Isang Gabing Tahimik, Maliwanag ang Buwan
Noong 2011, itinanong ko rito sa aking blog kung may alam ang aking mambabasa ng lumang-lumang awitin. Isang partikular na awit ang aking binanggit na itinuro sa akin ng aking Amang. Na sa abot ng aking kaalaman ay walang ibang umaawit, matanda man o bata. Sa amin ngang pamilya, ako lamang ang kanyang tinuruan nito, sa saliw ng kanyang gitara. Itinuring kong "akin" ang awit na ito. Sariling akin.
Lumaki ako, nag-aral, naghanap-buhay, nag-asawa at nagpamilya. Sa kaabalahan, hindi ko ito naituro sa aking mga anak. Ngunit dumating ang panahon na ang aking dalawang apo, ipinanganak at lumalaki sa America, ay lumabas na may magagandang tinig at mahilig kumanta. Miyembro sila ng kanilang church choir, English, Spanish, Latin - umaawit sila sa mga wikang ito. At naturuan na rin silang umawit sa wika natin, mula sa Bahay Kubo noong bago pa lamang nagsasalita, hanggang sa mga awiting Pamasko at Lupang Hinirang, Sinisinta Kita, Saranggola ni Pepe, at nitong huling pagbabakasyon nila sa Pilipinas, ay ang aking awit, Isang Gabing Tahimik, Maliwanag ang Buwan.
Hindi ko malilimutan ang araw na ito, ika-20 ng buwan ng Marso dahil sa isang tinanggap na email. Na tungkol sa awit na itinuturing ko ring "pamana" ng aking ama sa akin. Tuwang-tuwa ako. Lalo pa nang bisitahin ko ang facebook ng sumulat at doon ay nakita at napakinggan na tinugtog sa piano ang nasabing awit. Nabasa ko rin ang lahat ng nag-like, na iisa lamang ang mensahe - pagbabalik-tanaw sa isang ginintuang panahon ng kamusmusan, kung saan kaalinsabay nila sa paglaki ang awit na ito. Kung saan...
Ang gabi'y tahimik
Maliwanag ang buwan
Basang-basa pa ng hamog
Ang mga halaman
Dibdib ko'y may susi
Pilit na bubuksan
Dahil lang sa ganda mong
Kapita-pitagan.
Ang awit ay itinuro lamang sa akin. Palibhasa'y bata, hindi ko na inalam kung saan ito nanggaling o kung saan natutuhan ito ng aking Amang. Inakala kong palasak ang awit at nang lumaki na lamang ako saka ko natanto na walang ibang nakaaalam nito.
Kayraming mga bagay na sana ay naitanong natin noon sa mga nakatatanda, na ngayon na lamang pinanghihinayangang hindi nagawa. Huli na ang lahat. At ito rin ang dahilan sa likod ng pagsusulat ko sa blog na ito. Ang mailathala para sa mga anak at apo ko at sa kanilang henerasyon, kung ano kami noon... kung paano kumilos, magsalita, sumulat, umawit... kung ano ang aming iniisip, pinapangarap... kung paano kami magdala ng aming mga tagumpay at kabiguan. At ang lahat ng ito ay sa pamamagitan ng aking mga kwentong nalathala na noon sa Lingguhang Liwayway.
Sa sumulat tungkol sa awit, kung hindi ko man nasagot kung saan nagmula ito, ang interesado akong malaman naman ay kung saan ang bayan at lalawigan ni "Loling" mo.
Si Amang ay taal na Bulakenyo.
isang gabing tahaimik
ReplyDeletemaliwanag ang buwan
basang basa ka ng hamog
ng mga halaman
dibdib koy may susi
pilit na bubuksan
dahil lang sa ganda moy
kapitapitagan
Di bat ang sumpa mo
sumpa mo sa akin
sino mang dalagay
di mo iibigin
ng makakita ka
ng higit sa akin
iniwanan mo akong
sa luksang damdamin....
Isang gabing tahimik
DeleteMaliwanag ang buwan
Papatak ang hamog
Sa mga halaman
Dibdib kong may susi
Pilit mong binuksan
Dahil lang sa ganda moy
Kapitapitagan
Hindi ba ga nung araw
Sumpa mo sa akiy
Sino mang binatay
Di mo iibigin
Nung makakita ka
Mahigit sa akin
Iniwanan mo ako
Sa gitna ng dilim
My lolo used to sing this version when he was still alive.
Isang gabing tahimik
DeleteMaliwanag ang buwan
Papatak ang hamog
Sa mga halaman
Dibdib kong may susi
Pilit mong binuksan
Dahil lang sa ganda moy
Kapitapitagan
Hindi ba ga nung araw
Sumpa mo sa akiy
Sino mang binatay
Di mo iibigin
Nung makakita ka
Mahigit sa akin
Iniwanan mo ako
Sa gitna ng dilim
My lolo used to sing this version when he was still alive.
Isang gabing tahimik
DeleteMaliwanag ang buwan
Papatak ang hamog
Sa mga halaman
Dibdib ko'y may susi
Pilit mong binuksan
Dahil sa ganda mong
Kapitapitagan
Di ba ga sumpa mo
Sumpa mo sa akin
Sino mang babae'y
Di mo iibigin
Nung makatapat ka
Ng higit sa akin
Akoy iniwan mo
Sa _____ na damdamin
😄 i cant remember that one word, sa huling linya
Tara nat makapa ngaluluwa
ReplyDeleteAlam nyo rin po ba yung kanta nung dalwang magsing irog na tumalon sa ilog? Yung ang kwento ay tutol yung tatay nung babae?
ReplyDeleteMaaari po bang malaman kung ano ang titulo ng awiting ito? At maaari po bang malaman kung may alam kayong video na inaawit o tinutugtog ito. Nais ko lamang pong malaman sa kadahilanang balak namin itong awitin sa kaarawan ng aming lolo at lola sa darating na Pebrero A-uno at A-otso. Ako po ay pauna nang nagpapasalamat sa inyong magiging kasagutan. Naway may matanggap akong sagot mula sa inyo. Salamat!!
ReplyDelete