Resolusyon ngayong Bagong Taon
Sa taong 2015, napagpasiyahan ko, kumbaga ay isang tipo ng
resolusyon, na humanap, magsipi, o kumopya ng kahit isang saknong o linya ng anumang
tula, mga ideyang nakapaloob sa isang artikulo, o mga dayalog sa isang kwento na
may kinanti sa aking alaala, umagaw ng aking pansin at pagsusuri, o umakit ng
masusing pagninilay-nilay, at ilagay at ibahagi ang mga ito sa tagasubaybay ng
aking blog.
Naisip ko ring ibahagi, hindi lamang ang mga nababasa kundi
pati ang mga bagay na sa araw-araw na nagdaraan sa ating buhay, ay ating
napapanood, nakikita, naririnig, napapakiramdaman, nababalitaan na hindi natin
alam, may tuwirang epekto sa atin ngunit hindi lamang natin alam. Na kung lilimiin lamang natin ito, higit
siguro nating mauunawaan ang ating sarili, ang ating kapaligiran, ang ating kapwa.
Na katulad rin ng paminsan-minsan ay pagbabalik-tanaw sa
kaganapan ng nangakaraang araw.
Balik-tanaw o gunita sa pamamagitan ng pagbubuklat sa album ng mga lumang
larawan ng ating kabataan na kakikitaan ng masasayang ngiti, sa paghalungkat at
pagbasa sa mga nakatagong liham, balik-basa sa mga klasikong aklat, balik-awit
sa mga lumang himig.
Live in the present, ang sabi nila. Ngunit alalahanin natin na once upon a time,
ang tinatawag nating nakaraan ay siya nating kasalukuyan noon. Sa suma’t total, sabi nga ng matatanda, tayo
ay binubuo ng ating nakaraan at kasalukuyan.
At nasa ating mga kamay, sa
tulong ng Maykapal, ang ating hinaharap.
Narito ang isang tula na nabasa ko kamakailan, na tunay
akong nagandahan. Naalaala ko wari ang
panahon ng kawalang-malay, panahon ng ating henerasyon. To Electra by Robert Herrick, 1591-1674
I dare not ask a kiss,
I dare not beg a smile
Lest having that or
this, I might grow proud the while.
No, no, the utmost
share of my desire shall be
Only to kiss that air
that lately kissed thee.
Hindi ba ito nagpapaalala sa inyo ng mga kwento noong araw
na “makita lamang ang bubungan ng tahanan ng napupusuan” ay nakapagpapasaya na
sa isang manliligaw?
No comments:
Post a Comment