OKTUBRE
rin
noon, maraming ugnayan na ang naganap sa Klase ngunit sa Pilipinas lamang na
tunay namang kasiglahan ng panahong iyon. Siguro, may mangilan na nagkikita sa
abroad kapag may napupunta roon at kinokontak ang ilang kaiskwela. Pero ganoon
lang, paisa-isa, padala-dalawang ugnayan. Kung nasa LA area sila,
nagkakatawagan kung birthday. Kung nasa Bay area, gayon din.
Ngunit iba nga ang
Oktubre na yaon. Kaming mag-asawa na may dinalaw sa East Coast ay dumaan sa
West Coast. Natural, tulad nang kinagawian, tinawagan ko ang kaiskwelang si
Tess na nasa Daly City. Tuksuhan nga, parang timeshare ko si Tess, lahat ng
nilipatan niyang bahay ay napuntahan ko at natulugan. Ganoon siya ka-generous
sa mga kaibigan.
Pero ano nga ang pagkakaiba? Wari, all the planets aligned
perfectly upang sa buwang iyon ng Oktubre ay available ang marami sa amin na
magkita-kita sa California, sa Daly City, sa tahanan ni Tess, upang magdaos ng
kauna-unahang Ugnayan ng Pilipinas at USA. Ang mga taga-abroad kapag
nagbabalik-bayan ay nakikipagkita sa mga taga-Pilipinas, at minsan ay natatapat
pa at nakakasama sa reunion ngunit bihira iyon. Special Mention lamang ay ang ever reliable na sina Tess at Lettie. Tulad rin ng mga taga-Pilipinas
na pumapasyal abroad na nakikipagkita rin sa ilan sa kanila. Ngunit naiiba nga
ito.
Dalawa kaming taga-Pilipinas, ako at si Claire na
nagkataong nasa US ng Oktubre na yaon. Kasama
rin lagi sa itinerary niya ang pakikipagkita kay Tess kapag nasa California
siya. Sa kaunting komunikasyon, aba, e, bakit hindi tayo sabay na dumaan kina
Tess sa Daly City. Kaunti pang email at tawagan, nakontak na ang taga Hawaii,
Pittsburg, Ohio, Seatle, Florida, LA at iba pang nasa California. At nang pinagpalang araw na iyon ng Oktubre dumating
si Lettie; si Baby, si Linda, si Gerry, si Larry, si Ruby, sina Mon at Aida, ang
mga tagaroon na sina Lou, Angeling at Teresita. Kasama si Tess, kaming tumira
sa kaniyang bahay ay labing-isang lahat dahil tagaroon lamang sina Lou,
Angeling at Teresita.

Tatlo ang bedroom at ang mga ladies ay nagsama-sama ayon sa
dating barkadahan noong high school. Sina Claire, Lettie at Tess; sina Ruby at
Linda, at kami nina Aida at Baby. Samantala, sa sofa bed sa sala ay ang mga
guys, dalawang magkatabi (nagka-develop-an ba?) at dalawa sa sahig na ayaw
tumabi. Pagdating ng umaga, iisa ang bathroom, wow, ang saya!
Mula sa pagsundo sa airport sa mga paiba-ibang oras nang
pagdating, wala nang katapusan ang kuwentuhan at halakhakan. Nariyan si Linda
na nang kinokodakan ay buong taray na nagsabing hey, you! Hindi ko lamang
maalaala kung sino iyong hindi makasampa sa van, na kailangan pang itulak ni
Larry paakyat. Mayroon ding nagtanong sa loob ng kotse na “nagka-crush ka ba sa
akin noong araw?” Na sinagot naman noong guy na “sasagutin kita sa Linggo!”
Ewan lang kung Linggo ng kung anong taon. May sundo namang nagtext nang
tinatanong na baka naligaw at kung nasaan na, ang sagot ay “narito kami sa
pagitan ng dalawang poste.” Masaya… masayang tunay!
Ang highlight ng munting reunion na ito, hindi pa tinatawag
na Ugnayan, ay ang pagdiriwang sa kaarawan ni Tess, ang kaiskwelang maybahay na
aming tinutuluyan. Nagkaroon ng dancing sa isang function room at
nagpakitang-gilas sina Lettie, Ruby, Linda, Gerry at Larry. May nagsabi nga,
akala namin, masakit ang tuhod ni Linda…
Masaya rin ang biyahe patungo sa tahanan nina Lou at
Marcial, Dito ba may hindi makaakyat sa van, kailangan pang tulungan ni Larry?
Inayos ko pa ang seating arrangement, kung sino ang magkakatabi. Bakit? Mayroon
ba kaming pinagtatabi? Tuksuhan lang. Nilusob namin kina Lou ang orchard niya
ng mga persimmons. Enjoy ang lahat sa pamimitas. That was my introduction to
persimmon. Aside from manibalang na cherry, ito ang paborito kong prutas
abroad. At siempre, ang steak na especialty ni Marcial.

The real unforgettable moments ng reunion na ito ay ang
walang tulugan, walang tigil na kwentuhan pagkatapos kumain ng hapunan, walang
aalis sa upuan dahil mapag-uusapan, walang katapusang pagtatalop at
paghiwa ng ihahaing persimmons,
kukuting nilagang mani at samu’t saring reminisences ng high school days. At
ang namumuong balak para sa darating na golden jubilee. Na silang taga-abroad
ay sabay-sabay na uuwi. At hindi lamang iyon, sasali pa sila sa presentation! Presenting the would-be stars of the Golden Jubilee Broadway Show a la Class '53! Lettie from South Pacific, Larry from West Side Story and Baby from Hello Dolly. PA lang po ako.
Marami pang nangyari ng pagkikitang iyon. Karamihan ay nasa
mga larawang kuha ko na tinangay ni Ondoy. Ngunit ang tuwa at sayang naranasan
ay lalaging nasa puso’t diwa ko at sana, sa ibang nakasama ko rin noon, sa
pagsulat ko sa munting salaysay na ito. At ito ang dasal namin sa magkakasamang
pagsimba bago naghiwa-hiwalay.
Salamat, Tess...