Sunday, February 15, 2015

Komentaryo sa Pangatlong Nobela - Sa Sukatan ng Pag-ibig, Sa Timbangan ng Pagmamahal

Ilang Komentaryo sa Pangatlong Nobela - Sa Sukatan ng Pag-ibig, Sa Timbangan ng Pagmamahal



Z. Frasier from Maryland – Naku, nanggigigil ako, sobra naman, para akong nanonood ng teleserye, inis na inis ako kay--- Ikaw naman, para akong bitin, lagyan mo naman ng karugtong!

Ibyang from W. Virginia – Hindi ko magagawa, ay, naku, iba ako! Hindi maaari iyon! Kawawang --- hindi fair! 

Jenny from Chicago – Nakakabwisit ka, Eve!  Nakakawala ka ng trabaho.  Hindi ko mabitiwan ang libro mo hanggang hindi ko natatapos.  (sa telepono, sinabi ko, e, di bitiwan mo!  Pero, ang sagot---) E, gusto kong malaman ang nangyari!

Nita of Seattle – Hindi ko kayang gawin!  Napakabait niya…  ang salbahi naman nitong si ---

Ang mga nabanggit na komentaryo ay tinanggap ko sa pamamagitan ng telepono nang ako ay nasa abroad.  Mapapansing gumising ng damdamin ng galit, pagkaawa, pagkainis o anupaman ang mga karakter na nabasa nila sa libro.  Sa madali’t salita, naging involved  ang mambabasa sa binabasa.


At dito sa Pilipinas, narito ang isang text na katatanggap ko lamang mula kay-     


G. Coronel ng Tribung Pinoy - Hi, EVEdGREAT (sobra ka naman, Glo!). Just finished ur latest gem in 3days! Para akong nanunuod ng pelikula habang binabasa. Sobrang exciting. Congrats and thank u! 

Siempre, natutuwa ako sa mga natanggap na komentaryo.  Kababasa ko lamang sa isang libro, na para sa isang sumusulat raw, ang makapagdulot ng aliw, pure, unalloyed pleasure, sa mga mambabasa, iyon na ang reason mo for being.  To some measure, kahit na katiting, wika nga, na naaliw ko sila, masaya na ako.

Salamat po.  Lalo na kay Ruby of Canada na napuyat sa pagbabasa: Aba, nang natapos ako, saka ko lang napansin, a las seis na pala ng umaga! 


                                       

1 comment:

  1. Alam mo ba Eve na sinisimulan ko na namang basaahin muli ang "Sa Sukatan ng Pagibig….."
    Tama ang sabi ng isa mong mangbabasa, nakakabitin.

    At yung "hello Dolly" dito sa blog, ay naku, medyo meron na namang nabunggo sa dibdib ko. Ang dali kong mgakarelate sa istorya.

    Yun namang "Salamat, Salamat" para akong nakasama sa inyong mga activities, sinamahan pa ng mga tweets ng dalawa mong apo, wala akong masabi. Super talaga

    ReplyDelete