SANDAAN AT LABINLIMANG TAON
na ang nakalipas mula nang iwagayway ang watawat ng malayang Pilipinas sa Kawit, Cavite.
Labinlimang taon na ang nakaraan matapos ipagdiwang ang sentenaryo ng ating Kalayaan.
Tulad nang nabanggit ko sa nakaraang blog sa buwan ng Mayo, isang araw akong nagbuklat ng mga lumang album at isa sa mga nakita ko ay ang mga larawang kuha namin noong araw na iyon ng Hunyo, ika-12 ng taong 1998. Balik-gunita bilang pag-alala sa darating na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, nais kong ibahagi ang ilang larawan sa inyo.
Hunyo 12, 1998 - Maaga pa lamang, narito na kami. Sasama sa pagdiriwang.
Ang Watawat ng Pilipinas.
Kalayaan - Dating Ipinaglaban, Ngayo'y ipagdiwang. Hunyo 12, 1898-Hunyo 12, 1998
Nilagang Mani sa mga nagugutom.
Malamig? Kahit na naarawan, softdrink sa nauuhaw.
Walang Kamatayang Banda ng Mosiko
Isang magandang karosa
Isa pang nakikipagpaligsahan ng ganda.
Ang bantog at kilalang anda-andanang bukirin sa kabundukan ng Ifugao.
Ebolusyon ng Watawat ng KKK
Mga Magigiting na Katipuneros
La Solidaridad - sa pamamahala ni Marcelo H. del Pilar.
May bigoteng nakatikwas. Si Del Pilar ba ito?
Intramuros
Katutubong Sayaw
Mga Dalagang Pilipina, noon. Mayumi at mahinhin.
Mga Kabataan ngayon. May tinig. Tulad ng mga Kababaihan ng Malolos, noon.
Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan, Alab ng puso sa dibdib ko'y buhay...
Lupang HInirang, duyan ka ng magiting, sa manlulupig di ka pasisiil...
Sa pagtatapos kinagabihan, mga pailaw sa kalawakan...
at kinabukasan...
Hunyo 13, 1998 - Feeling nakasakay sa nakatigil na karosa sa Luneta.
No comments:
Post a Comment