Sunday, April 24, 2016

Ilan Pang Komentaryo sa Time Machine


I

Ilan Pang Komentaryo sa Time Machine.
 
May nag-email sa akin, isang kaibigang nasa abroad na nakabasa ng kwentong kalalathala sa Liwayway, ang "Time Machine sa SMS". Isang kaiskwela raw niya ang nakabasa rin nito at ngayon ay iniimbitahan siyang sumakay sa time machine. Ang tawa raw niya! Uyyy!
 
Na sinundan pa ng isang tinanggap niyang balita na isa pang kaiskwela ang nagrereklamo naman na bakit chocolate lang ang pasalubong sa kanya at walang pistachio at walnuts. Tuloy ipinakisabi niyang wala naman talaga siyang pasalubong na pistachio at walnuts. May nagbibigay sa kanya nito noon, a long time ago. Another time machine?
 
Kasunod pa nito ay isa pa ring kaibigan ang tinawag siyang "Irene" sa Facebook.  Irene ang pangalan ng bida sa kuwento. Ano ba 'yan, ang tangi niyang nasabi na sinundan ng sabing "Eve, magsulat ka pa. Marami kang pinaliligayang tao!"
 
Ay, salamat naman at nakapagpapaligaya ako...

3 comments:

  1. Ilang ulit ko nang binasa ang Time Machine pero hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako. Sumakay na Lang Kaya ako sa ibang Time Machind, baka mas masaya duon😄 Kailangan pa kaya? Mabuti seguro eh isama kita para may mag take notes. Baka kasi Kung minsan iba ang intindi. Kung kasama ka, aba eh ang tinik mo kaya!
    Sobrang naaliw ako sa kwentong ito. Kailangan talaga na magsulat ka pa. At Eve, yung bagong libro, inaabangan ko na. Pakibilisan😄❤️

    ReplyDelete
  2. Sigi Eve, nagsulat ka ng is a pang Time Machine at baka this time, sasakay na ako. Circa 1953 Malay mo baka ma bigyan pa kita ng chocolate and pistachio na pudge mong I share Kay Claire.😄😄♥️♥️
    Sampung ulit ko nang nabasa ang Time Machine, biglang may sumagi sa isip ko. Parang may kulang.

    ReplyDelete
  3. Nag order na rin ako ng promo mug. Gusto ko sanang bigyan sina Lor pero Wala akong exact address niya.

    ReplyDelete