SAGOT SA COMMENTS
Ang tagal ko na palang hindi nakapasyal sa aking blog. Na-quarantine talaga. Nang silipin ko ang
ilang comments ay may nakita akong nagtatanong tungkol sa kuwentong Isang Pook, Dalawang Panahon. Na wari,
siya ay naguluhan at hindi niya nasundan ang pagbagu-bago ng eksena, kumbaga.
Flashback style. Itinanong niya tuloy kung ano nga ba iyong kuwento. (Sa totoo’y assignment ito sa Creative
Writing sa ilang kolehiyo. Nalaman ko lamang nang interbyuhin ako ng mga
istudyante tungkol dito.)
Ang istorya ay umiikot sa isang
pook. Ang dormitorypng tahanan ng mga istudyanteng nag-aaral sa University
Belt.
At sa dalawang panahon. Na ang unang panahong tinalakay ay noon. Dekada cincuenta. Panahong simpli pa ang buhay. Sa dormitoryo,
ang inaalala lamang ng mga nakatira rito ay aral, kain, tulog. At mga lihim na
crush.
At ang
ikalawang panahon ay ang mid-eighties. Mga rally ng aktibista. Pag-alis ni Marcos,
pagpasok ni Cory. At ang mga kaguluhan pang nagaganap.
Ang mga pangyayari sa nasabing dalawang
panahon sa loob at labas ng dormitory ay mula sa paningin at pandama ng isang dalagang
nag-aaral noong decada cincuenta at ng kanyang naging anak na nag-aaral noong
panahon ng martial law. Sinasalamin lamang ng kuwento ang kaibhan
ng buhay, ugali at gawi, layon at pangarap ng mga tao ng nasabing dalawang
panahon.Iyon lamang. Simpli lang.
Ngunit kung makapagsasalita nga lamang ang dormitoryo...
Kay rami pa niyang maisisiwalat.
++++
May nagtanong naman kung saan makabibili ng isinaaklat
kong nobelang Sa Pag-ibig, Parehas ang Laban. Sa
akin lamang po, kasi print on demand iyan. Kung nasa USA kayo, punta kayo sa
lulu.com. Kung narito kayo sa Marikina, email kayo sa akin.
++++
Kay Ruby na nagtatanong tungkol sa kuwentong Sleepover ng mga Seniors, tapos na iyon at nalathala na sa Liwayway. Kasama iyon sa bagong compilation ng mga kuwentong seniors. Hindi pa lamang naaasikaso noong taga-Virginia. Quarantine din sila. Baka maisaaklat late this year. Abangan.