May ugali
ang aking kasama sa bahay na matagal ko nang pinuna at ipinababago ngunit
walang nangyari. Hindi raw niya alam kung bakit siya ganoon. Laging bitin kung
siya ay maglagay ng mga babasaging pinggan o baso sa mesa. Para bang
cantilever kumbaga sa mga gusali. Natural, madalas siyang mabasagan ng pinggan.
Huwag na nating bilangin kung ilan, kulang ang dalawang kamay ninyo. In
fairness, in the span of many years naman.
Kaya ko
lamang nabanggit ito ay dahil sa sinundong gunita sa akin ng mga salitang
"nabasag ang pinggan". May naalaala akong laro ng aking kamusmusan.
Kumpleto Ito sa aksiyon na may katambal na dayalog. Dito ako nahinto sa
dayalog. May parte akong Hindi maalaala. Baka naman natatandaan pa ninyo, o may
Lola kayong matatanong, ipaabot ninyo sa akin. Ganito iyon.
Marami
kaming batang nakaupo (upo, hindi nakasalampak) sa lupa. Kunwari ay
naghuhukay kami ng mani. Ang bunga ng mani ay nakabaon sa lupa. Sinasabi namin-
"Kutkot
mani, kutkot mani..."
Sasabihin
ngayon noong lider na nakatayo sa harap namin- "Sino'ng
nakabasag ng pinggang pino?"
Iyong
sagot namin ay may kinalaman sa daga. Hindi ko nga maalaala. ????
Sasabihin
ng lider. "Bakit hindi sinaway?"
Sagot
namin. "Walang malay."
Sasabihin
noong lider. "Suot sa lungga."
Ang
gagawin namin ay parang tatayo ng magkaharap, hawak braso at ang nasa hulihan
ay susuot sa ilalim ng mga braso namin hanggang lahat kami makagawa nito.
Ewan ko ba
kung paano natatapos ito. Baka may makaalaala, ikuwento nga ninyo kung paano.
No comments:
Post a Comment