Tuesday, July 8, 2014

Ang Pangakong Nobela - Sa Sukatan ng Pag-ibig, Sa Timbangan ng Pagmamahal




                    Sa Sukatan ng Pag-ibig, 
              Sa Timbangan ng Pagmamahal


Narito na ang pangakong nobela na muling aakay sa inyo na pagbalikan ang mga sandali at panahong nasa kasibulan ang inyong pag-ibig – 
 

mapalad man kayo rito o sawi… 

nag-iisa man kayo rito o may kaagaw... 

wala man kayong tinatanaw o patuloy na umaasa
na sa dakong huli ay may naghihintay pa ring ligaya.  

Ito ang kwento ng pag-ibig nina -

Cristina.  Leo.  Minda.  Ang klasikong tatsulok. 

Mga nilalang na bihag ng kani-kanilang pag-ibig.  Handang gawin, harapin, yakapin ang anumang pasakit o hilahil, kahit kamatayan, mapatunayan lamang ang kadakilaan ng kanilang damdamin.

Si Glenda.  Ang batang si Glenda ay ang matibay na patunay ni Minda.  Paano ito papantayan ni Cristina?  Ano ang gagawin ni Leo?  

Kung susukatin ang kani-kanilang pag-ibig, kung titimbangin ang kani-kanilang pagmamahal, sino ang nakalalamang?   At kung ang pasiyang ginawa ay naging piitan, saan nila hahanapin ang kalayaan?

O mamamalagi na lamang sila sa tatsulok na walang katapusan…



No comments:

Post a Comment