Friday, December 1, 2017

a promdi in new york

i've always liked listening to the song Englishman in New York by Sting.
so i'm borrowing some lines there...


"and you can hear it in my accent when i talk...
i am a PROMDI in new york..."

nakatingala... nakanganga pa yata...
may dala pang payong.
umuulan naman noon at ang lamig!
pero, enjoy😊

Friday, November 17, 2017

Hulaan N'yo




1.



2.



3.

4.




Sirit na ba? 'La lang magawa, kaya kung anu-ano ang kinokodakan. lsa sa mga unang binili ko nang magkatrabaho pagkatapos ng kolehiyo ay isang Kodac instamatic camera. nag-progress naman kalaunan. Sa mga point and shoot, ekanga. dumating pa sa Pentax. kumbaga ay kinarir na, model ay kung anu-ano rin. Naging digital pa, nakiuso. Pero ngayon,  celfon na lang. kung anu-ano pa rin ang kinokodakan. pinto, bintana, lumang bahay, bulaklak, pagkain, paa, ulap, kalsada, punong-kahoy, mga bata, tao, perdible, seat cover, kisame, chandelier...

O, ano, nahulaan na ninyo?

Sunday, November 5, 2017

favorite song, favorite singer

noong araw, many moons ago, during our elementary and high school days, bumibili tayo ng autograph, ganoon ang tawag natin sa parang munting album na sinusulatan ng mga statistics ng ating pagkatao.  sample ay ganire:

name: maria kulasa
nickname: marikul
address: sa tapat ng poste ng meralco
birthdate: february 29 xxxx (secret
birth place: sa bahay, sa hilot (nagpapatawa)
kasunod na rito ang height: 5' (pero sa totoo ay 4'11" o baka 4'10" o 9" lang)
weight: --- (blangko, hindi alam)
eyes: black
complexion: morena (ibig sabihin, maitim)
at sunud-sunod na ang mga favorite:
color: pink
flower: rose
actor: rock hudson (minsan lang napanood)
actress: doris day (ganon din)
movie: ten commandments
song: only you
singer: the platters

iyan ang ating pag-usapan. gusto mo ba ng the platters?  bakit mo gusto? kapag dumating ba dito sa atin ang mga iyan, kahit hindi iyong mga original, hahangarin mong mapanood?

nang dumating sa Pilipinas si frank sinatra, kahit matanda na at nakakalimot na ng lyrics ng kinakanta, hindi na mabasa ang prompter kasi malabo na mata, bingi pa, aba, e, sugod pa rin ako at nanood!

kasi, para sa akin, dinadala ako ng kanyang mga awit sa isang natatanging panahon. sa palagay ko lang, kung tinatamaan ka ng sinasabi ng kanta at maganda ang pagkakaawit, nagiging paborito mo ito.  siempre, ibang usapan na kung ikaw ay isang kritiko ng musika. iba ang hinahanap mo sa kumakanta.

iyong mga alaalang nakaugnay sa awit... natatandaan mo pa ba iyong "namamasyal sa luneta" ni rico puno? ang "maria leonora teresa" nina guy and pip? ang "sad movies make me cry" ni vilma santos? iyong "waray waray" ni nida blanca? "pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay" ng apo? "be my lady" ni martin nievera?

okey ang pagkakanta, pero iyon kakabit na panahon nito, iyon ang kumakalabit sa kwerdas ng iyong puso. ah, those were the days, eka nga...

pero kaya ko lamang nabanggit ito ay dahil sa kay elvis. na noong araw na naging paborito ko ay napintasan ng marami. may boses nga raw pero mali kung kumanta, dinig ang paghinga, whatever that means. saka gyrating hips, wow, bastos, sabi ng matatanda. e, hilung-hilo naman kami sa rock n roll...

ayaw ng marami kay elvis? pero, gusto ko! siya at ang kanyang mga awit, dahil sa alaala ng aking kabataang dinadala ng mga ito...

na ayon nga sa isang nakarating na sa graceland ni elvis.

"...after having joined the elvis tour experience and learned more about his life, his family. his music, his charity, the people/musicians he influenced (the likes of the beatles, cher, bono, timberlake, etc.) no more shall he be as just elvis to me! he is more than gyrating hips."

ayon pa raw kay elvis...

"i always felt that someday, somehow, something would happen to change everything for me... and i'd daydream about how it would be."

parang tayo... ako...ikaw... nangangarap, umaasa..

kumbaga, totoong tao! at lalong okey sa akin iyon. sa inyo ba? sa english, how about you? in other words, ano'ng sey n'yo?

hanggang sa muli😀


Saturday, November 4, 2017

Sa Dako Pa Roon

Sa dako pa roon...
pwede ring sabihin na Over the Rainbow...
o kaya ay Beyond the Sunset...
after having crossed the bar...

november 3 na...at sa aking pag-iisa ay saka ko lamang napag-isip-isip, na kayrami na palang mga kaanak, kaibigan, kaiskwela, kapitbahay at mga kakilalang nagsilisan na.

lumisan na. yumao na. sumakabilag-buhay na, iniwan na tayo. namayapa na. namahinga na. nasa piling na ni Lord.

do i hear, nag-abroad na? a sort of a euphemism used by some friends. which they also use when they mean sumakabilang-bahay, which by the way, is another euphemism for... well, you know, having another household.

levity aside, let me post here a poem by Christina Rosetti about sa dako pa roon... and a picture, too!


when i am dead, my dearest, 
sing no sad songs for me, 
plant thou no roses at my head,
nor shady cypress tree.
be the green grass above me
with showers and dewdrops wet
and if thou wilt. remember
and if thou wilt, forget.

i shall not see the shadows
i shall not feel the rain
i shall not hear the nightingale
sing on as if in pain:
and dreaming through the twilight
that doth not rise, nor set
haply i may remember
and haply may forget.



Friday, November 3, 2017

at pictures pa-more

ng mga nakakatuwaang bagay...

sa waterfront...





metal railings lang pala!

I'm Back

How do I begin?

Yup, matagal rin pong nabakante. sa ngayon nga ay nakabakasyon. kaya pasensiya na lamang po sa mga larawang narito na ngayon ay nakakawilihan kong kodakan, eka nga😊

i have finished and submitted a short novel waiting for a slot in the magazine. kaya. sabbatical muna. but you can still have my four books printed on demand.

i am at my oppo and i don't know yet how to access the pictures in the phone which i want to post here.

meanwhile, wait muna, eka nga...

ANINO
                                                                                               ng tao....



ng dalawang tao


ng apat na tao

Friday, July 7, 2017

Mga Kuwento sa Liwayway sa buwan ng Hunyo at Hulyo 2017


Narito ang mga kuwento kong lumabas sa Liwayway sa buwan ng Hunyo at Hulyo. Baka makakita pa kayo ng kopya sa National Book Store, Magazine Section...

COMMITMENT ISSUE  --- June

Kapansin-pansin ngayon na ang marrying age ng mga magkasintahan ay nasa 30-40 year-range. Bakit kaya?
Nalilibang sa trabaho? Nag-e-enjoy sa napakaraming mapaglilibangan ngayon? Boracay, Panglao, Siargao, Palawan... mga budget trips abroad... barkadahan sa gym... mountain climbing... sports...

Baka dala ng pangangailangan? O bunga ng isang pinagdaanang karanasan? Isang isyu na iniiwasan.
Basahin...


 SUMUBOK KA NG IBA - July 3, 2017

Iba naman ito. Kumbaga ay ibang isyu. Ang mga mapamili ay makaka-relate dito. Kung kayo ang naritong kalagayan o situwasyon, aling hakbang ang inyong pipiliin? Parang madali... Pero hindi rin!


Maghanap na ng kopya...


 

Monday, May 15, 2017

Thursday, May 4, 2017

Flowers are blooming in May

Flowers that speak of romancing
Hearts that are carefree and gay
Beautiful moments together...

Miss Gutierrez, guro at ina, kwento sa Liwayway ngayon

Para sa buwan ng mga Nanay, mababasa sa isyu ng Liwayway ngayong linggong ito ang aking kuwentong may pamagat na...

Miss Gutierrez, Martir o Uliran?
















Kayo na ang humatol...

Saturday, April 29, 2017

BAGONG NOBELA IN THE MAKING

MGA PINAGKAKAABALAHAN

1. May ginagawa akong bagong nobela. Maigsi lamang, hindi siguro aabot ng dalawampu't limang kabanata. Nasa ika-21 na ako. Kung mailalabas ito sa Liwayway, okey. Kamakailan nang hinihingan nila ako ay hindi pa ako handa. Kaya ngayon ay naghahanda na ako. Sakali naman at hindi ito matuloy, print on demand sa States ang naghihintay sa akin. Sa kasalukuyan, apat na libro na itong naghihintay sa inyong pagbasa. Bili na:-) :D

2. Mahilig akong magkuha ng litrato. Ang isa sa mga una kong binili nang magkatrabaho ako after college ay isang Kodac Brownie. Minsan ay ilalagay ko rito ang ilang natirang litrato na hindi tinangay ni Ondoy. Pero ngayon, narito ang ilang kuha ko sa aking camera phone.


Lumang bahay sa Calle Zulueta. Tirahan ng aking teacher sa piano. Mi sol do, mi sol do, fa re re, fa sol re, fa sol re, mi do do. Subukan ninyong tugtugin ito, ang una kong piyesa, Frolics of the Lamb. 


Eskwelahan sa Calle F. Estrella na pinagtapusan ko ng elementarya. Bahagyang nabago na, nakumpuni, napinturahan, ngunit ang tunay na larawan nito ay mababasang malinaw sa aking nobelang Sa Pag-ibig, Parehas ang Laban. Eksena ng kabataan at kawalang-malay. Unang pag-ibig, unang kasawian...


Hanggang kailan ko makikita ang natitirang bukiring ito?

Kuwento sa Liwayway sa buwan ng Abril 2017

ISIP  VS  PUSO

Nang piliin ba ninyo ang kaisang-dibdib, ano ang ginamit ninyo? Ang inyong isip? O ang inyong puso? Malamang na ang inyong puso. Ang isip ay pumasok lamang sa checklist. Siyempre, at the back of your mind, mayroon pa ring checklist, tulad nang sumusunod:

-Presentable ba naman, pwedeng iharap sa pamilya at mga kabarkadang pintasera...
-okey ba ang pamilyang pinagmulan, kahit di mayaman, respectable naman...
-kahit drop-out kung sakaling di nakatapos, ambisyoso naman at masipag, responsableng tao, may hanap-buhay na kayang bumuhay ng pamilya...

Ngunit dumarating ang sandaling talagang kailangang mamili kung alin ang gagamitin, isip vs puso. At ang sandaling ito ay dumarating sa dapit-hapon ng isang buhay. 

Maghanap na ng kopya ng Liwayway na itong lumabas ng Abril 24.

 

Thursday, March 23, 2017

Panaghoy, Kuwento ng Linggo sa Liwayway



Ang kuwentong ito ay nalathala sa Liwayway na may petsang ika-20 ng buwan ng Marso bagaman at lumabas sa mga newsstand noon pang ika-14 o sinundang linggo. Ganoon yata ang kanilang sistema.

Panaghoy! Sa buhay ko ay dalawang beses pa lamang siguro akong nakarinig ng panaghoy na kapwa nagmula sa lalaki. Ang pinakahuli ay sa isang inulila ng kabiyak. Ang una ay sa isang inulila ng anak. 

Kahambal-hambal na tunay.

Sana'y nailarawan kong maliwanag ito sa aking kuwento. Narito ang bahaging iyon...

...noon sila nakarinig ng isang nakalulunos na panaghoy, humulagpos na panawagang waring sa kaibuturan ng sarili nagmula, ulit-ulit, walang kawawaang mga salita na makawindang-dibdib, puno ng panggigipuspos.

Bili na kayo. Baka mayroon pa sa National Bookstore!

Thursday, March 9, 2017

Live in the moment



Live in the moment, may nagsabi. In other words, be in the moment daw. Huwag iyong narito ka ngayon, lumilipad na ang isip mo sa kung saan. 

Tuloy ang nangyayari sa kasalukuyan ay parang nagdaraan lamang sa paningin, walang kinakanting damdamin sa sarili. Walang saya, walang lungkot, walang lugod o pagkagiliw, may indifference, dedma lang kumbaga.

Parang walang kahulugan ang mga bagay na nakikita. Hindi gumagana ang imahinasyon. Walang naaalaala. Zero. Parang zombie. Existing. Not living. Humihinga, inhale, exhale, tapos na. 

Ang paningin ay nakatuun at ang katauhan ay nakaabang  o naghihintay sa isang malaki o bonggang happening sa hinaharap. Kaya dumaraan ang maraming mumunting kaganapan sa paligid na hindi nabibigyan ng pansin. Gano'n ba...



Halimbawa, tulad ng isa kong kaibigan, paglabas raw niya ng pintuan ng bahay, pagdaraan sa munti niyang hardin, hihinto siyang saglit, pararaanan ng tingin ang mga halaman. Ang higanteng dapo ay kakalabitin at pupurihin, hello there, ganda mo! 

At ang natutuyong mayana ay tatanungin, bakit? Minsan, sa isip  lang niya kinakausap ang mga halaman,  minsan, malakas basta walang tao sa paligid. Baka kung ano isipin...



Paglalakad naman daw niya patungong istasyon ng traysikel, binabati rin niya ang nadaraanang pusa ng kapit bahay na nagbibilad sa umagang sikat ng araw. At ang mga tuta sa bahay sa kanto, na pagdaraan niya ay sumusungaw sa rehas na bakal ng bakod at siya ay tinatahulan. Hello, sasabihin niya, at lalo siyang tinatahulan. 



Ang mga bangketa, minsan ay malinis, kadalasan ay puno ng mga dahong natuyo at nalagas sa mga puno sa loob ng bakuran. Naiisip raw niya, hindi ba nagwawalis ang nakatira sa mga nasabing bahay? Walang katulong? Matatanda na? Nasaan naman ang mga streetsweeper? 



Bago dumating ang istasyon ng traysikel ay nadaraanan niya ang Isang matandang babaeng nagtitinda ng diyaryo, tabloid lang, at sigarilyo. Lagi, nginingitian siya nito. Hindi niya alam kung sino ang kauna-unahang ngumiti sa kanila, basta, lagi na silang nagngingitian. Kapag wala Ito sa puwesto ay iniisip pa niya kung may nangyari.



Marami siyang nasasalubong sa kanya raw paglalakad.  Kahit  nakatikom ang kanyang bibig, kapag nagtama ang paningin nila ng kanyang nakakasalubong at bahagyang kumilos ang kanyang mga labi kahit hindi pa ito matatawag na ngiti, sigurado raw na gaganti ng ngiti ito. Kapag nagandahan siya sa baby na kalong ng nakasalubong, ay, kay ganda! sasabihin niya. At ngingitian siya ng may dala. Ang mga batang naglalakad na tumitingin sa kanya ay nginingitian rin niya, minsan nga ay kinikindatan pa at nahihiyang gumaganti rin ang mga ito ng ngiti.



Sa sinakyang traysikel, minsan ay nakikipag-usap siya sa kasabay lalo sa mga naunang bumati sa kanya. Na takang-taka na namamalengke pa siya sa kanyang edad. Kaya pa ba niyang buhatin ang tatlong bayong na dala lalo at puno na ito ng pinamili? Sa kanilang pag-uusap, kadalasan ay nalalaman na niya kung tagasaan ang mga ito, kung may pamilya, saan nagtatrabaho. Ang mga drayber ng traysikel, kapag magalang makipag-usap, nakikipag kwentuhan rin siya.

Bago raw dumating ng palengke ay may nadaraanan siyang eskwelahan ng mga batang nasa high school. Minsan ay may aktibidad na nangyayari sa grounds at tumitigil siya upang manood at magbalik-tanaw sa nakaraang araw nang siya ay nasa ganoon ring gulang, nakikipagkwentuhan sa mga kaiskwela, humahalakhak na parang anong sarap mabuhay!

May isang pulubi, isang payat na lalaking naka-wheel chair, wari ay kilala na siyang nagbibigay. At isang kabataang ale na nagbabantay ng mga sasakyang nakaparada, na minsan ay may dalang kariton na sinasakyan ng alaga nitong aso.



Sa palengke, alam niya ang bahay ng kanyang suki. Kinukwentuhan siya, dahil interesado siya, ng tungkol sa pamilya. May bumili ng bahay, may naghousewarming, may nagpiyesta at iniimbitahan pa siya. Alam niya na nakapasa sa board exam ang anak ng maggagatas, na scholar sa PUP ang panganay ng maggugulay, na may high school reunion ang tindera ng karne at di matapos ang kanilang kwentuhan tungkol sa mga dating kaiskwela.



Tanong sa akin ng kaibigan kong ito, am I living in the moment? Dahil interesado ako sa nangyayari sa paligid?



Tumango ako. Pero naisipan ko lamang ding itanong, e interesado ka rin ba sa nangyayari sa bayan?



Tumaas ang kanyang kilay. Aniya, nagsisimula lamang ako sa aking sarili at sa aking abot-kamay. Of being positive. Looking at the bright side. Sabi nga, it is better to light a candle than curse the darkness. Kung nagdidilim sa paligid, magsindi ng kandila. At ang munting ilaw ng aking kandila ay magbibigay liwanag na rin kahit bahagya sa karimlan. 

Naisip ko lang, living in the present or whatever, ngunit ang kaibigan kong ito, definitely, is living an interesting life and enjoying every moment of it. 

Naisip ko pa rin, iyon kayang mga nakaluluwag sa buhay na sa mga supermarket namamalengke at sa kotse sumasakay pagtungo rito, ano ang kanilang nakikita at napapansin?

Iba naman siguro. Well, to each his own...


Tuesday, February 7, 2017

Seniors' Valentine, Pebrero 2017

Tuloy ang pagpapadala ko ng kuwento sa Liwayway.

Akala ng marami, ngayon at may edad na ang isang tao, nangulubot na ang balat, lumabo na ang paningin, humina na ang pandinig, bumagal na sa pagkilos, nakakalimot na sa mga bagay-bagay, kasama sa nalilimutan ang romansa.

Hindi po! Ang katawang-lupa lamang ang nagiging biktima ng panahon. At ang pisikal na puso ay maaaring nababarahan ang ugat na dinadaluyan ng dugo o kinukulapulan ng kolesterol na nakuha sa mga namuong taba, ngunit ang damdamin, kailanman ay hindi nagbabago. Ito ay nananatiling bata.

Basahin ang kuwento na lumabas ngayong linggong ito at sulyapan ang usapan, hypothetical, ng isang grupo ng mga totoong seniors habang napag-uusapan nila ang kanilang valentine. At bago magalit sa akin ang mga seniors na ito, hindi po ganoon katanda ang kanilang hitsura. Mga beauty pa rin po sila :-)

   

Baul ng Souvenirs


Mapag-ipon ba kayo ng bagay-bagay na may sentimyento katambal? Balutan ng kendi na bigay ng isang lihim na crush. Serbilyeta sa restoran na may doodle ng inyong boyfriend na dalawang pusong tuhog ng isang palaso. Tiket sa sine ng unang pelikulang pinanood ninyong magkasintahan? Bulaklak na inipit sa makapal na libro. At samu't saring basura na kung tutuusin ngunit dahil sa matamis na gunitang nakaugnay rito ay hindi itinatapon.

Ang kuwento ko nitong Enero, ang "Baul ng Souvenirs" ay taliwas sa isinasaad ng awit na "Among My Souvenirs". Natatandaan pa ba ninyo ito? 
There's nothing left for me,Of days that used to be
They're just a memory among my souvenirs
Some letters sad and blue, A photograph or two
I see a rose from you among my souvenirs
A few more tokens rest within my treasure chest
And, though they do their best to give me consolation,
I count them all apart and, as the teardrops start,
I find a broken heart among my souvenirs.


May kaibahan dahil ang baul ng souvenirs ang bumuo ng isang mawawasak nang puso. Hanap na ng kopya sa mga nakabili. Sana, maaliw kayo.