Monday, May 12, 2014

Sa Araw ng mga Ina.




Bulaklak ng azalea nagmula sa hardin
At munting larawan ng Inang Birhen
Dinikit sa karton, nilagyan ng drowing
Inialay sa Mama, Happy Mother's Day!


(Pagpaparangalan ng mga apo, kinuha sa internet habang nagvi-video chat ngayong Araw ng mga Ina.)

Samantalang dito naman sa aming tahanan,
Ganito'ng dayalog na mapapakinggan:
"Magpapadeliber ba ng pananghalian?"
Sagot ko'y 
"Huwag na, kilawin at pancit ang handa kong ulam".

Happy Mother's Day, ang bati sa akin
"Ano'ng flavor ang gusto mo, bibili ko ng ice cream."
Makapuno't gatas ng kalabaw ang aking habilin,
Dark chocolate at coffee, tig-half-gallon, ang dumating!

Tumanggap rin ako ng isang bulaklak,
Mahaba ang tangkay, pulang-pulang rosas
Sino'ng hula n'yo na siyang nagbigay?
(kung ang hula ay asawa at anak...
 mali itong tunay)
Isang Nanay rin ang nag-alay...
Ito'y ang aking
kasambahay!


Maligayang Buhay ng Pagiging Ina sa inyong lahat!
 

No comments:

Post a Comment