Tuesday, March 10, 2009

COMMENTS & FEEDBACKS: February, 2009

COMMENTS & FEEDBACKS: February, 2009


ISANG POOK, DALAWANG PANAHON


-Parang ang sarap nang tumirang pansamantala sa isang dormitoryo; parang ang saya-saya.....Iyan ang guni-guni ko nuon. Kasi, kaming magkakapatid ay sa isang lumang bahay na maliit lang muna nangupahan nang kami'y magsimulang mag-aral sa Maynila, at kasama namin ang Inang ko palagi dahil siya'y empleyada sa gobyerno sa Maynila rin. Dahil nga wala namang katulong pa nuon, kami-kami ang gumagawa sa bahay. Anong laking pagkakaiba sa isip ko kung naka-dormitoryo sana kami at walang gagawin kundi mag-aral at mamasyal paminsan-minsan, at DUMUNGAW SA BINTANA AT KUMAWAY nang mahinhin kapag may napusuang nakaistambay o kaya'y lilinga-lingang nakasulyap sa bintana ko. he he, biro lang....Basta kaiba ang tumira sa isang dormitoryo. (From CPG)

(Ang unang taon ng pag-aaral ko sa Maynila ay sa isang lumang-lumang bahay sa Legarda ako tumira, kasama ang aking kapatid na lalaki at mga magkakapatid, magpipinsan, magkakakilalang mga taga-Malolos at Guiguinto. Lahing Malolos ang may-ari ng bahay at nagpapakasera dito. Iba rin ang buhay dito at makulay din ang mga araw na ginugol ko sa ilalim ng bubong ng lumang bahay na ito. Unang taon nang pagiging malaya, malayo sa mga magulang, NGUNIT masasabing may nakabantay pa rin, dahil may matandang kapatid na nakasubaybay. Kagandahan nito’y iisa ang kaugalian at mga kinagawian naming magkakasama.)



-Once again, I enjoyed your nice story about living in a dormitory near Azcarraga.
It brought back memories of my first year at Philippine College of Commerce located in a side street near Azcarraga, where I stayed at a nearby Tailoring Shop called MAGMAN'S TAILOR. It is near Ben Pena Dancing School where I moonlight as a part time dance instructor to supplement my meager allowance. My late mother convinced the owner of the tailoring shop that I worked there after my school for free provided I stayed there also for free. Thanks for the memories in your Palanca winning short story. Keep smiling and writing. (From G.)

(Alam ko na hindi ako ang tipo ng sumusulat na maituturing na literary. Konswelo ko lang iyong kapag naka-relate ang mambabasa ko sa mga sinusulat ko, o kaya ay naka-identify sila sa mga karakter na gumagalaw sa aking kwento, o may gunitang ginigising sa kanila ang paksa nito… e, masaya na ako. Kumbaga’y may nai-contribute na ako sa mundong ito.)


- Kababasa ko lang ng Isang Pook, Dalawang Panahon. Napakaganda at karapatdapat lang na manalo ng unang gantimpala sa Palanca. Ang paglalarawan mo ng dormitoryo at ang kapaligiran nito, na background ang martial law, ay masterful, buhay na buhay. At mangyari pang ang pagkakahabi ng buong istorya ay -- ano ba ang masasabi ko? -- "makaantig damdamin".

May nagdaang panahon din na tumira ako sa dormitoryo noong nag-aaral ako sa FEU. Doon naman ako nangupahan sa Moret, sa may tapat ng UST. Working student ako kaya walang namuong romansa sa buhay ko, busy kasi. Dorm, opisina, eskuwelahan ang routine ko.

Natatandaan kong parang barracks ang lugar, hile-hilerang tiheras, banyo sa may paanan, kusina sa dakong kanan, sa dakong kaliwa ay isang maliit na reception area. Maraming nagluluto. Ang kaibhan ko'y di ako doon kumakain. Sa labas na -- altanghap. Pagkagising ay maliligo, pagdating sa gabi'y hihiga na't matutulog (buhat ako sa paaralan), dahil sa pagod. Ang tiheras ko'y paboritong tirahan ng mga surot. Kung minsan (o sige na nga, madalas), ang binti ko'y may mga kagat pa.

Karamihan sa mga kasama ko'y taga-Pangasinan. May mga salita silang hanggang ngayo'y kabisado ko. Antoy ngaran mo? O kaya't Inad-aro taka (I love you!)

Those were the days that are still etched in my memory. Congratulations sa napakaganda mong kuwento! (From RCE)

(Salamat, salamat, salamat! Coming from you, parang gusto ko nang maniwala na talagang “may itinatago” talaga ako, na hindi dapat “itago” kundi kailangang ilabas at isulat at ibahagi sa iba. Miss ko tuloy ang isa nating kasama na nagsasabing siya ang una kong tagahanga. Na kaya ko ikinatutuwa, siya, tulad mo, ay isa ring mahusay na writer, both in English and Pilipino. Mabuhay tayo! Pasensiya na ang ibang makababasa nito. Miyembro po kami ng Mutual Admiration Society!)



-When I first read this story, I didn’t quite understand what I was reading because I didn’t know who the persona in the story is. I thought that it was just a college girl, going to a dorm, and experiences a déjà vu. But later on, I realized that this work is an excellent one simply because she made two main characters do the talking and yet, the story became beautiful. The mother would comment about the things that happened to her past and worry about the things that has been happening to her daughter but her daughter tells her that things change… people change. (Robi Domingo - Reviews, Feb. 3, 2008, Spotlight On a Filipino Author – Evelyn E. Sebastian)

(Marami na rin naman ang mga istudyanteng nakapag-interbyu sa akin tungkol sa mga kwentong ipinanalo ko sa Palanca, ngunit tanging ang komentaryo ni Robi Domingo, ang high school senior sa Ateneo (noon) ang nabasa ko, dahil lamang sa inilagay nila ng kanyang kasamang si Nico sa internet ito. Nang dumating sila sa aming bahay ay alam kong naparaanan na nila ng tingin ang nasabing kwento ngunit talos ko ring hindi nila masyadong nasakyan ang takbo nito. Unang-una, tunay na iba ang panahon na yaon. Pagkatapos ng kaunting paliwanagan, marahil ay nagkaroon ng liwanag sa kanila ang isinasaad ng kwento.

Isa pang komentaryo na nakarating sa akin nang ipinanalo ko ang kwentong ito noong 1987 ay ang sinabi ng isa sa mga judges na nagkataong nagsusulat sa magasing Liwayway noon. Tuwang-tuwa raw ito sa pagbabalita sa Editorial Staff ng magasin na ang nanalo ay nagsusulat pala sa Liwayway at ang ganda! ng kwento, balita lamang sa akin ito na agad ko namang pinaniwalaan. Siyempre! Isa siyang magaling na manunulat.)




No comments:

Post a Comment