Sunday, March 29, 2009

COMMENTS AND FEEDBACKS, MARCH 2009



COMMENTS AND FEEDBACKS, MARCH 2009


LARAWAN NG PAG-IBIG



-Sang-ayon ako sa ending na hindi sila nagkatuluyan. Mahirap sa tingin ko kapag ang babae ang mas matanda; buti pa siguro kung it's the other way around.... Hindi ako maka-relate kung sino si Roberto nuon. Meron ba? (From C.)

(Itinatanong mo kung mayroong “Roberto” sa klase natin sa haiskul noon. Sinasabi ko sa iyo, mayroon! Kung nagtapat siya noong nag-aaral pa tayo, ewan ko. Pagka-graduate natin, ewan din. Pero, for a time, nagkikita sila, sa higing ko. Friendly dates? Ewan pa rin. Sayang nga lamang at hindi siya nakapagpadala ng “feedback” ngayon, medyo naging abala siya sa isang napakaimportanteng nilalang sa kanyang buhay..

Pero, sa mga nagkatuluyan, ito ang siguradong mayroon. Too close to home, eka nga. Kilala mo, kilala ko, kilala nating lahat na magkakamag-aral. Sirit?)



-Hi, Evelyn lubos akong napapasaya ag mga kuwento mo that I forwarded them to my friends. OK ba sa iyo? I will write on your blog this weekend. Puwede din ba silang mag blog? Always… (RCJ.)

(Salamat po. Pwedeng-pwedeng ipabasa at i-endorse sa iba ang aking blog. Para sa lahat ito na mahilig sa mga kwentong Pinoy. Para rin sa mga batang laki ngayon, na hindi na alam kung ano ba ang “kabataan” noong araw. Feedback and comments are always welcome and very much appreciated. Kumbaga sa mag-asawa, kahit alam na mahal naman ang isa’t isa, mas masarap iyong naririnig paminsan-minsan iyong sinasabing “luv ya…” Kurne ba?)



-Thanks, Excellent short story. I wish I could write like you. Regards to both of you and to CLASS'54 MEMBERS, if you see them soon. I wonder if my KUMaDRE AND KUMPADRE Joe C. will be back soon. More stories, I am waiting for them please. (JPdL)


(Salamat din. Will relay your message to your classmates here and to your kumpadre and kumadre as soon as I see them. There are more stories lined up for this year, for your reading pleasure, I hope. Medyo delayed nga lamang ang posting ko these days, kasi, my daughter’s family is here for a vacation, at siempre, bz bz bz kami all the time. Enjoy naman. Again, thanks.)


-Many thanks! Nabasa ko na yung stories mo. Enjoy naman ako tungkol dun sa dorm mo, naalala ko kasi nung araw nagpupunta rin ako dun sa St. Catherines. May piano nga at naalala ko tuloy nung ating kabataan. Masaya kung aking magunita yung mga nakaraang panahon, ng ating kabataan (tagala talaga, ano) O sige, kumusta na lang sa lahat dyan at God bless. Ingat at sabi mo nga, smile. (A.)

(Ang ating kabataan? Ay, naku, talagang masaya. Napakasimpli ng buhay noong panahon natin. Parang safe lahat. Hindi pa uso ang mga grills sa bintana. Hindi pa masyadong uso ang mga bakod sa probinsiya. Lagus-lagusan ang mga bakuran ng magkakapit-bahay. Ang uso ay mga barkadahan na ang tanging bisyo ay kwentuhan, kainan, kantahan at halakhakan. Minsan ay sayawan. Rock n roll? Boogie woogie? Cha cha? Waltz? Sweet? At saka, iskarsiyunan. Na kapag galing ng probinsiya, karaniwan namang destinasyon ay simba sa Antipolo sa umaga, sunod ay pananghalian sa ilalim ng punong “Tekla” sa Balara. O La Mesa Dam ba?

Pero, siempre, bago ang mga iskarsiyunan na ito, ay Mahal na Araw muna. Masaya rin ito (may masaya bang Mahal na Araw?), kapag may barkada!_At ito ang kasunod kong kwento sa buwan ng Abril.

Abangan ninyong lahat ang kwento sa susunod na buwan – dyaran!!!

Minsan, May Isang Barkada…

Okey ba ang fanfare?)

No comments:

Post a Comment