Thursday, November 22, 2018

Continuing Throwback 2017 -




Mga Kakaibang Bagay na Napansin...

Sa pamamalagi ko sa ibang pamamahay noon, isang taon na ang nakalilipas, ito ang aking mga napuna. Nakatutuwa rin. Ibig sabihin, kahit paano, may natutuhan.  Order. System. Organization.

Mapalad ako sa pagkakaroon ng isang napagkakatiwalaan, masipag at mabait na kasama sa bahay. Lahat na ay nagsabing "swerte mo" sa akin. Na siempre, sinasagot ko ng "swerte rin n'ya".  Hehe, ayaw padaig. Pero ibig ko lamang sabihin, it takes two to tango.

Tawagin natin siyang Manang. Dahil  kay Manang, naging magaan ang buhay ng aking mga anak. Hindi spoiled, hindi mapanaghili, hindi palautos ang aking mga anak, ngunit nasanay silang walang chores sa bahay. Una, dahil kay Manang, pangalawa, nasa bahay ako at hindi nag-oopisina. 

Hanggang dumating ang panahong umalis ang isa kong anak, nag-aral sa iba, malayong lugar, tumira at nakisama sa ibang pamamahay. Sumapit rin ang panahong nagkaroon ng sariling pamilya at bahay. At nagdaan din sa isipan ko, paano na...

Sabagay, iyan din ang sumaloob ng aking Ina nang ako ay mag-asawa. Ako na hindi marunong magluto, pagsasaing lamang ang alam, paghihiwa ng sibuyas, pag-aalis ng tinik sa ginisang relyenong bangus, paghihiwalay ng dikit-dikit na balat ng lumpia, paghahalo hanggang sa kumulo ng sahog na dugo sa dinuguan para huwag makulta, etcetera. At sa simula ay tanong-tanong, basa-basa, at pagkalipas ng mga dekada, okey naman. Marunong nang mag-embotido, sotanghon at dahil sa internet, kayang-kaya na pati bellychon. May panahon pa ngang pati chocolate at chiffon cake, fruit cake, at paggawa ng hamon, ginagawa ko. Attitude towards work, iyon lamang ang importante. At iyon marahil ang naipasa ko sa aking mga anak. 

At Ito ang aking nakita sa paminsan-minsang pagbisita ko at pamamalagi sa pamamahay ng aking anak. Order. System. Organization.  Sabi ko lang, huwag sobra. Baka OC na... 

Walang kasama sa bahay ang aking anak at ang kanyang mga anak. Hindi katulad niya at ng kanyang mga kapatid sa kanilang paglaki. At doon ko nakita ang aming pagkakaiba. Tinuruan niya ang kanyang mga anak ng mga gawaing-bahay. Sa murang eded. Marunong na ang mga Ito na magluto, maglinis ng bahay, maglaba at mag-ayos ng kanilang mga gamit. Bukod sa pag-aaral, homeschooled ang mga Ito, marami pa ring activities ang mga bata - like singing sa church choir, running sa 5K, swimming at later coaching ng other kids sa swimming, ballet, monthly leadership seminar, speech and debate tournaments at homecrafts, like sewing. 

Inisip ko lang, ano ba ang ginawa ko noon sa kanila? Summer painting kay Mr. Sena sa MCLI, swimming under Efren at Nelia sa Sports Center, judo sa Cubao. Piano sa bahay at sa Yamaha, ballet,  speed reading. Ngunit walang gawaing-bahay maliban sa setting the table at washing the dishes, utos-utos sa tindahan ni Aling Cely sa kanto  sa panahon ng  pagbabakasyon   ni  Manang. Wala nang iba.

Kaya sa aking maikling pagbabakasyon sa bahay ng aking anak, ako ay nalugod sa mga nakita sa kanyang pamamahay. Narito ang Ilan...

Sistema sa paggamit ng washing machine...















Homeschooled children studying...















Petite fille cooking the chicken...















Les poulets                        















another apo washing the dishes...















and roses every now and then...
pink...














red...














yellow...














and rice, vegies, beef and wine combi for dinner!















which is but natural in a half-Filipino household!

1 comment:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete