Monday, April 4, 2011

GUSTO KO...

Minsan, sa aking paglalakad mula sa binabaang tricycle patungo sa palengke o bangko o bayad center, may makikita ako o maririnig na naghahatid ng kasiyahan sa aking kalooban. Nothing spectacular. Mga everyday things lang na may dantay ng tuwa sa aking puso. Ewan. Siguro, talagang ganito na ang mga seniors. Mababaw na ang kaligayahan. Madaling matuwa. Lahat ay ipinagpapasalamat. Kumbaga, bonus na ang lahat.

Halimbawa, may nasundan akong isang paslit, nakasuot ng uniporme niya sa school, grade two lamang siguro, walong taon. Humuhuni siya ng isang himig habang naglalakad. Kawari-wari ko, ang hinuhuni niya ay ang tugtuging Sway.

Natuwa ako. Isang bata batuta, humuhuni ng Sway! Ang nangyari, halos maghapon na akong kumakanta ng Sway. Napapaindak pa.

When marimba rhythms start to play, dance with me, make me sway. Like a lazy ocean hugs the shore, hold me close, sway me more.
Like a flower bending in the breeze, bend with me, sway with ease, When we dance you have a way with me, stay with me, sway with me.


May nadaraanan din akong high school dito. Hindi kalakihan ang grounds nito, kaya halos nasa tabing-bakod na ang mga mag-aaral na minsa'y nakasalampak lamang sa semento, nakatalungko, naggigitgitan sa iilan-ilang bangkong semento. Ang mga bata ay nasa edad katorse, kinse, disisais, disisiyete siguro. Mga tin-edyer na ang mga kainosentihan ay nakalarawan pa sa mukha, ngunit kababasahan ng pagnanais na magmukhang may kaalaman na sa lakad ng mundo. Pero, sa isang saglit, bigla na lamang minsan maghahabulan ang mga ito. Magtutuksuhan. At dito ko naman maaalaala ang aming high school days. Na tunay na mga neneng-nene at totoy na totoy kaming magkakaiskwela. Na naghahabulan din. Nagpapatintero pa! Kaya, gusto kong dumadaan sa harap ng iskwelahang ito.

Isang tag-ulan, may nakasalubong naman akong tatlong batang babai, nasa grade school din ang mga ito. Magkakasukob sila sa isang maliit na payong. Na halos mabasa na ang mga nasa dalawang gilid at ang likod ng nasa gitna. Pero ang saya-saya nila. At narinig ko pang sabi ng isa: kasyang-kasya tayo! At natawa, natuwa ako! Sharing is fun!

Isang batang lalaki ang namataan kong pumasok sa isang urinal, na pinauso ng dating mayor ng Marikina. Ikinatuwa ko na hindi na nito kalalakhan ang pagharap sa bakod na kinaugalian ng mga ilan sa kalalakihan. Ang kaso, maliit lamang ang batang lalaki at hindi siya aabot sa dapat kapuntahan ng kanyang gagawin. Kaya, sumige na rin siya, basta nasa loob siya ng urinal. Na ikinatawa ko, at ikinangingiti sa tuwing sasagi sa aking alaala ang nasabing eksena.

Na dahil medyo nakangiti pa ako, ang nasalubong ko ay ngumiti rin sa akin, kahit hindi kami magkakilala.

Hindi uso dito sa Pilipinas ang magbatian ang hindi naman magkakilala ng 'Good Morning o Good Afternoon o Evening' kapag nagkakasalubong sa daan. Pero minsan, nangyayari rin ito. Karaniwan ay sa mga may edad nang tao. At ang isang simpling bagay na ganito ay nagpapaganda sa iyong araw, lalo at nagising ka, wika nga, sa wrong side of the bed.

Ikinangiti ko ang isang nakitang aso na tumatakbo, sakmal ng bibig ang isang malaking pandesal. Sori na lang sa may-ari ng tinapay.

Nasisiyahan akong alalahanin ang alaala ng isang gabing umuulan sa probinsiya. Kasama ko ang mga kabarkada, naglilibot sa isang baryo na may ipinagdiriwang na Santakrusan. Isang higit na nakatatandang kaibigan ang nakangiting tinatanaw kami mula sa kinaroroonang durungawan. Nang tanungin ko siya kalaunan kung ano ang nasa isip niya habang kami ay tinitingnan, ang sagot niya ay tuwang-tuwa siya, dahil damang-dama niya na napakaganda namin. Kami? Maganda? Tanong kong hindi makapaniwala. Sabi niya, kami ay larawan ng kawalang-malay ng isang kabataan. Hindi ko pa siya lubos na naunawaan noon (isa siyang makata). Ngunit ngayon, kapag nakakakita ako ng mga kabataan, nakikita ko na ang mga ito sa mga mata ng nasabi kong kaibigan.

What makes a senior citizen's day? Sabi ng isang kakilala, tinawag raw siyang Ate sa halip na Nanay ng isang tricycle driver. Kami nga, tawag sa amin ng mga apo sa pamangkin ay Tita pa rin, sa halip na Lola. Pero pinili kong tawagin akong Anda ng aking mga apo, sa halip na Lola o Grandma. Isang katawagan ito sa mga ninuno sa mga dulong baryo sa lalawigan. Natuwa nga ang isang kaibigan na pinili na rin tuloy na tawagin siyang Impo ng kanyang apo na taga-abroad. Anda! It's music to my ears.

Gusto kong sinusubaybayan ang tweet ng aking anak dahil doon ko nababasa ang mga mumunting kwento tungkol sa aking mga apo. Ang mga edad sampung taon pababa ang karaniwang kinariringgan ng mga hindi inaasahang 'pronouncements' na puno ng kainosentihan – natural, hindi pinag-isipan, totoo sa loob. Ilan sa mga ito ang nagpangiti, nagpatawa sa amin...

Mula sa isang 7-year old na ipinanganak at lumaki abroad: How to eat rice and fish, her version: eat up fish, pour soy sauce on rice, eat rice.

Mga tweet ng aking anak tungkol kay Elvis at sa aking apo: We're studying Tennessee and the 7yo has discovered Elvis Presley. I like him, she says, as we watched Jailhouse Rock on youtube. Then, she sings Blue Christmas in the bath, plays it on the piano or whistles via pretend flute. Elvis infatuation apparently runs in the family. Dito ako natawa nang husto. Elvis fan kasi ako.

9yo wanted to go to noon Mass and have her throat blessed too. After Mass, she asked: Will I sing better now?

7yo talking to her mama and comparing her Filipino nose with her American aunt's: hers is a going-out nose, & yours goes inward! (Oh thanks.)

In one of their visits here in the Philippines, when the 7-year old was still a 5-year old, she had so many questions: Why do you have wrinkles? Because I'm old, I answered. Once, when I admonished her to watch out for some lying cord on the floor, she sort of gave a lecture on how people's eyes grow weaker when they get older. To which Papo (grandpa) teased her "why are you looking at Anda (me) when you say that?" So I asked her, "Am I old? Do I look old?"

Again, she looked at me with her big, round eyes and without batting an eyelash, said, "You are beautiful!" To which all of us around her gave a big howl!

Gusto ko 'yan, heh heh heh! Nagsasabi ng totoo!

No comments:

Post a Comment