Sino si Karol Wojtyla?
Kasalukuyan kong binabasa ang kanyang biography na
sinulat ni George Weigel. Isang makapal na aklat ito na medyo mahirap basahin.
May kalawakan ang tema at madetalye. Naroon pa lamang ako sa kanyang kabataan
at sa panahon ng digmaan sa Poland.
Ngunit isang bahagi
rito ang tumimo na sa aking isipan. Si Karol Wojtyla bilang Playwright and Poet.
Sinabi sa aklat, na Literature-in his
case, plays and poems- could sometimes get to truths that could not be
adequately grasped philosophically or theologically. Like many
twentieth-century philosophers, Wojtyla believed that language, either
technical or literary, was always inadequate to the reality it tried to grasp
and convey. Thus, Wojtyla’s literary activity was not a hobby. It was another
way of “being present” to the lives of others, through the writer’s natural
medium of dialogue.
Na sa kanyang kaso ay ang pagsulat ng mga plays, ang
kanyang medium. Ang first mature play
niya na sinulat sa gulang na dalawampu at lima habang nasa huling taon sa seminary
sa Krakow ay Our God’s Brother.
Being
present to
the lives of others! Sa pamamagitan ng kanyang mga sinulat na dula at tula!
Nais ko tuloy isipin na ganoon rin ang ginagawa ng mga manunulat ng kwento at
nobela, mga artista sa teatro at pelikula, mga manlilikha sa sining – na sa
mumunting paraan, sa kani-kanilang medium o genre- ay being present din to the
lives of others.
Being
present to the lives of others, sa aking palagay, ito ay
isang panuntunan na makikita sa buong buhay ni Karol Wojtyla,
si POPE JOHN PAUL II, na ngayong Abril 27, 2014 ay kasama na sa mga Santo at
Santa ng Simbahan.
Ngunit paano ba maging Santo o Santa? Mula sa
pananaliksik ni R. Estrada, isang tagasubaybay, narito ang kasagutan.
No comments:
Post a Comment