa Liwayway...

Sa linggong ito, lumabas ang isa ko pang kwento...

Ang Karaoke ni Tatay



Bili na kayo, baka may natitira pang kopya sa tindahan. Kadalasan, may makikita pa kayo sa National Book Store.

O, eto, advance notice. Sa papasok na linggo, Disyembre na, may kwento ako ulit. Ang pamagat -

Isang Kuwentong Masaya

Maligayang Pagbabasa!

  

Wednesday, November 11, 2015



Bagong Kuwento sa Liwayway

Lumabas ngayong linggong ito ang kwento kong may pamagat na SA KABILA NG SAPA... 

Isang tanong lamang. May sapa ba na malapit sa inyong tinitirahan na umaapaw kapag walang tigil ang pag-ulan?

Sa amin, mayroon. Kaya para na ninyong nakita ang aming kalagayan tuwing panahon ng tag-ulan.

Sa kabila nito, tuloy ang buhay...


Sige, basa na kayo...

Saturday, October 31, 2015


KUWENTO SA LIWAYWAY

Sa mga tagasubaybay ng aking blog na nais makabasa ng mga bagong sinulat ko na kuwento ng linggo sa Liwayway, naririto ang mga pabalat at pahina na dapat ninyong hanapin.

Pamagat: SANGGANO IN MY MIND
Oktubre, 2015


Pamagat: ANG BANGKO SA BANGKETA
Setyembre 2015


Pamagat: SHAKESPEARE
Setyembre 2015


 
 Pamagat: ANG DALAWANG DAIGDIG NI MANANG
Agosto, 2015 


Pamagat: MAGIC JACK 
Agosto, 2015




 
 

Friday, September 18, 2015

Liwayway - Bagong Kwento, Ang Bangko sa Bangketa


LIWAYWAY

Sa susunod na linggo, araw ng Martes o Miyerkoles (Sept. 22 o 23), depende sa kung nasaan kayo, may petsa sa cover na Setyembre 28, ay lalabas ang aking pang-apat na kwento sa Liwayway, matapos ang matagal-tagal rin namang pamamahinga (o katamaran) sa pagsulat. Naimbitahan lamang muling sumulat.

Ito ba ang tinatawag na "third wind" dahil alam kong nadaanan ko na iyong second wind sa pagpasok ng millenium. Malalaman...

ANG BANGKO SA BANGKETA

Ito ay totoong bangko sa tapat ng aming bahay. Istambayan ng aming mga anak kung bakasyon at   Biyernes na walang pasok sa iskwela kinabukasan. Dito sila nagkukwentuhan, nagkakainan, nagkakaingay. Dito sila nagtitipun-tipon kapag hinihintay ang pagdating ng alas dose pagsapit ng Bagong Taon. Ito ang munting sulok ng daigdig ng kanilang kamusmusan, ng kanilang kawalang-malay.
 


Dito rin kami nauupo kung hapong papalubog na ang araw at malamig na ang paligid. Dito namin hinihintay ang service na sasakyan ng mga bata na pauwi mula sa iskwelahan. Hindi ito daanan ng pampublikong sasakyan maliban nga sa mga traysikel na naghahatid ng mga galing sa kabayanan na walang sasakyan. Kaya tipong may privacy kami rito noon (naiba na po ngayon). Tinaniman ko pa ng mga bouganvilla at iba't ibang halaman ang katapat na bakanteng lupa sa tabi ng creek kaya, kaaya-aya ang paligid. 



Bili kayo at siguro, makikilala ninyo kung anong lugar itong inilalarawan ko sa kwento.
 

Thursday, September 17, 2015

Throwback Thursday





                                                       Remembering...




               Fifty one years ago, September, 1964


                        Last year, September 2014


Throwback September 1991