Sunday, September 11, 2011

LISTAHAN NG MGA KWENTO


LISTAHAN NG MGA KWENTO DITO SA
AKING BLOG, 2008 – 2010



Nang balakin kong gawin ang listahang ito ay upang magkaroon lamang ako ng patnubay sa paglalathala ng mga susunod pang kwento. Nang simulan ko na ang pagkalap ng mga ito, naisipan kong ilagay na rin sa blog upang maging gabay na rin ng mga bagong mambabasa ng blog o ng mga dating nais magbalik-basa sa mga nakaraang kwento.

Madali lamang naman ang pagpunta sa mga nasabing kwento. Makikita mo sa ARCHIVE, na nasa gawing kanan ng blog, ang listahan ng mga taon. Klik mo lang ang taon, sunod ay ang buwan na kinaroroonan ng napiling kwento at kapag nakita mo na ang pamagat nito ay ito naman ang iyong i-klik. Voila! Naroon ka na.

Enjoy ka lang, marami kang mapamimilian.


2008 -

Pebrero 22 – Ang Pag-ibig ni Dalisay
(Noong nasa high school kayo,
nagkaroon ba kayo ng pag-ibig na tulad nang kay Dalisay?)

Marso 12 – Gaanong Porsiyento ng Pagmamahal (Isa ba kayo sa naniniwala na dapat ay fifty-fifty ang pagpapamalas ng pagtingin ng magkasintahan o mag-asawa sa isa't isa?)

Abril 1 – Labinlima lamang, Ibig nang Mag-asawa (May kilala ka bang teen-ager na ganito? O ikaw iyon?)

Mayo 2 – Karugtong ng Isang Mayo (Buwan ng bakasyon ang Mayo at minsan, dito nagaganap ang mga summer romances. Happy ending ba ang sa inyo o bitin? Kung bitin naman, nagkakaroon ba ng karugtong na kabanata?)

Hunyo 2 – Biyenan at Manugang (Biyenan ka bang mahirap pakisamahan o manugang na pasaway?)

Hulyo 7 – Iskolar (Iba- iba pala ang pakahulugan sa salitang “iskolar” ngayon. Akala ko, tawag lang ito sa mga taga-UP na iskolar ng bayan. May iba pa pala!)

Agosto 4 – Ang Ulan sa Buhay ni Lety (Tuwing tag-ulan, kapag nakasalubong kayo ng babaeng nakapayong, alalahanin ninyo si Lety. Baka sila ay may kasaysayang tulad niya. Ikaw rin...)

Setyembre 1 – Pagkalipas ng Bagyo (Malaking pinsala ang dala ng bagyo. Lalo ang kakaibang bagyo na dumadalaw sa pagsasama ng isang pamilya.)

Oktubre 6 – Hiwalay (Sa panahong ngayon, para bang napakadaling maghiwalay ang isang mag-asawa. Kaya mo ba ito?)

Nobyembre 2 – Kagabi, Marami nang Todos Los Santos ang Nakalipas (Ang sarap ng may barkada, may nakakasamang mamasyal sa paglilibot sa mga sementeryo tuwing Undas. Lalo pa, kung crush mo ang isa sa mga ito.)

Disyembre 7 – Ang Pasko ay Para sa Lahat ng Bata (Nakaranas ka na ba ng isang malungkot na Pasko?)

2009 -


Enero 7 – Ngayon, sa Pagharap sa Bagong Araw (Noon, phone pal. Ngayon, textmate. Ngunit halos pareho, minsan, sila ay may dalang problema,)

Pebrero 4 – Isang Pook, Dalawang Panahon (Dekada Cincuenta ba ang panahon mo? O martial law? Magkaiba mang panahon, magkaiba man ang dahilan, minsan, halos pareho rin ang dalang hirap at pasakit sa puso.)

Marso 8 – Larawan ng Pag-ibig (Pagmasdan ninyo ang inyong kabiyak ng puso, o kasintahan kung hindi pa kayo kasal, may nakakamukha ba siyang babae sa inyong nakaraan?)

Abril 1 – Minsan, May Isang Barkada (Ang barkadang ito noon, may barkada pa bang makakatulad nito... sa panahon ngayon?)

Mayo 3 – Ibukas Mo Lang ang Iyong Puso (Sabi nga, nakamulat ang mga mata, ngunit walang nakikita, may tainga ay walang naririnig, kaya ang nangyayari, may nakakaligtaan. Ang unang dapat ibukas ay ang puso.)

Hunyo 3 – Bago Pakasal, Bakit Di Muna Natin Subukin (Sa totoo lang, bakit nga ba hindi? Pero sapalaran ang kahihinatnan nito.)

Hulyo 4 – May Puntos ang Pag-ibig (Ang minamahal mo ba ay may ibang mahal? Naniniwala ka bang habang buhay, may pag-asa?)

Agosto 1 Frank – (Ang nakalipas na panahon ay binubuo ng mga awit at himig ni Frank Sinatra.)

Setyembre 6 – Pinakamamahal Kita, Kaya... (Kapag nagpapaubaya ka ba at ikaw ay tinanggihan, ano ang maisasaloob mo?)

Nobyembre – Remains of “Ondoy” Day Parts 1,2 and 3 (Walang posting na kwento sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre dahil sa bagyong Ondoy. Sa halip, tungkol lahat sa Ondoy ang narito.)

Disyembre – RECAP ng mga nangyari sa buwan ng Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre Ngayong Disyembre.

2010 -

Enero 8 – Umaga Na (Ikaw ang “the other woman”. May dala bang pagsikat ng araw ang iyong umaga?)

Enero 15 – May Isang Bagong Tatsulok (Sa totoo lang, nangyayari ito.)

Enero 29 – Ang Makaliligaya kay Chito (Minsan, ang isang tao ay nadadala lamang ng mga sandali. Ngunit kung maglilimi-limi at tatanungin ang sarili, matatagpuan niya ang sagot sa katanungan)

Pebrero 10 – Minsan, Isang Araw ng mga Puso (A Valentine story. Ganito ba kayo nagkakilala ng inyong sweetheart?)

Pebrero 18 – Natatandaan Mo Pa Ba? (High school days. High school romance. May ganito ka bang memories na bagahe sa pagdalo sa inyong reunion?)

Marso 12 – Ang Buhay, Iba't Ibang Uri ng Pagkain (Ang buhay mo ba ay katulad ng buhay ng lalaki sa kwento?)

Abril 9 – Bagong Magdalena (Marami sila, nasa paligid lamang natin. Mga mapangarapin na nagmadaling makamtan ang nais sa buhay.)

Mayo 15 – Sa Muling Pagiging Ina (Napapanahon na, kasalukuyan nang pinag-uusapan ang RH Bill.)

Hunyo 2 - P'wera Biro, Ha? (Kung minsan, pumapasok ang “utakan” sa
pagpasok sa sintahan.

Hunyo 26 – Katulad ng Kanyang Tatay (Bonus na kwento para sa Father's Day.)

Hulyo 12 – Isang Kumot, Isang Unan, Isang Katre – (Ayon sa matatanda, isa raw ito sa mabisang paraan upang mapanatiling nagkakasundo ang isang mag-asawa. Subukan ninyo!)

Agosto 7 – Ang Listahan ni Charo (Ang listahan ni Charo ay listahan ng kanyang mga assets at liabilities, as a person Kapag dumating sa inyo ang problemang katulad ng kay Charo, subukan ninyong gawin ito.)

Setyembre 15 – Sapagkat Mahal Kita (Si Minda ay parang sibol ng panahong ito. Marahil, kapareho niya ang gagawin mo kung matagpuan mo ang sarili sa kanyang kalagayan.)

Oktubre 3 – Sapagkat Ganyan ang Pag-ibig (Hanggang saan dapat maging mapagbigay ang pag-ibig?)

Nobyembre 2 – Kandila sa Harap ng Bahay (Kwento ng bagong sumisibol na pag-ibig sa pagitan ng dalawang musmos sa gitna ng Ikalawang Digmaan kinasangkutan ng bansa.)

Disyembre 18 – Masaya na ang Ating Pasko, Roehl (Ikaw ba ay supling ng iyong ina na kanyang dinala sa sinapupunan niya? O ikaw ay sumupling sa kaibuturan ng kanyang puso?)

Hayan, makapamimili ka na ng gusto mong basahin o pagbalikang namnamin. Kung ikaw naman ay nasa abroad, available sa www.lulu.com ang aking aklat, MINSAN, MAY ISANG PAG-IBIG. Sa mga kamag-anak at kaibigan, maaari akong sulatan sa eve.manunulat@gmail.com.

Ito ay kalipunan ng dalawampung kwento ng pag-ibig sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon. Makikita sa dakong kanan ng blog ang larawan ng pabalat ng aklat. Sa mga ka-henerasyon ko, ito ay isang nostalgia trip sa ating nakaraan. Sa mga kabataan, ito ay isang sulyap sa panahon ng inyong mga magulang.




2 comments:

  1. Eve, kakatapos ko lang basahin ang Komiks, aba eh 1967 pa pala lumabas sa Liwayway. Nuon pa man ay talagang kitang kita ne meron kang ibubuga sa pagsulat ng kahit na ano. Nakakatawa si Emilio at si Gloria. Maraming magasawa ang tulad nila. Pero hindi ako yun. Hindi kami 'yun. He, he, sigi, pupunta ako sa iba mo pang sinulat. Para lalo pa akong matawa. Keep writing my friend. arami kang napapasaya.

    ReplyDelete
  2. Yung naiisip mong gawin itong isang libro, bakit ang hindi.

    Nakita ko sa Facebook, nanalo pala sa isang timpalak si Dennis. Wow, Eve, isa na naman itong maaari mong pagkunan ng isusulat. Nabati ko at nagpasalamat naman.

    Sobrang lamig na dito, parang winter. 2 degrees at ang wind chill, tunay na nakakapangilabot ang lamig. Tumatagos sa puso kong malapit nang mag yelo.

    ReplyDelete