Wednesday, July 22, 2015

Nasa Google ang Sagot


NASA GOOGLE ANG SAGOT



Tag-ulan naman at malamig, siya'y  init na init!

At kabado  ang dibdib sa daloy na tagilid.



May sumpong si Mommy, tayo'y tumabi-tabi

Tumataba kasi, baywang ng palda'y may perdible.



Sakit ng ulo ay madalas, kaya buhok daw niya'y nalulugas

At di alam ang gagawin, hinahangin tuwing makakain.



At minsan ay naulinigan, reklamo sa kanya ni Tatay

Sa kanilang pagtulog, lagi itong  nakatalikod.



Sa harap ng mga problema na kaharap  ng pamilya

Agad kong kinunsulta, Internet at Google, ano pa?



Hot flashes at  period skipping, 

Weight loss and moods swinging,

Hair loss at  bloating feeling,

At libido decreasing.



Ay, Mommy...danas iyan ng mga babai

Relax ka lang at relax na rin kami,

Paglipas niyan balik tayo sa dati,

Isang pamilyang hapi-hapi.

No comments:

Post a Comment