Friday, June 26, 2020

Sagot sa Comments



 SAGOT SA COMMENTS

Ang tagal ko na palang hindi nakapasyal sa aking blog.  Na-quarantine talaga. Nang silipin ko ang ilang comments ay may nakita akong nagtatanong tungkol sa kuwentong Isang Pook, Dalawang Panahon. Na wari, siya ay naguluhan at hindi niya nasundan ang pagbagu-bago ng eksena, kumbaga. Flashback style. Itinanong niya tuloy kung ano nga ba iyong kuwento.  (Sa totoo’y assignment ito sa Creative Writing sa ilang kolehiyo. Nalaman ko lamang nang interbyuhin ako ng mga istudyante tungkol dito.)

Ang istorya ay umiikot sa isang pook. Ang dormitorypng tahanan ng mga istudyanteng nag-aaral sa University Belt.

At sa dalawang panahon. Na ang unang panahong tinalakay ay noon. Dekada cincuenta. Panahong simpli pa ang buhay. Sa dormitoryo, ang inaalala lamang ng mga nakatira rito ay aral, kain, tulog. At mga lihim na crush.

At ang ikalawang panahon ay ang mid-eighties.  Mga rally ng aktibista. Pag-alis ni Marcos, pagpasok ni Cory. At ang mga kaguluhan pang nagaganap.

Ang mga pangyayari sa nasabing dalawang panahon sa loob at labas ng dormitory ay mula sa paningin at pandama ng isang dalagang nag-aaral noong decada cincuenta at ng kanyang naging anak na nag-aaral noong panahon ng martial law. Sinasalamin lamang ng kuwento ang kaibhan ng buhay, ugali at gawi, layon at pangarap ng mga tao ng nasabing dalawang panahon.Iyon lamang. Simpli lang.

Ngunit kung makapagsasalita nga lamang ang dormitoryo... Kay rami pa niyang maisisiwalat.

++++  
May nagtanong naman kung saan makabibili ng isinaaklat kong nobelang  Sa Pag-ibig, Parehas ang Laban. Sa akin lamang po, kasi print on demand iyan. Kung nasa USA kayo, punta kayo sa lulu.com. Kung narito kayo sa Marikina, email kayo sa akin.

++++
Kay Ruby na nagtatanong tungkol sa kuwentong Sleepover ng mga Seniors, tapos na iyon at nalathala na sa Liwayway. Kasama iyon sa bagong compilation ng mga kuwentong seniors. Hindi pa lamang naaasikaso noong taga-Virginia. Quarantine din sila. Baka maisaaklat late this year. Abangan.
 

Sunday, April 5, 2020

AFTER COVID 19, WHAT?




AFTER COVID 19, WHAT?

I came across this poem while going over the posts at the facebook of a family member. So very timely and I felt I just have to include it in my blog for others to see, but with something else. A translation, like some of the poems I like which I translated. Also, I took the liberty of adding some Tagalog words to better put across the message to the readers.



It was written in 1869 by Kathleen O’Mara:
Reprinted during Spanish flu, Pandemic, 1919




AND PEOPLE STAYED AT HOME

At ang mga tao ay nanatili sa kanilang tahanan
And read books 

At ang inaalikabok nang aklat ay binuksan at binasa
And listened 

At ang huni ng ibon na dati ay di pansin ay napakinggan
And they rested

At muling natutong magpahingalay
And did exercises 

At ang ehersisyo ay binalikan
And made art and played 

At ang malikhain ay lumikha at naglaro
And learned new ways of being

At natuto ng mga bagong paraan ng pagpapakatao
And stopped and listened 

At tumigil, nakinig
More deeply 

Nang higit na mataimtim
Someone meditated, someone prayed 

May nagnilay-nilay, may nanalangin
Someone met their shadow  

May nakipagtalamitan sa kanilang anino
And people began to think differently 

At ang mga tao ay nagsimulang mag-isip nang kakaiba
And people healed.

At gumaling ang mga tao
And in the absence of people who 
Lived in ignorant ways  

Dangerous, meaningless and heartless, 

At sa pagkawala naman ng mga taong

Namumuhay na walang kaalaman,

Sa panganib, na walang kabuluhan at damdamin

The earth also began to heal  

Ang lunas ay sinapit ng daigdig
And when the danger ended and   

At nang ang panganib ay nagwakas
People found themselves 

Natagpuang muli ng mga tao ang kanilang sarili
They grieved for the dead 

Ipinagdalamhati nila ang mga yumao
And made new choices 

At pumili ng mga bagong haharapin
And dreamed of new visions 

At nangarap ng mga bagong gagawin
And created new ways of living 

At lumikha ng ibang paraan ng pamumuhay
And completely healed the earth 

At ganap na naghilom ang sandaigdigan
Just as they were healed. 

Kung paanong naghilom din ang sangkatauhan.





                           Sharing, Pandemic, 2020



Friday, March 27, 2020

Isang Taong Anibersaryo na Wala si Manang





Si Manang ay si Regie. Si Regie ay si Regina. Si Regina ay ang bida sa aking kuwentong "Si Regina at Ako" na nagwagi sa Palanca Awards for Literature noong 1992.

Limampung taong naging kasama ko sa bahay si Manang. Tunay na kasama, araw-araw, gabi-gabi, kasi ay hindi naman ako nag-opisina nang isilang ko ang aking panganay. Hati kami sa trabaho sa bahay, siya ang bahala sa laba, linis, karaniwang luto, ako sa pagpapalaki sa mga bata at lahat-lahat na, sa mga detalye baga.

Ang limampung taon ni Manang ay nasisingitan ng mga dalawang buwang bakasyon kapag school break ng mga bata tuwing summer. Dito siya umuuwi sa kanilang probinsiya sa Visayas. Pagbalik niya ay marami nang sari-saring pasalubong. May isang panahong nagtagal siya sa bakasyon dahil siya ay umibig sa isang tagaroon at nagbunga ito ng isang "Naku, Ati, pogi ang anak ko!" Pero bumalik din siya, wala namang nangyari sa kanyang pag-ibig. At naging seryoso na siya sa buhay mula noon. 

Noong isang taon, Marso 2019, nagretiro at umuwi na si Manang sa kanilang lalawigan. Sabi ng mga anak ko, ang pag-alis ni Manang ay matatawag na "End of an Era". Tawag ko naman sa kanya ay "One in a Million". Wala na siyang makakatulad, batay sa mga naririnig namin at nababasang kuwento tungkol sa kasama sa bahay sa panahon ngayon. Tunay siyang pambihira.









Excited siya sa kanyang pag-uwi, sa kanyang bagong buhay na hinaharap bagaman at may sandaling parang nag-aalala rin siya sa kanyang daratnan. Kami na kasi ang kanyang pamilya. 

Mayroon naman siyang uuwian. May konting ipon, may SSS pension. May munting bahay na naipatayo. Anupa't bakasyon grande na siya.

Samantala, kaming mga naiwan, isang pamilyang spoiled at tiwala sa isang kasama sa bahay, na walang balak na siya ay palitan, ngayon ay ganito ang buhay...



taga-laundry- (manang)------------------------ate

taga-sampay- (manang)-----------------------kuya

taga-tiklop- (manang) ------------------------- kuya

taga-palengke- (ate)----------------------------ate

taga-luto ordinaryo—(manang)--------------ate

taga-luto espesyal---(ate)---------------------ate

taga-saing-  (manang)-------------------------om**

taga-set at ligpit ng table—(manang)------om**

taga-fill-up ng pitsel inumin-  (manang) ---om**

taga-segregate ng basura- (manang)------ate

taga-labas ng basura sa garden- (manang)-----om**

taga-sabit ng basura sa bangketa sa early

morning-(manang) ----kuya/ate pag tulog pa kuya

taga-hugas ng pinggan/kawali etc-(manang)---de****

taga-sarado ng mga pinto at gate-(manang)----de****

taga-grocery/talipapa/errands-(ate)----------------de****

taga-walis/linis ng sahig sala/dining/kitchen

/kuwarto niya-  (manang)-----------------------------om**/ate

taga-general cleaning ng 3 bathroom – (manang)

 --- kani-kaniyang gen. cleaning-----------ate/om**/de****

taga-walis bangketa/garden/jalousies-(manang)---ate

taga-dilig sa garden-(manang)---------------------ate/om**

taga-linis ng bentilador-(manang)-----------------kuya

taga-saway sa nagkakalat na bata sa kalye-(manang)---ate

taga-sagot telepono—(manang)--------------------ate

taga-sagot sa kumakatok sa gate-(manang)----ate,

minsan de****/om** pag delivery ng lazada o shopee

taga-plantsa-(manang)---WALA, wash n wear na lang

taga-maneho ng kotse---KUYA

taga-asikaso ng tungkol sa kotse--kuya

taga-bayad ng bills sa bangko at bayad center--ate/kuya

taga-bili ng cage free eggs at milk-------------------kuya

taga-iba pa at lahat-lahat na--------------------------ATE



HAPPY ANNIVERSARY MANANG!!!