Tuesday, July 29, 2014

Kaunting Paliwanag sa Kwentong HELEN


Taong 1972 nang isulat ko ang kwento ni Helen.  Nang isalin ko ito sa computer kamakailan upang mailagay sa blog, nang muli ko itong mabasa matapos matago nang matagal, batay sa nangyari sa mga karakter sa kwento, nagdudumilat ang kaibhan ng panahong yaon sa kasalukuyan.  

Tiyak, mapapansin ninyo kaagad.  Sa henerasyon namin, tatango sila at sasabihin, oo nga, ganoon talaga noon.  Ngunit sa mga kabataan ngayon, iba siguro ang sasabihin ninyo, talaga?  ganoon?  Bagaman at ang mga pangyayari sa buhay ni Helen ay nagaganap pa rin ngayon.  Malala pa siguro.  Ang reaksiyon lamang ng mga tao ang naiba.

Kasi ngayon... nagbago na ang lahat... ang paningin at pananaw ng mga tao, ng lipunan... sa mga nangyayari sa paligid... Kung mabuti... o masama ang nasabing pagbabago... kayo ang makapagsasabi.

No comments:

Post a Comment