Sunday, November 27, 2016

The Young Dreamers Club - Liwayway November issue


Magkakaibigan, magkakapatid, magpipinsan, magkakapit-bahay - isang grupo ng kabataan, minsan isang panahon. Sa isang panahon na walang pera sa bulsa. Nagkakasya lamang sa nginangatang babolgam, nagtitiyaga sa kinukukot na nilagang mani o tinatalupan pang butong-pakwan, sa nadenggoy na manggang piko sa kung kanginong puno.

Magkakasama sa kuwentuhan, sa kantahan, sa kantiyawan at tuksuhan at asaran, sa mga pananapatan tuwing magpa-Pasko upang magkapera at nang makasama sa iskursiyon ng baryo, sa pag-ilaw sa santakrusan gabi-gabi para makapag-merienda sa pakain sa mga kadalagahan at kabinataan (kasama na raw sila roon) na pansit o ginatang bilu-bilo, sa panonood ng kanilang koponan kung saan kasali ang dalawa sa barkada sa liga ng basketbol kapag pista ng bayan - isang grupong walang maitatago sa isa't isa, mula sa lahing pinagmulan hanggang sa kalagayan sa kasalukuyan...

Maliban sa mga lihim nilang pangarap sa buhay!

Ito ang Young Dreamers Club. Noon...
















at ngayon... sa dapit-hapon ng buhay

No comments:

Post a Comment