Wednesday, April 4, 2012

A Time for Everything: A Timely Advice to Seniors


A Time for Everything:
A Timely Advice to Seniors


Sa isang kwentuhan, may binanggit na obserbasyon ang isang senior: Sa puntong ito raw ng ating buhay ito na lamang ang mga pangyayaring nagaganap sa atin -

-pa-tsek ap sa ospital; bumili ng gamot sa Mercury; withdraw ang pension kung mayroon man, mamalengke kung kaya pa, dumalaw sa maysakit na kaibigan o kamag-anak, makilibing sa namatay, makipag-siyam sa namatay, makipag-40th day sa namatay, makipag-ibis luksa sa namatay, sumalubong sa airport, maghatid sa airport...

Nakisagot naman ang isang kaharap: Iyan ang "half-full" na baso, kumbaga. Ito ang tingnan natin na nangyayari rin ngayon -

-retirado na tayo, pwede nang matulog sa umaga hanggang gusto, sa mga relihiyoso, magsimba araw-araw, kahit maliit ang pension, may tinatanggap at kung wala, naaabutan rin ng mga anak, pandagdag sa sariling ipon, may 20% discount sa gamot, sine, restaurant, may mga apong nakatutuwa na nagbibigay ligaya, madalas ang mga reyunyon na dinadaluhan - silver jubilee, golden jubilee, at kung sinuswerte, diamond jubilee, pampamilyang salu-salo, birthday celebrations ng mga septuagenarian at octogenarians, silver at golden wedding anniversary ng mga kaibigang mag-asawa, at napakarami pang bagay na magagawa na ngayon, bukod sa pinakamahalaga. Sa puntong ito, siguro naman ay kilala na natin ang ating mga sarili - ang ating kahinaan at kakulangan na dapat punan bago dumating ang sandaling sasapitin ng lahat ng nilalang - Sa Dako Pa Roon!

Noon ko naalala ang paborito kong talata sa Ecclesiastes na binanggit ng aking panganay na kapatid nang magpasalamat siya sa mga nakiramay sa pagyao ng aming Amang noon. Ito ay ang bahaging "a
time for sorrow and a time for joy, a time for mourning and a time for dancing." Narito ang kabuuan:

Ecclesiastes 3

Everything that happens in this world happens at the time God chooses,

He sets the time for birth and the time for death,
the time for planting and the time for pulling up,
the time for killing and the time for healing,
the time for tearing down and the time for building.

He sets the time for sorrow and the time for joy,
the time for mourning and the time for dancing,
the time for making love and the time for not making love,
the time for kissing and the time for not kissing.

He sets the time for finding and the time for losing,
the time for saving and the time for throwing away,
the time for tearing and the time for mending,
the time for silence and the time for talk.

He sets the time for love and the time for hate,
the time for war and the time for peace.

What do we gain from all our work? I know the heavy burdens that God has laid on us. He has set the right time for everything. He has given us a desire to know the future, but never gives us the satisfaction of fully understanding what he does.

So I realized that all we can do is be happy and do the best we can while we are still alive. All of us should eat and drink and enjoy what we have worked for.

It is God's gift.



3 comments:

  1. Ang Galing!! simple ngunit nakakaugnay, nagpapakita ng katotohanan ng buhay at nagpapahayag ng positibong pananaw para sa mga may inilagi ng maraming taon ng buhay. Pwede po bang makopya at ma e post sa fb. Salamat po. Mon Martinez https://www.facebook.com/PrimoRamon?lst=1043892571%3A1043892571%3A1520615984

    ReplyDelete
  2. Ang Galing!! simple ngunit nakakaugnay, nagpapakita ng katotohanan ng buhay at nagpapahayag ng positibong pananaw para sa mga may inilagi ng maraming taon ng buhay. Pwede po bang makopya at ma e post sa fb. Salamat po. Mon Martinez https://www.facebook.com/PrimoRamon?lst=1043892571%3A1043892571%3A1520615984

    ReplyDelete

  3. Salamat sa comment mo. Kung nagustuhan mo, sige, baka magustuhan rin ng iba. Invite them to read the blog. Samu't sari ito, kahit ano, tinatalakay. Aso, pusa, tao, pangyayari, karanasan atbp.

    ReplyDelete