Thursday, April 11, 2013


SUPER PINOY HENYO

May innovation sa Larong Pinoy Henyo, ang paborito naming game sa telebisyon.  Mas challenging.  Mas gagamitan ng utak.  Noong una, ang mga kategoryang pinagpipilian ay ang mga sumusunod lamang:

1.Tao – Buhay o patay; babae o lalake; pangalan o parte ng tao na internal o external o pangkalahatan; artista, bayani, presidente, singer, athlete, newscaster, pulitiko, etc.


2.Hayop – Land, water, air o kumbinasyon; apat, dalawa o walang paa; zoo, farm, domestic (o extinct na); malaki o maliit; etc.


3.Pagkain – Solid o liquid; almusal, tanghalian, hapunan, merienda, partyfare; streetfood, pulutan; gulay, prutas o ulam; condiments; etc.


4.Lugar – Pilipinas o labas (Asia, Europe, America, etc.); NCR o mga region kung kabisado ito; Luzon, Visayas, Mindanao; city o province, landmark, o street; 


5.Bagay – Nasa bahay, loob (parte ng bahay, mga lugar like kitchen, bathroom, bedroom, etc); depende sa gamit (luto, kain, linis, hygiene, toys,  suot, décor, etc.); malaki (appliances, furniture, etc.) o maliit (accessories, jewelry, etc.); Nasa labas ng bahay (transpo, wala, dalawa, apat, maraming gulong); malaki o maliit; air, water, land; etcetera.

Iyan ang mga pinagpipilian ng mga nakaraang Pinoy Henyo.  Ngunit iba na ngayon.  SUPER PINOY HENYO daw! 

Napanood ko ang una at ikatlong araw ng kanilang laro (may lakad ako noong ikalawa.   Ang una nilang Super Pinoy Henyo word ay TINIK.

Saan mo ikakategorya ang TINIK?  Ang contestant ay nakarating nang panghuhula sa ISDA.  Excited na ang mga nanonood, kami rin.  Bangus, tilapia, lahat na yata ng uri ng isda ay sinabi.  Pero hindi nahulaan.

Kung iisipin at hihimayin, ang katulad nito ay ang paghula noong araw sa TAO.  Noon, ang mga contestant ay laging pangalan lamang o kung artista, pulitiko o anupaman ang inihuhula.  Kalaunan na lamang natuto silang magtanong kung parte ng tao (paa, daliri, siko, mukha, etc.) at kung external o internal ito (puso, utak, atay, etc.) o pangkalahatan (dugo, buto, laman, balat).

Sa Super Pinoy Henyo, ganito rin dapat mag-isip ang mga contestant.  Kumbaga sa binabasa, read between the lines.  Think outside the box, sabi nga. Kung ang sagot ng kapartner ay OO, OO, OO sa hula noong isa na ISDA, dapat ay tinuunan na ng pansin na ISDA nga ito, pero ano?  Ngayon, pwede nang sagutin na TINIK pala.  O baka KALISKIS.  O HASANG.

Noong ikatlong araw, ang pinahulaang salita ay SAMPAYAN.  Ang contestant ay nakarating sa labas ng bahay.  Nakikita sa labas ng bahay.  Sa bakuran.  Gawa sa metal.  Pero inabutan ng oras, hindi rin nahulaan.

Mapapansin na ang mga salitang pinahuhulaan, so far, ay karaniwan din, kaya lamang, kumbaga sa pelikula ay “indie” hindi mainstream.  Karaniwan, common noun o generic, mahalaga rin, pero hindi pansinin.  Pero ngayon, tulad rin ng “indie”, nasa limelight na.  Popular.  Kumikita.

Asahan na ang mga darating pang pahuhulaang salita ay ganitong uri.  Asahan rin na BAKA may karagdagang KATEGORYA kung saan maika-classify ito.  Halimbawa:

6.Pangyayari – Okasyon (Pasko, Bagong Taon, Semana Santa, Valentines Day, graduation, etc.) 


7.Outer space – universe, planet (names of planet – Jupiter, Mars, Venus, etc.), milky way, moon, earth, etc.


8.Nature – ilog (hindi pangalan ng ilog), dagat, lawa, bundok, burol, bulkan, gubat, batis, sapa, etc.


9.History o Events (depende ito sa current events o kung anong celebration ang ginagawa sa araw o buwang iyon) – Bataan Day, EDSA 1, EDSA 2, World War 2, etc.


10.Profession – teacher, lawyer, doctor, dentist, accountant, engineer, etc.


11.Abstract ba ito? - O idea? - democracy; communism, socialism; language, etc.


12.Nationality – Filipino, American, French, Italian, etc.



At kung anu-ano pa siguro.


Narito ang ilang mga salita na ihanap ninyo ng kategorya, dahil baka lumabas ito sa Super Pinoy Henyo.  At kung sakaling lumabas nga, at nakatulong ako, aba, e, balato naman diyan!!!

-Rainbow o Bahag-hari; putik; ulan; ambon; pelikula; bansa; tula; awit; tulay; gamot; kalendaryo o calendar; kalsada o lansangan o kalye; eskinita; asuwang; tikbalang; anito; ispiritu; kaluluwa; multo; etc.

Magaling, tunay na magaling ang larong ito.  Educational.  Natututong mag-isip ang mga sumasali.  Talagang pinaghihirapan ang mga pinananalunang premyo.




Good Luck!


No comments:

Post a Comment