Saturday, January 15, 2011

IKAW BA ANG UNA? O IKAW ANG HULI?


IKAW BA ANG UNA? O IKAW ANG HULI?


Minsan, nagkakwentuhan ang isang barkada. Kung paano nila nakilala ang kanilang mga naging asawa. Nakatutuwang makinig sa ganitong usapan.

Sabi ng isa. Pinalaki raw siya ng kanyang asawa. Magkapit-bahay sila, nasa elementary siya, Grade Six, at nasa college na ito. Kabarkada ng kanyang kuya kaya lagi sa bahay nila. Iyon pala, may kursunada na sa kanya. Hinintay lang na makarating siya sa high school at niligawan na siya. At dahil crush naman niya ito, sinagot agad niya. Kaya ang nangyari, pagkatapos na pagkatapos niya ng kolehiyo, hindi na siya nakapagtrabaho, napakasal na sila.


Ibig sabihin, komentaryo ng mga kaharap, first love mo siya. Pero, ikaw ba ang first love niya?

Nag-isip ang tinanong. At sumagot. Siya ang first love ko. Pero, ewan lang, kung ako ang first love niya. Although wala naman akong nabalitaang niligawan niya o naging girlfriend. Saka sabi niya sa akin, talagang nang makita niya akong lumalaki, nadisisyunan na niyang ako ang pakakasalan niya.


How romantic naman, may buntung-hininga pang wika ng barkada.

Nang may magtanong ulit. Alin ba ang mas gusto ninyo? Kayo ang first love ng napangasawa ninyo? O maging last love nito? Na siyang pinakasalan.

At ang ibig sabihin ng last love ay may naging girlfriend o mga girlfriends ito bago mo napangasawa, paglilliwanag ng isang kaharap.

Dito na nagkagulo ang diskusyon. May isang ang gusto ay siya ang maging first love, kasi raw, first love never ever dies.

May nagpatotoo naman nito. May kakilala raw siya, na iyong first love na kaiskwela nito sa high school, hanggang ngayon na marami nang anak sa napangasawa, ay naaalaala pa rin iyong first love at hindi malimut-limutan.

Sa totoo lang, may sumambot, mahirap din ang kalagayan ng ikaw ang last love na siyang pinakasalan. Lalo at katatapos lang makipag-break sa girlfriend nito. Lagi mong naiisip, rebound lang ba kaya ka nagustuhan. Nalulungkot at ikaw ang napagbalingan. O napansing kursunada mo siya... at nadebelop tuloy...

Oo nga... oo nga... ayunan ng magkakaharap. Mahirap nga.

At ito ang paksa ng aking kwento para sa buwan ng Enero. ABANGAN ninyo...
At habang nag-aabang, pagbalikan na rin sa isip, kung ikaw ba ang una? O ikaw ang huli?

Pero, teka sandali, nabasa na ba ninyo ang aking libro? Minsan, May Isang Pag-ibig? Tapos na ang regaluhan ng Pasko, pero malapit na ang Valentines. This is a book for all seasons. Kaya, order na...click na sa www.lulu.com o sa buy now! :-)

At salamat sa mga bumili na! ;-)

3 comments:


  1. Eve:
    I am waiting. Magpost ka naman ng bago:)))

    Ruby

    ReplyDelete
  2. Eve:

    Ano sa tingin mo-ako ba ang una?:))

    Of course, hindi. ami nang nauna. Pero, ako ang pinakasalan.
    Dahil ako ang pinakamahal.

    Ruby

    ReplyDelete
  3. Eve:
    Ano ba ang gamut sa taong nalulungkot?
    Wala akong RX. Ikaw na lang ang mag prescribe. Kasi, right now, medyo down ako. Cheer me up. With your short stories.

    Ruy

    ReplyDelete