Sunday, January 17, 2016

Cherry Pics


Natatandaan ko pa, ang una kong suweldo ay ibinili ko ng class ring. Kasi noong panahon namin, uso ang nagbibigayan ng class ring ang magnobyo. Pero wala pa akong boyfriend nang bilhin ko ito, naghahanda lang. Ang pangalawang binili ko ay camera, isang Kodac Brownie. Ang pangatlo ay pagpapa-assemble ng isang Hi-Fi sa isang pinsan, kumpleto sa turntable na pwedeng lagyan ng patung-patong na plaka para sunud-sunod ang tugtog. Siempre, inipon pang lahat ang pambili ng mga ito, kasi, una muna ang obligasyon. Noon ang sinundan kong kapatid ang nagbayad ng aking upa sa dormitoryo sa buong pag-aaral ko bago siya nag-asawa. Ako naman ang nagbigay ng allowance sa sumunod kong kapatid habang ito ay nag-aaral. Ganoon kami noon. Kayo ba ngayon?

Pero balik tayo sa camera. Ang hilig kong magkuha ng pictures noon. Black and white pa 'kamo at kailangan pa ang film at pa-develop. Kung ang mga bagong naghahanap-buhay noon ay mahilig sa pagbili ng alahas, ako naman ay sa pagbili ng film at long-playing records noon. Ngayon naman, napansin kong basta nagkapera ang isang naghahanap-buhay lalo at wala pang pamilya, sa Boracay na o Palawan o Bohol o Singapore o Japan mo mababalitaang nagpunta. At wala nang debe-develop ng pictures. Punta ka na lang sa facebook nila.

Kay Cherry pa rin ako, ang sumpungin kong celfone na malimit mag-init, ewan kung bakit. Narito ang ilan kong kuha. Natuwa lang ako.

 Halinang maupo... sa ulilang bangko
At doon aliwin sawing mga puso.

Ang bughaw na langit, ating tingalain
Palad ng pag-ibig ay doon basahin.


O kakain muna nang sabay
Ng ensaladang makulay
Na pati mga petal
Kasama na ng gulay!

2 comments:

  1. Eve, Nakakatuwa naman ang mga amateur shots mo, nalagyan mo pa ng tula. Ang tinik mo talaga.

    Bakit Wala kang kwento tungkol sa ating sleep over sa condo ni Tess? Dapat meron. Ha, ha,ha ngayon nagiisip ka. Meron sabi.��
    Hihintayin ko ang susunod mong kwento sa Liwayway .

    Ruby

    ReplyDelete
  2. April 7, 2020

    Eve, apat taon.na ang nakaraan, hangga ngayon, wala ka pa ring kwento sa sleep over natin sa condo ni Tess.
    Wala ba talaga?
    Nagtatanong lang, kasi may mga napagusapan naman tayo nina Claire, Maring,, Rufing, Tess at Tony.
    MaramI. Ang mga tanong sa akin ni Rufing, pag naiisip ko ngayon, natatawa ako. Striking and pointed. Nangingiti nga si
    Tony habang nakiking at nakatingin sa akin. Si Pareng Amor, para bang nagaabang ng ewan ko kung ano.

    Mga araw ng ating paguugnayan na hindi ko malilimutan.
    Na hindi na mauulit pa.

    Miss kita, alam mo yan. Bakit ba kasi nagka Covid-19 . Sana nakauwi na ako at nagkita kita ulit tayo ng barkada.

    Kasama ko kayo sa aking dalangin. Ingat.

    Ruby

    ReplyDelete