Wednesday, December 31, 2014

Mapayapa, Manigong Bagong Taon


Disyembre 31, 2014,  8:03 ng gabi

Sa pamamaalam ng taon, habang naisisingit sa gitna ng paghahanda ng pansalubong sa 2015 ang pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng celfone sa mga kaibigan at kaanak, ito ang naisipan kong gawin:

ang sipiin ang isang saknong ng tula sa SONG ni Robert Browning, ang bahagi tungkol kay Pippa, sa PIPPA PASSES.

Lubha ko itong nagustuhan na naisipan ko tuloy na isalin ito sa tagalog.  Marahil ay hindi ito tugmang-tugma, ngunit nasiyahan na ako, may kanti na ito sa aking dibdib at hindi naman siguro ito mamasamain ng sinumang tagahanga ni Robert Browning.  

At ito ang ipinadala kong text message sa mga kaibigan at kamag-anak, bilang pagbati sa Bagong Taon, na ngayon ay gagamitin ko rin sa mga kaibigan sa internet:

"Ang panahon ay nasa tagsibol
Ang araw ay nagsimula na
Ikapito ang oras ng umaga;
Tigib ng perlas na hamog ang burol;
Nasa pakpak na niya ang ibon;
Sa sanga ay umuusad ang kuhol;
Ang DIOS ay nasa langit -
Nasa mabuting kalagayan 
Ang lahat sa daigdig."

Na sinundan ko ng Mapayapa at Manigong Bagong Taon!

Pag-asa!  Pananalig!  Iyan wari ang mensaheng ipinararating nito.  At iyan ang hangad ko sa lahat ngayong Bagong Taon.

Sapagkat ako ang naunang nagpadala ng pagbati, iyan din naman ang naging hangarin ng mga sumagot sa akin.  Narito ang ilan sa mga nakatutuwa nilang balik na kasagutan sa celfone:

-Rufing: Galing Eve, masagana at masayang Bagong Taon sa inyong angkan... ang pinadala mong tula, mas maganda kung may kaharap tayong alak at musika. BANG!  (Rufing, hanggang Asti lang ako!)
-Totek: Maraming salamat sa pagdala mo sa burol dahil nasilayan ko ang bukang liwayway na silahis nga ng bagong pag-asa alay sa ating lahat. (nasa burol naman ang Balara, di ba?)
-Tony C: Tunay kang makata, Manigong Bagong Taon sa ating lahat. (Di po ako ang may katha noon, isina-tagalog ko lang!  Pero, salamat din.)
-Lito: Hi ninang. andto na po ba kau s ating bansa? Tagsibol kc. Inimbita ako ni Bot sa reunion eh nakita ko c Bentong nangunguha ng kuhol. (Pakisabi kay Bentong, di kinakain ang kuhol na iyon.)
-Ding: dacal pong salamat sa napakahusay na manunulat... happy new year... (di po ako ang may gawa nuon)
-Arlene: Ganda! Malipayon ug Mabungahon g Bag-ong Tuig sa tanan!!!  (Taga-Siargao ka na talaga!)
-Emyfler: Tunay na manunulat lamang ang maaaring magsalarawan ng pagdating ng Bagong Taon gaya ng isinulat mo! (salamat po, manunulat man ako ay hindi ako gumawa noon, tinagalog ko lamang.)
-Selly: Gayon din sa inyo. Salamat. Hindi ko kayang tumula kaya= MANIGONG BAGONG TAON AT MALUWALHATING PAGSALUBONG SA 2015 (ay, di ko mahanap sa aking computer ang mga inilagay mong yen, pound signs!)
-Gloria: Napaka magandang pagbati na aking natanggap. pagpalain kayo palagi sa mga darating na panahon, mahal na kaibigan. (Salamat sa hinahangaan naming soprano ng Tribung Pinoy.)
-Connie: Jesus came and was called the dayspring from on high.  Whosoever believes in Him will flourish and bear fruit of righteousness even in old age. May each day of the coming year be filled with His love, His joy and His peace for you and us and for everyone.  Happy New Year! (And to that, I say AMEN!)
-At iba pang pagbati mula kina Emma, Cely, Luvy, Zeny, Joe, Leah, Cecile (Salamat at Manigong Bagong Taon sa ating Lahat.)

HAPPY NEW YEAR!