Saturday, May 3, 2014

MINSAN… Part II



MINSAN… Part II

Bago lamang kaming magkakilala.  Kapatid ng asawa ng kaiskwela ng aking kasama ng aking...etcetera, etcetera.  Una vez pa lamang kaming nagkausap, ngunit nagkamabutihan na sa kwentuhan dahil mahilig rin pala siyang magsulat. Bagama’t sabi niya, for her eyes only dahil ang una niyang kwento ay tungkol sa kanyang unang pag-ibig, na maituturing nang the love of her life.  Sa kabila ng kanyang naging kabiyak ng dibdib na mahal din naman niyang tunay.

Ang katulad niya ay ang isa kong kaibigan na mahilig ring magsulat. Na ang pagtatangka ay nagbunga ng tatlong kwentong ipinabasa sa akin, hindi naman isinumite para malathala. For her eyes only din kasi.  Mga kwentong ang paksa ay halos iisa, at ito ay tungkol rin sa kanyang unang pag-ibig. Na naunsiyami. Na paminsan-minsan, sumisingit sa alaala. O laging nasa gunita, hindi naman nawawala.

Kilig ako sa pakikinig sa kwento ng aking bagong kaibigan. I can relate sa panahon kung kailan ito nangyari (ka-henerasyon ito, kaya kami ang bunga at bihag ng aming panahon, pinaninindigan ang pangako, wika nga), sa kapaligiran (teritoryo ko rin noong araw – Azcarraga, Gastambide, P. Campa, Lepanto), at sa theme song niya na tandang-tanda ko pa ang mga lyrics. 

Strangers in the night, exchanging glances
Wondering in the night; what were the chances?
We'd be sharing love before the night was through
Something in your eyes was so inviting
Something in your smile was so exciting
Something in my heart told me I must have you
Strangers in the night, two lonely people
We were strangers in the night
Up to the moment when we said our first hello,
little did we know
Love was just a glance away, 
a warm embracing dance away
And ever since that night, we've been together
Lovers at first sight, in love forever
It turned out so right for strangers in the night.

Ay, naku, bawat letra at salita sa awit ay parang patungkol talaga sa kanila, ayon sa kanyang kwento, bagaman at hindi nag-turn out so right  tulad noong awit . At kung ilang araw na ang nakaraan mula sa aming pagkikilala, ay hinuhuni-huni ko pa rin ang himig ng nasabing awit. Sinubukan ko sanang isipol ito, dahil, pa-sipol raw ito kung iparinig sa kanya noon sa kalaliman ng gabi (how romantic!) kaya lamang, di na ako marunong sumipol, wala sa tono.

Ito namang dati kong kaibigan ay mahilig ring umawit.  Hindi niya nabanggit ang kanyang theme song sa kanyang unang pag-ibig, bagama’t noong una niyang nabanggit ito sa akin, ang kanyang awit ay There goes my heart, there goes the one I love… Ngunit kamakailan, nagpadala siya ng isang Easter card sa akin na ang background music ay ang awit na My Tormented Heart.  Tunay namang nabagbag ang aking puso sa himig at lyrics ng lumang awiting ito.  Ang wika niya ay naka-move on na raw siya, kaya lamang, paminsan-minsan, naroon pa rin ang sakit sa puso…

Sumandaling tumigil tayo at awitin ito… namnamin… damhin…

My tormented heart cries out I still love you, Though I know you’re gone, Your love lives on and haunts my memory.  My tormented heart, will never forget you, Though you said goodbye, My heart and I refuse to set you free. At the end of every day, All alone I kneel and pray, That someday you will realize that we were wrong to part, And maybe you’ll return and dry the tears that burn in my tormented heart.

(Sa mga kabataan na hindi alam ang himig ng mga awit na inilagay ko rito, magtungo lamang sa youtube. Naroon ang Strangers in the Night ni Frank Sinatra at ang My Tormented Heart ni Sarah Vaughan.)

Ang kwento ng pag-ibig ng dalawa kong kaibigan na ito ay tunay namang pang-Part II ng aklat kong Minsan, May Isang Pag-ibig.  Pero siempre, hindi ko naman gagawin.  Ang kwento ng kanilang pag-ibig ay naisulat na sa bawat himaymay ng kanilang puso. 

2 comments:

  1. Hi Eve:

    Hangga ngayon, nanduon pa rin ang sakit na naramdam ko aa "There Goes My Heart". AT sa Tormented" well, ikaw na ang bahalang umunawa.
    Gusto ko lang na malaman mo na tunay na naka move on na ako. Siempre, merong naiwang alaala.
    Ganuon lang talaga. Hindi mo maiwaksi ang lumipas pero hindi nangangahulugan na hadlang ito sa
    process ng letting go ng buhay ko.

    Bilis naman ng pagkalathala mo ng kwento. Kaya pala wala kang posting sa Yahoo natin.

    Keep up the good work. More power to your writing.

    Ruby

    ReplyDelete
  2. Ang ganda ng "Sampaguita" story. AT happy ending pa.

    Sana, isang araw, magkaroon din ng happy ending ang mga nalalabi ko pang araw.

    Kung sino man yung isa mo pang kaibigan, good luck to her.

    I will wait for the new book, baka humabol sa
    kapaskuhan, aba, magandang pang regalo. Special na regalo sa special na kaibigan.


    Ruby

    ReplyDelete