PANGARAP
Narito ang isa pang tula na nagustuhan ko. Nakatutuwang… nakalulungkot. Tulad nang ilan, muli ko itong isinalin sa
Tagalog. Ang tula ay may titulong A Dream na katha ni Stephen Phillips, 1864-1915.
“Sa
isang pag-idlip, ako ay nangarap
Namayapang
kabiyak ako’y kinausap
Siya
anya’y pinabalik ng Diyos sa lupa
Sa
piling ko’y binigyan, isang oras na biyaya.
Tanong
niya sa akin, paano gugugulin
Ang
biyayang oras na kami ay magkapiling,
Ang
sagot ko ay katulad nang siya ay buhay –
Away
na walang humpay sa gabi at araw!
Ito
nga ang ginawa naming mag-asawa
At
nang mapagod na ay binalingan ko siya
Upang
makipagkasundo at nang lumigaya
Ngunit
tapos na’ng oras!!!
Siya
ay wala na!”
Di ba ang lungkot?
Sinayang ang pagkakataon? Ang
humingi ng tawad at magpatawad?
Mercy and compassion, sabi nga ni Pope Francis na
panauhin ng Pilipinas ngayon. Hindi
lamang sa kapwa o kapit-bahay, kundi sa lahat, dahil kung minsan, iyong mga nasa paligid pa
natin ang ating nalilimutan.
Huwag nang hintayin ang biyayang oras. Samantalahin... namnamin ang bawat sandali... ngayon!
No comments:
Post a Comment