Sunday, October 21, 2018

Obra.ni.Eba.Oktubre.2017

TARA NA...











 
                      











   

COME FLY WITH ME...





























AND VISIT THE OLD WILLOW OAK TREE...





















WATCH 
THE LEAVES
TURN 
YELLOW AND FALL ON THE DECK...



















 


THEN ON A SUNNY DAY 
VISIT THE FARMER'S MARKET...


















AND 
VISUALIZE OMAR KHAYYAM'S
A jug of wine, a loaf of bread and thou... (and the loaf the length of which is the width of a table)...












FOLLOWING DAY, DROP BY BLUE DREAMS
WHERE DREAMS ARE MADE 
OF THESE...





















 OF LAVENDER FIELDS...



AND 
UNE FILLE
IN A CAPE.










































AND CUPS OF TEA, SMILES AND SYMPATHY...

























THEN END THE DAY WITH GIANT PRETZELS CELEBRATING OCTOBER FEST AT THE SWISS BAKERY.
 
A year ago this month of October, we embarked on a different kind of visit: spend the Holiday across the ocean and experience Christmas and New Year away from home where we celebrated them most of our married years. We were excited yet a bit uncertain and worried about the folks left at home alone.They are adults, mind you.

But now that I am going over the pictures of the said visit, I feel good and glad that we did it. 


Friday, October 12, 2018

Pasulyap sa nobelang Soulmates sa Liwayway



PASULYAP, PASILIP, PATIKIM...

KABANATA 11
























KABANATA 11- Noong nag-aaral kami sa kolehiyo, hindi pa mahigpit sa mga labas-masok ng kampus. Wala pang ID na nakasabit sa leeg para malaman ng security na estudyante ka doon. Sa UE, marami nga ang nag sho-shortcut na pumapasok sa kampus para makarating ng dakong Gastambide nang hindi na iikot sa Legarda. Kuwento  nga ng Isang kadormitoryana,  nasa library siya, nang sa pagtaas ng kanyang paningin mula sa binabasa, bumulaga sa kanyang mga mata na palapit sa kanyang mesa ang isang kaibigan na di naman estudyante roon.



Pero, hindi ko alam sa UST ang regulasyon. Ang alam ko lang, bukod ang mga lalaki sa babae roon, kwento ng Isang kaiskwela sa high school na doon kumuha ng medisina. Kaya itong si binata ng SOULMATES ay sa labas nag-aabang kay dalaga. Sa may Espanya. At doon sa may Morayta sila nagmimiryenda. Sa Brown derby yata...iyong foot-long hotdog...

KABANATA 12






















KABANATA 12-  Holding hands. Ayyy, naku, natatandaan pa ba ninyo nang una kayong mag-holding-hands? Wow! Palagay ko, sa ngayon ay hindi na big deal iyan, pero noong araw, at least sa generation namin, big step na.  Para bang kapag dinalaw ka ng araw ng Sabado sa bahay ninyo, makahapunan, iba na. Kumbaga ay panhik-manliligaw na iyan. Natatandaan pa ba ninyo iyong radio announcer na si Johnny de Leon na nagsasabing "Sabado na! Araw ng akyat ng ligaw ni Romeo kay Julieta!" 



Paano ba kayo unang nag-holding-hands. Naaalaala pa ba ninyo? Spontaneously? O iyong parang hindi sinasadya kuno, nagkabungguan ang mga kamay na agad ginagap ni boyfriend. At iyon na. O talagang inintensiyong hinawakan, habang tinatantiya kung tututol ka? Whatever, it was a "moment to remember". 

At sa SOULMATES, sa aksiyon ng paghahawakan ng mga kamay sa harap ng mga kaibigan, ang dalaga ay may napatunayan sa damdamin ng binata sa kanya.  

KABANATA 13

 






















KABANATA  13-  Noong araw, bihira akong mapayagan na mag-out of town, lalo at over night. Senior na ako nang makakaranas ng  sleepover,  kasama ang mga kaiskwela sa high school na kapwa ko kaedad (may kwento ako tungkol dito).  Kaya dinala ko rin Ito sa pagpapalaki sa aking  anak. Na babae. Na matatapos nang mag-aral ay nakatali pa raw sa aking  "asintos", sabi nga. Na dinala pa rin niya sa pagpapalaki sa kanyang mga anak na babae. na ipinanganak at lumalaki sa abroad. 



Nagtatrabaho na ako nang payagang makipiyesta sa Candelaria, Quezon. Kasama ko ang mga kaopisina. Ang saya namin. Daming kwentuhan. At ganito ang inilalarawan ng magkakaibigang magkakasamang namiyesta, overnight, sa Isang malayong probinsiya, sa nobelang SOULMATES.

KABANATA 14




















KABANATA 14-  Nangyari na ba sa inyo na napabalita o sabihin na nating napag-usapan ng mga kaibigan o kamag-anak na girlfriend o boyfriend ka ng isang taong ni hindi nanligaw o niligawan mo? Dahil lamang sa maganda ninyong pagsasamahan? 



May kakilala ako noon na naging paborito ang awit na ito 
ni Frank Sinatra. 


Don't throw bouquets at me

Don't please my folks too much

Don't laugh at my jokes too much

People will say we're in love.

Don't sigh and gaze at me

Your sighs are so like mine

Your eyes mustn't glow like mine

People will say we're in love



Ito ang problema ni Rowena sa nobela  kong SOULMATES.

KABANATA 15























KABANATA 15- Patience. Iyon ang nag-iisang salitang iniikutan ng relasyon ng dalawang nagmamahalan sa nobelang SOUL MATES.  Makapaghihintay ba ang dalaga? Na isang guro. Ang guro daw ay may angking tiyaga. Sa paggawa ng lesson plan araw-araw at sa pagtuturo sa mga bata, pagsaway sa makukulit na eskwela, pakikinig sa mga sumbong ng nag-aaway na musmos. 



Naranasan na ba ninyo ang maghintay? Sa isang walang katiyakan ang pagdating? Halimbawa, nagluto ka pa ng masarap at paborito niyang pagkain ngunit, bakit wala pa? Natrapik ba? Biglaan ang overtime? Nayaya sa kung saan? Hirap, ano? Lalo na siguro kung ang pinakahihinintay mo ay ang pinakaaasam mong itanong. Will you marry me?

KABANATA 16



















KABANATA 16-  Natatandaan pa ba ninyo, the first time na nakaharap ninyo ang inyong bibiyenanin? Nang ipakilala ka ng iyong boyfriend o girlfriend sa pamilya? Siguro, birthday ni Mommy o Daddy, isinama ka sa bahay. O sa restaurant.  O may ikinasal na pinsan ang boyfriend o girlfriend mo. Naku, sangkaterbang kamag-anak ang kikilatis sa iyo. 



Para ka sigurong nakatuntong sa número,  sabi nga. Nakaplaster na ang ngiti sa iyong pisngi, di mo alam, nanginginig-nginig na labi mo. Nag-ayos kang mabuti, depende kung conservative o moderno, formal o casual ang pamilya. 



Ay, nakatutuwang pagbalikan sa isip. Share naman ninyo experience ninyo noon. Ako? Talagang nakatutuwa na nakatatawa pa rin. Bakit 'kamo? Barkada kasi kami, wala pa sa puntong iyon. At magkakakilala ang pamilya. Sa Isang okasyon na graduation ng isang pinsan, isinama ako. Naroon lahat ang pamilya, pati mga girlfriend ng mga guys. Agad kong tinukso ang kanilang Nanay. Uy, sabi ko, narito mga mamanugangin...Ibig kong sabihin, iyong girlfriend ng iba niyang anak.



Di ko akalain, darating ang panahong magiging manugang rin niya ako! O, kayo naman ang mag-share. Sige na...