Tuesday, June 17, 2014

AWIT NG PAG-IBIG AT PAG-ASA





AWIT NG PAG-IBIG
AT PAG-ASA
Sa pananaliksik ni R. Estrada

“The songs set a tone or mood, define character,  advance plot and/or express the film's theme in a manner that elevates the moving image art form.  They also capture the nation's heart and resonate across the century, enriching America's film  heritage and captivating artists and audiences today.”  Ito ang aking nabasa sa isang pagtalakay sa awit na isasalaysay ko rito.
OVER THE RAINBOW

          Ang Wizard of Oz ay isang pelikulang musical fantasy buhat sa MGM na ginawa noong 1939, batay sa nobelang Wonderful Wizard of Oz ni L Frank Baum na sinulat noong 1900.  Bida rito si Judy Garland bilang si Dorothy Gale, isang ulilang dalagita na nakatira sa Kansas, kasama ng kanyang Aunt Em at Uncle Henry.  Dahil sa buhawi na tumangay sa bahay nila, napunta siya sa daigdig ng Oz,  natungo sa Emerald City, nagkaroon ng maraming abentura kasama ang mga nakatutuwang karakter na tumulong o nagpahirap kanya.

(Sinasabing  sa simula pa ay gusto na ng director ng pelikula na si Victor Fleming na ang gumanap sa papel ni Dorothy ay si Judy Garland.  Gusto naman ng prodyuser na si Mervyn LeRoy na  si Shirley Temple na taga-20th Century Fox ang maging bida dahil sa popularidad nitong huli.  Si Judy rin ang gumanap ng natatanging papel nang sa audition ay hindi naabot ni Shirley ang matataas na nota ng mga awit sa pelikula.)

Nang dumating ang Academy Award nang sumunod na taon, nanalo ang Gone with the Wind sa best picture ngunit napanalunan naman ng Wizard of Oz ang best original  musical score  at ang theme song ng pelikula, ang Over the Rainbow. (Hindi talaga kasama ang salitang somewhere sa titulo nito.)    
Ang kantahing  ito ang napiling THE GREATEST MOVIE THEME SONG OF ALL TIME.  Sa 2014 Academy Awards Night inawit ni Liza Minnelli, ang signature song ng kanyang ina, 75 na taon matapos itanghal ang pelikula.

Noong 2001. nag-anyaya ang National Endowment for the Arts at ang Recording Industry Association of America  ng mga taong gobyerno, mga taong kabilang sa music industry, mga media teachers at estudyante  na pumili ng 365 na awit na dapat ibilang sa 365 Songs of the Century.   Nanguna rito ang Over the Rainbow.

           Noong 2004, pinili ng American Film Institute na kinabibilangan ng mga kilalang filmmakers, kompositor, lirisista, at iba pa  sa inilunsad nilang pilian 100 SONGS – 100 YEARS ang Over the Rainbow bilang pangunahing awit sa pelikula.  Sabi ni Burt Bacharach:  The song deserves it.  Judy Garland . . . the emotion in that song. . . It gives me the chills, whenever I hear it.

          Saang bahagi ng pelikula inawit ito ni Judy Garland?  Nasa Kansas pa si Dorothy, (halos kasisimula ng pelikula), lumapit si Dorothy sa kanyang tiyahin at nagsiwalat ng kanyang problema laban sa kapitbahay na si Miss Almira Gulch.  Hindi siya gaanong pinansin ni Aunt Em.  Sinabi nito sa kanya:  Maghanap ka kaya ng isang lugar na walang problema… Kinausap ni Dorothy  ang kanyang sarili, kasama ang asong si Toto.  May lugar kayang ganoon, Toto?  Mayroon nga, marahil.  Hindi ito isang lugar na mararating ng bangka, o ng tren kaya.  Malayong-malayong ito… sa kabila ng buwan… sa kabila ng unos… Sa puntong ito, inawit niya ang Over the Rainbow.

          Mahalagang banggitin din na muntik nang matanggal ang awit sa dahil sa kahabaan ng pelikula. Noon,  ang mga pelikulang ipinalalabas ay may haba lamang na 90 minutos at ang Wizard of Oz ay may 110 minutos.  Binalak na tanggalin ang bahagi ng pag-awit ni Judy ngunit 
ipinaglaban sa pangunguna ng direktor na i-retain ito at sa huli ay hindi na-edit out ang eksena.  Isa pa, ang mga eksenang sa Kansas kinunan ay ginamitan ng cinematography na sepia (kulay mapulang kayumanggi), ngunit pagsapit sa Oz, Technicolor na ang ginamit,

          Narito ang awit na ang musika ay ginawa ni Harold Arlen na tinitikan naman ni E. Y. Harburg:

Somewhere over the rainbow way up high
There's a land that I dreamed of once in a lullaby
Somewhere over the rainbow skies are blue
And the dreams that you dare to dream
    really do come true.
Someday I wish upon a star
And wake up where the clouds are far behind me
Where troubles melt like lemon drops
Away up high the chimney tops
That's where you'll find me
Somewhere over the rainbow blue birds fly
Birds fly, over the rainbow
Why, then, oh, why can't I
If happy little blue birds fly beyond the rainbow
Why, oh, why can't I?

          Mahigit sa 200 daang mang-aawit, band leaders, konduktor sa musika, instrumentalists, atbp, ang nag-record ng Over the Rainbow, patunay ng popularidad nito, kabilang na si Frank Sinatra, Tony Bennett, Barbra Stresand, Jose Feliciano, Glenn Miller,, Perry Como, Shirley Bassey. Celine Dion, The Platters, Sammy Davis, Jr., Ella Fitzgerald, Tom Jones, Don McLean, Doris Day, Vic Damone, Rosemary Clooney, at maraming-maraming iba pa --  walang kamatayang pagkilala sa isang awit na lalo lamang kumikinang sa pagdaraan ng panahon.

1 comment:

  1. Salamat Rollie E. sa matiyaga mong pananaliksik na ibinahagi mo sa amin sa pamamagitan ni Eve.

    Ang "Over the Rainbow" is one of my favourite song nuon pa man magpahanga ngayon.

    Eve, sabi mo malapit na lumabas ang bagong aklat.

    Eager na eager na ako.

    Ruby

    ReplyDelete