Sunday, October 30, 2016

Kuwento sa Liwayway sa buwan ng Oktubre 2016


PAG-IBIG AT GEOMETRY - Kuwento at Komentaryo

Paborito ba ninyong subject ang Geometry sa high school? Mas interesting daw ito kaysa sa Algebra. Siguro nga, dahil ang pag-ibig daw ay maihahalintulad sa Geometry. Kung paano, sana nabasa ninyo ang kuwento ko sa Liwayway ngayong buwan ng Oktubre. Kung hindi, maghanap na lamang ng kopya at manghiram.


Narito ang ilang feedback mula sa nakabasa via text messages and email at sa isang open, oral na pagbasa ng nasabing kuwento.

Cely - Hi, gud am. nice to tell u nabasa ko na yong kwento mo 'Pagibig at Geometry' pwede pala yong love at geometry kc nahirapan kong intindihin kc bobo ako sa math.Pero bilib ako sayo. I enjoy it kinilig din ako kahit sila old nandon pa rin yung flame of love 2 each other. Naku ba, addict nako pag-aabang ng love stories mo.

(Thank u Cely, next time, yung love story mo naman ang isusulat ko)


H - from Australia - Katuwa naman itong kuwento mo.  Medyo tinamaan ako.  I think I'm in that situation kaya nga balak kong "makipagtuos" pagpunta ko diyan.  You gave me an idea --- kami ay ......  I'm sure mag-reregister ito sa utak nya kasi engineer sya, unless he will ignore it as usual.

Alam mo bang one of my favorite subjects in high school, along with Algebra and English ay Geometry?
I won 2nd place in the Manila Inter-High Schools Math Competition.  The first placer was--- from Arellano High School.  He was also a delegate to the National Press Conference held sa Davao City kaya magkakilala na kami noong contest.  Hindi kasi ako sanay humawak ng malaking wooden compass kaya nauna siyang natapos.  O baka na-distract ako kasi medyo "pogi" ang kalaban.  Ang problem was about solving angles.


Thanks uli sa kuwento.  Typical na nangyayari yan dito sa park infront of the Seniors Centre.  Mga Lola't
Lolo nag-jajamming.  Yong iba, breakfast sa McDonalds sa Westfield.  Kakilala ko pa yong ilan.  Masasaya
sila habang naghihintay ng opening ng Centre for bingo up to 3:00 p.m.  Hindi ko lang alam kung ilan sa
kanila ang Ces at Nieva.

(Salamat din sa iyo, Ms. H from Australia. Sigurado akong maraming Ces at Nieva sa mga parke sa buong mundo. Dahil sila ay totoong taong nagdaan sa mga ganitong pagsubok ng buhay. Na ngayon ay nangangarap na ituloy ang naunsiyaming yugto ng kahapon. Naka-set aside na ang kopya mo ng "Bucket List" sa Liwayway at ang librong "Sa Pag-ibig, Parehas ang Laban".)

R - from Canada - This story is for everyone, almost. Kasi umiikot sa love, which I will agree with you, is universal.
Seguro, ang ka-Geometry lines ko ay sina---- at ---- . Then, now, ----------. Lalo na ngayon na maraming mga incidences na gumigising sa akin, na nagpapamulat ng realidad sa aming katayuan, mga glaring facts that are giving me the hint to stay as I am, God loving, God fearing, and may pakialam sa damdamin ng iba. Sa madaling sabi,  enjoy life, the one that God bless me with, keep smiling, and thank Him for all that I am, all that I have: loving and caring family, friends like you and bringing me closer to His heart.  Pabayaan na ang mga Geometry lines na iyan. Hindi naman nagbago ang geometry nuon at ngayon, di ba?

Nakakatuwa ang kwento ni Nieva at Ces. Nakikita ko ang aking sarili sa katauhan ni Nieva, at si ----, sa katauhan ni Ces. Yung mga dialogue, at mga pagkikita para magkakwentuhan--------. 😄😄😄

Walang guhit pagdating sa Pagibig 😄 Ang tuwid ay nababaluktot, napapaliko, ang baluktot ay naitutuwid.
Nagagawa pa ngang 8 to make it live through eternity. And be soul mates forever.


Ingat. Sabik na akong mabasa ang bago mong libro.


(Hi Ms. R - salamat sa feedback. Hinihintay lamang ng aking anak ang pagbalik mo mula sa pagbabakasyon at ipadadala na ang order mong dalawang libro. Dito naman ay nakatabi na ang mga Liwayway. Siempre, excited na rin kami sa pagbabalik-bayan mong muli para sa mga kwentuhang walang patid. Baka may mabuo na namang kuwento mula rito.)

Sa isang sinamahan kong get-together kamakailan, nagdala ako ng isang kopya ng Liwayway na kinalalathalaan ng kuwentong "Pag-ibig at Geometry". Magkakaiskwela sa high school ang grupong ito. Tulad nang nabanggit sa mga feedback sa akin, love is universal at ang mga ganitong pangyayari ay natural lamang na nararanasan ng marami. At hindi naiiba ang grupong kasama ko noon. Kumbaga, lahat sila halos ay tinamaan. Napagkaisahan sa nasabing harapan na basahin nang malakas ang aking kuwento. Ang nahilingang bumasa ay ang taong may pinakamalapit na karanasan na binabanggit sa kuwento.

Ang nangyari: bawat paglalarawan ng mga kilos, bawat dayalog sa pagitan nina Nieva at Ces, ay umaani nang malakas na hiyawan at tawanan at kantiyawan ng grupo. Masasabing nakadagdag ng kasayahan sa naganap na get-together, ayon na rin sa text message ng host na naghanda ng masaganang salu-salo.

Ding - Wow we had a good laugh sa story mo kay Ces. next kay---- at ---- lol. I still want to sing kung may kasalan. 

(Hi Ding! Enjoy din ako sa alimangong handa mo. At wait na lang tayo sa susunod na kabanata.)