|
Mayo
6 pa ang huli kong entrada tungkol sa ikinukwento kong seminar na
dinaluhan maraming taon na ang nakalilipas. Na marami akong natutuhan na
nais ko namang ibahagi sa mga kaibigang baka mainteresado rito.
Ang
una kong tinalakay nang sinundang buwan ng Abril ay ang paliwanag ng
lecturer tungkol sa epekto ng iniisip ng isang tao sa kanyang kalusugan.
The power of the mind in healing oneself. Sabi nga positive in,
positive out. Kung saan ko natutuhan at hanggang ngayon ay ginagamit ang
tinatawag naming headache control. Ibig lang sabihin, bago pa maging
full blown iyong sakit ng ulo, ginagamot ko na sa pamamagitan ng
pagre-relaks.
Noong Mayo 6 ko isinulat kung
paano magrelaks. Susundan ko sana iyon ng posting ng Hunyo kung saan ko natutuhan sa lecture ang paliwanag tungkol sa brain ng tao. At kung
ano koneksiyon nito sa healing o sa anupamang bagay na nangyayari o
gustong mangyari. Na hindi ko nagawa dahil naging lubhang abala sa iba pang bagay.
Napag-aralan naman natin ang tungkol sa general anatomy noong high school. Sa Biology.
Ang brain ay nahahati sa left and right hemisphere, o left and right
side. Kung mayroon kayong computer at igu-google ninyo, makaka kita pa
kayo ng picture nito. Ang itinuro sa atin noon ay ang function nito.
Dagdag-kaalaman ang natutuhan ko sa lecture.
Na
ang left hemisphere, kumbaga, ay ang production manager ng mga
activities natin sa araw-araw kung saan ginagamit ang lahat ng ating
senses- seeing, hearing, touching, tasting, smelling at iba
pang mga activities na ginagamitan ng conscious na pag-iisip,
physical, logical at technical. Pinag-iisipan kumbaga.Tanong namin, e, ano ba iyong hindi ginagamitan ng isip? Next time ko iyan discuss. Ito muna.
Ang
right hemisphere, umano, ayon sa mga pag-aaral, ay ang bahagi ng brain
kung saan nagmumula ang creativity o pagka-malikhain ng isang tao,
intuition o iyong tinatawag nating kutob o pakiramdam na oy, husband material ito. At instinct. Iyon
bang kapag may bago kang kakilala, e, parang di mo pagtitiwalaan. Gut feel baga. Kung external o sa labas ang focus ng left brain,
internal ang sa right.
Sa
seminar ay ulit-ulit na tinalakay ang tungkol sa dalawang hemisphere na
ito na siyang magiging batayan ng pamamaraan ng paggamit ng power of
the mind sa self-healing.
See you next time... here...
No comments:
Post a Comment