Thursday, August 2, 2018

Amang, 120 years old yesterday





Reprinted From a Father's Day Blog entry in 2009
in remembrance of my father, Eugenio Rivera Estrella of Malolos, Bulacan, who would have been 120 years old yesterday, if still living today. August 1, 1898


WHAT MAKES A DAD

God took the strength of
a mountain,
The majesty of a tree,
The warmth of a summer sun,
The calm of a quiet sea;
The generous soul of nature,
The comforting arm of night,
The wisdom of the ages,
The power of the eagle's flight.
Then God combined
these qualities,
When there was nothing
more to add,
He knew His masterpiece
was complete,
And so He called it "DAD!"

(Author Unknown)

(Translated by Eve for this blog only)

Kinuha ng Diyos tatag ng kabundukan,
at sa punongkahoy ay kamaharlikaan,
ang masiglang init ng naghaharing araw.
Sa dagat na tahimik ay kapayapaan,
Buhay na mapagbigay ng saganang kalikasan;
mapagpalang bisig ng gabing mapanglaw,
At sa mga pantas ay katalinuhan,
Sa agila sa himpapawid ay lakas at tibay.

At lahat ng ito ay pinagsama-sama
Ng Diyos sa langit - kanyang Obra-maestra
Nang ito'y matapos at kanyang makita,
Kanyang pinangalanan,
Tinawag niyang
AMA.


Napakaganda ng tula, pero sasabihin ng aking Amang, hindi naman ako ganyan. Ordinaryo lamang ako. Tingnan nga natin.

Tatag ng kabundukan - Sa buong buhay ko, hindi ko naranasan ang pagkabakla o mangamba, hindi ko alam noon kung bakit, pero kung iisipin ngayon, dahil naroon siya.   
Kamaharlilaan - Ang masasabi ko rito ay iba ang kanyang dating.
Matikas ang kanyang tindig, deretsong tumingin, pormal makipag-usap. Kagalang-galang.
Masiglang init ng araw - A warm person to those close to him. I remember the warmth of his palm when he made "akbay" to me. Affectionate and loving, specially to our mother, demonstrative even.Those times, he was the only father in our corner of the world in Malolos whose daughters felt free and at home walking arm in arm with.
Kapayapaan - Payapang pamamahay, sa kabila ng hindi pagiging mariwasa sa buhay. Kung lilimiin ang buhay sa ngayon, at ihahalintulad sa buhay noon, kay daming wala sa amin, hindi natamasa, ngunit bakit hindi namin naranasan noon na kami ay kulang? 
Mapagbigay - Hindi naman niya naibigay sa akin ang pangakong bisikleta, ang gusto kong pair of skates, ngunit iyong mga pambihirang bagay na hindi ko hiningi ngunit ipinapasalubong ay tunay na kakaiba, walang kaparis sa mga kakilala o kaiskwela. Tulad sa payong na kulot ang paligid na laylayan. Pinaglumaan niyang fountain pen, Parker 51 yata iyan. Ang pasadyang gitara na tama ang laki sa aking mga daliri at kamay. Ang walang bracelet na relong Bulova, bilog na bilog. Tukso tuloy ng isang kaiskwela, ano 'yan, talangka? Ang inipon niyang newspaper clippings ng "How to play the Ukulele" na nasa akin pa ngayon.
Mapagpalang bisig - At mga kamay. At mga balikat na sumakit, pinagmulan ng kanyang arthritis, sa pagbitbit ng pinamalengke ng Inang para dalhin sa apartment namin sa Roosevelt noong bagong kasal ako nagpapamilya na walang katulong. Physically, ang hepe sa opisina ay matulungin sa bahay. Ang mga sirang sandok ay inayos. Ang mga beachwalk ng mga apo ay kinumpuni.
Katalinuhan -  Paborito raw niya ay algebra, ngunit sa kapapasa sa Civil Service ay umakyat siya ng pusisyon sa sangay ng pamahalaang pinasukan. Magaling sa Tagalog, Ingles at Kastila. Lumaki kaming iwinawasto ang mga maling salita, sa kahulugan man o sa pagbigkas. Ang mga itinuro niyang folksongs, Tagalog at Ingles. Ang pagtugtog sa gitara.
Lakas at tibay - ng kalooban na hindi nadadala ng tukso o silaw ng salapi. Katunayan ay ang marangal na paghahanap-buhay.  . Na kung itutulad sa iba na naging ubod ng yaman sa sandaling pag-upo sa katulad ng kanyang puwesto.

Sasabihin nga siguro ng aking Amang, kung siya ay nabubuhay, na hindi siya ganoon kagaling na magulang, katulad nang isinasaad sa tula. Ngunit para sa amin, siya ang tamang Obra Maestrang ibinigay para tawagin siyang Amang.

Sa dami ng maikukuwento ko sa kanya ngayon, tungkol sa aking buhay, sa aking pamilya, sa aking pagsusulat, sa mga narating na lugar, sa mga nabasa at napakinggan... doon ko siya nami-miss na tunay. Sana, nakita niya ang aking mga apo.

 

No comments:

Post a Comment