Saturday, September 11, 2010

SAPAGKAT MAHAL KITA...



SAPAGKAT MAHAL KITA...

Ang kwento para sa buwang ito ng Setyembre ay isa sa mga kwentong nasagip kay Ondoy. Alalaon baga'y, kasama sa Ondoy's Finds. Nalathala ito sa Lingguhang Liwayway noong seventies siguro. Iyong duplicate copy lamang ang nakuha ko, wala na ang kopya ng Liwayway mismo.

Mapapansin sa kwento na sa “makabagong apartment” nakatira ang bida. Kung ngayon ito, sa condo na. Nabanggit rin ang Makati Commercial na lokasyon ng business ng bidang babae. Dated talaga. Sa panahong ito, pwedeng Greenbelt. O Glorietta. O kung saan pa man.

Sa mga tagasubaybay, pakiusap kong isaisip na ang mga kwentong nababasa nila sa blog ay karaniwan nang ang “setting” ay noong panahong ito ay nalathala. Kaya mainam ring tingnan ang petsa ng pagkalabas nito sa Liwayway na inilalagay ko sa hulihan ng bawat kwento. Kung sakali naman at wala akong inilagay, ibig lamang sabihin ay nahiram at hindi naisoli ang aking kopya. Tulad nga ng SAPAGKAT MAHAL KITA...

Sana ay mabigyang-aliw kayo ng kwentong ito.

Abangan sa isang linggo.

No comments:

Post a Comment