John
Keats poem
Dahil
inaalala natin ngayong Nobyembre ang mga mahal natin sa buhay na nagsilisan na,
narito ang isang Tula ni John Keats tungkol sa kamatayan na nakita ko sa Isang
paghahalungkat.
Ngunit Ito ay higit na patungkol sa mga nabubuhay pa, kaya
nakatuwaan kong isalin sa Tagalog. Isa ito sa mga nakakaugalian ko ngayon, ang
isatagalog ang mga nagugustuhan kong mga "quotations and poems".
Wala
akong sinusunod na regulasyon sa pagsasalin, kumbaga, sabihin nating trip ko
lang. Tulad na rin ng aking karanasan sa pagsusulat ng kuwento at nobela,
"oido" lang. Para ring musika na tenga ang gamit. Madulas bang
basahin, walang hump na kasasagkaan. Malinis na dumadaloy ang mga pangyayari
hanggang dumating sa dulo.
A...
tama na ang pasakalye, narito na ang Tula.
"On
Death" John Keats
I.
Can
death be sleep, when life is but a dream,
And
scenes of bliss pass as a phantom by?
The
transient pleasures as a vision seem,
And
yet we think the greatest pain's to die.
Kung
ang kamatayan ay isang pag-idlip
at
ang buhay ay isang panaginip
Ang
yugto ng galak ay daraang saglit
Ang sandaling aliw ay guniguning lirip.
Bakit
ang mamatay iniisip na masakit.
II.
How
strange it is that man on earth should roam,
And
lead a life of woe, but not forsake
His
rugged path; nor dare he view alone
His
future doom which is but to awake.
Kataka-takang
ang Tao sa sanlibutan
Patuloy
sa pagtahak sa magulong buhay
Ang
mabatong landas ay ayaw iwanan
Takot
na mag-isa na ang bukas ay masdan
Na
gigising lamang sa pagkakahimlay.
Translation by Eve/August 14, 2016
No comments:
Post a Comment