Tuesday, September 30, 2014

That September



The leaves of brown
Came tumbling down
Remember in September
In the rain.

The sun went out
Just like a dying ember
That September
In the rain.

Limampo!  50!  Singkuwenta!

Paambon-ambon noon. Ngunit nakuha pa ring sumilay paminsan-minsan sa pagitan ng mga ulap ang  sikat ng araw ng nasabing umaga. At kinagabihan, bilog na bilog ang buwan  na naglayag sa pisngi ng kalangitan...

Nasa bakasyon ako ngayon.  Bakasyon sa sariling computer na kinaroroonan ng mga blogging materials.  Ang bagong biling computer ay hindi pa kabisado, tiyak na maraming ulit pang "bubunuin" bago matutuhan (hindi matutunan).

Sa buwang Ito ng Setyembre, balak kong maglagay ng dalawang kwento tungkol sa anibersaryo ng kasal.  Isang kathang-isip, at isang... sabihin na nating kathang-isip rin, sapagkat nagmula sa pinagsama-samang ideya ng tatlong tao.  A beautiful concept, executed, manifested!

Narito ang unang kwento.  Anibersaryo sa Piling ng Iba.


Ang ikalawa ay sa susunod nang buwan ng Oktubre dahil  a las onse na pala ng gabi ng huling araw ng Setyembre.  Ngunit ang ikalawang kwento naman ay patuloy pa ring hinahabi, tulad sa isang never ending story... kaya ayos lamang kahit na sa ibang buwan mailathala.


Singkuwenta!  Isang Pasasalamat!





















No comments:

Post a Comment