Thursday, August 16, 2012

Dagdag sa Paboritong Dayalog at Linya


Ilang maagang dagdag sa paboritong dayalog at linya"

Mula sa isang "grand, old man" - iyan ang tawag sa kanya ng mga taga-Ilocos nang nadestino siya rito noong araw. Si Apo.  Nasa first year college ako nang dahil sa aking apelyido, Estrella, ay tinunton ako ng aking professor sa English, Prof. Bueno, at siya ang nagsabi kung gaano nila pahalagahan ang taong ito.  Na paboritong sambitin ang sumusunod na mula sa tulang "Miller of Dee" ni Charles Mackay, isang British poet.

"I envy no-body--no, not I!--
For I am as happy as I can be;
And nobody envies me." 

Isa pang paborito niya ay galing sa Biblia, John 3:16 - 

"For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life."

Ito naman ang wika ng isang kaibigan: Eto yung quote na nabasa ko sa Liwayway mula sa isang nobelang isinulat ni Mang Basyong na di ko naman maalala ang title. Di ko ito malimut-limutan. 

 "ANG AWA AY MUMO LAMANG NA NALALAGLAG SA MAYAMANG HAPAG NG ISANG PUSO."

Bukod sa kaibigang hindi malimutan ang isang dayalog sa nobela ni Mang Basyong, na paborito rin ang sumusunod na tula ni William Wordsworth, isang kaiskwelang nasa Long Island at kasalukuyang may karamdaman, ang gustung-gusto rin ito: 


 Splendour in the Grass 

 What though the radiance
 which was once so bright
 Be now for ever taken from my sight,
 Though nothing can bring back the hour
 Of splendour in the grass,
 of glory in the flower,
 We will grieve not, rather find
 Strength in what remains behind;
 In the primal sympathy
 Which having been must ever be;
 In the soothing thoughts that spring
 Out of human suffering;
 In the faith that looks through death,
 In years that bring the philosophic mind.

 Kayo ba, sigurado akong may paborito rin kayong sambitin, kayong mga seniors, lalo na sa inyong mga anak, bukod sa "noong araw, diyes lang ang coke, saka pasahe sa jeep..."

At sa mga kabataan naman, ipasilip naman ninyo sa amin ang inyong daigdig...

Share naman kayo...
 

No comments:

Post a Comment