Friday, March 28, 2008

EVEN THE FALLING OF A LEAF...

EVEN THE FALLING OF A LEAF…

Almost two decades ago, I attended a seminar where something the lecturer said, kept me thinking. And wondering.

She said that everything in the universe is connected. Anything that happens somewhere somehow affects something else in some other place. Like a pebble thrown in the water that sends ripples and ripples and ripples...

Even the falling of a leaf, she said and told the following story that sticked to my mind and that I became so fond of I kept retelling it to others who care to listen, unmindful of whether they believe the tale or not. I like it, incurable romantic that I am...

There was this caterpillar, creeping its merry way deep in the forest. Wherever it was going, it knew that it was almost there. When suddenly, the wind blew and leaves fell. One particular leaf landed in front of the caterpillar. Immediately, the caterpillar changed its direction and crept over a log lying in its path.

Almost at the same moment, a man stopped in front of the log. Seemingly tired, the man sat on the log and unknowingly crushed the caterpillar.

When the man got home, he found out about the stain in his pants. He then brought this pair to the laundry shop and there met a young lady who later on became his wife.

Out of this union was born a son who became a president of the United States, Richard Nixon.

Even the falling of a leaf…

Like cause and effect…

Like everything that happens has a purpose… for us… or for other people… that we may understand…

Like the next kwento in my blog this April…

Abangan!!!

Tuesday, March 25, 2008

COMMENTS AND FEEDBACK – MARCH 2008

COMMENTS AND FEEDBACK – MARCH 2008


GA’NONG PORSIYENTO NG PAGMAMAHAL?

I would say i'm a Connie but trying to become more of
an Aida. Dahil sa upbringing yon. Yon ang turo sa
amin, not to spoil the other party ... baka mawili.
But then again biblically we are taught to love others
as we want to be loved. I want to be spoiled,
therefore, I should spoil others too.
Loved this story because of it's relevance and lesson.
We all can learn from Aida... and if we do, we have
the power to change the world... From W.

(I think that it is a rare woman who would be a hundred percent Aida in our real world. Perhaps, we’ll compartmentalize. In some areas, we would be Aida. In others, a Connie. As long as the significant other is happy…)

Ang mga inaasam natin sa buhay bilang tao
ay hindi tulad ng kina Chipmunk at Beaver...
At di tulad nila, tayong mga tao ay may ibang "arithmetic"...
Subalit hindi pa huli ang lahat.
Maaari pang baguhin ang kwentahan..
At marahil, maraming mga kwento ng ating puso ang mababago rin. From G.

(I like your story of the chipmunk and the beaver. The beaver who loved the chipmunk so much that he desired to hold and touch him but could not for he was not capable of it. The only thing the beaver could offer was a ride on his tail. The chipmunk acknowledged this desire and accepted it by the only measure of love he could offer, too, and that was to ride on the beaver’s tail. Yes, it’s so simple. But do we understand how to make it work in our lives? Do we have to compute how many percent we give in our relationship? Iba nga ang arithmetic natin. Modern math?)


I love reading the short stories. I am a born romantic, kaya they all agree with me. Very entertaining. Keep on posting, it gives me a relaxing moment after driving back and forth to the dialysis center. THREE TIMES A WEEK. THANKS FOR THE BIG BREAK. LOVE TO ALL. From J..

(I’m so glad you like it. This inspires me to keep on blogging.)


I am enjoying your kwento pero si Oscar ay tamad magbasa kaya’t kinikwento ko sa kanya ang storya. Itinanong ko tuloy sa kanya kung ilang porsiento and kanyang pagmamahal sa akin. Alam naman ang isasagot - 110% daw. From L.

(Ha, ha, ha, alam nga ang isasagot!)

Is it possible to put a percentage on love? How about just showing it thru attention and affection? Keep on sending those stories. Just like McDonalds ad
- "I am loving it". Maybe you will send a story that I can relate to? From GG

(Just you wait and see…)

I love your stories and agree that they have to be shared with today's and future generation as it soooo different now. I wish Project 8 has access to your blog kaya lang wala silang computer.

also, i wish your son will do more reproduction of Tampuhan and sell at reasonable price. From N.

(To have my stories be read and enjoyed by somebody like you, big deal na ito! Thank you.)

Napakagandang wakas ng isang pagmamahalan. Walang porsyento ang pagmamahal, magagandang alaala ang ating isipin. From E.

(Sa totoo lang, anumang porsiyento ang ating pagmamahal, ang mahalaga sa lahat ay ito: Kung dumarating ang panahong nababawasan ang nasabing porsiyento ng nadaramang hinanakit o sama ng loob, na karaniwan nang nararanasan sa buhay ng mag-asawa, ang kailangang gawin lamang ay ang pagbalikan ang magagandang alaala ng nakalipas na “courship days” kung saan 110% siguro ang pagpapadama ng pagmamahal sa isa’t isa. Di ba?)

Naku aliw na aliw kami ng kapatid ko na nagbabasa ng mga kwento niyo.
Sadya talagang napakahusay niyong sumulat. Walang kakupaskupas ang mga kwento niyo. Kumbaga ay 'classic'. Tunay na maipagmamalaki. From D.

(Ay, salamat at nakapagdudulot naman pala ako ng aliw! Malaking bagay na sa akin na kayong mga nariyan sa ibayo ng dagat ay gusto pa ring nakababasa ng mga kwentong Pinoy. Sige, sabihin pa ninyo sa iba para kahit paano, maging instrumento man lamang ako sa patuloy ninyong pakikipag-ugnayan sa isipan at damdaming Pilipino.)

Na-inspire 2loy akong magsulat ng kwen2 ulit. From E.

(Go for it. Huwag sayangin ang God-given talent. Editorial staff pa naman, at talagang may angking kakayahan sa pagsulat.)

Enjoyed the kwento. From B.

(Enjoyed more your calling me “hip”)

Again, a very beautiful love story with a lesson to boot!
My personal opinion? For boyfriend/girlfriend, the % should be 50/50.
But for husband/wife, it should be 100% both ways.
Ah. ewan...ano ba ang malay ko! From E.

(Ano’ng malay mo? Look back, dear E. How did you feel then?)

Haplos nang pababa !!! Ay sa likod pala, he he he. sorry, Easter pa naman. HAPPY EASTER, na lang sayo From C.

(Am reproducing the last paragraph of the kwento that elicited said comment:

Dahan-dahan, lumapit ako kay Bien. Alanganing idinantay ko ang aking kamay sa kanyang likod, inihagod ang palad pababa, payapos sa baywang.

Inuulit ko, hagod sa likod, pababa, payapos sa baywang.)

Wednesday, March 19, 2008

GA'NONG PORSIYENTO NG PAGMAMAHAL? Katapusan

GA’NONG PORSIYENTO NG PAGMAMAHAL – Katapusan


PAG-IINGAT lamang ang ginagawa ko sa palagayan namin ni Bien. Huwag siyang palayawin sa aking pagmamahal at pagsunod, upang lagi niyang magunita na kailangang ipagpatuloy niya ang panunuyo, kahit kami ay mag-asawa na, na sa kanya manggaling ang pag-aalaga sa aming pagsasama. At sapagkat talaga ko naman siyang mahal, natitiyak kong magiging mainam ang aming palagayan.

Makaraan lamang ang anim na buwan ay sumunod nang napakasal sina Aida at Roy. At ako naman ang naglagay ng tanong sa tarheta ng aming regalo. Any second thought about the 100%? Kung nagbago na siya ng loob tungkol sa pormularyo niya sa mabuting pagsasama.

Na sinagot naman niya ng I want it that way. Iyon ang nais niya. Iyon ang gagawin niya.

At naisaloob ko, gaga!

Sa kabila ng lahat, lagi pa rin kaming nagkikita-kita, nagdadalawan sa kani-kanyang bahay. At nakita ng aking mga mata ang patunay ng sandaang bahagdan na pagbibigay ni Aida.

“Sayang naman ang suweldo mo, Aida. Hindi mo naman kailangang tumigil sa pag-oopisina,” sinabi ko sa kanya.

Umiling si Aida. “Nanghihinayang din ako, Connie, ano’ng akala mo. Pero gusto ni Roy.”

“Gusto ni Roy!” Nagsiklab ako, na parang ako ang pinapaghinto ng pagtatrabaho.

“At gusto ko na rin,” agaw niya. “Nang mapag-isip-isip ko ang lahat. Lumalaki ang mga bata, panay katulong ang mga kasama. Mabuti ang mga anak mo, ang bahay ninyo’y katabi lang ng bahay ng nanay mo. Walang problema.”

Doon natapos ang aming pag-uusap. Ngunit hindi doon natapos and aking pagkainis. Sa aming pagkukuwentuhan ni Aida, madalas niyang mabanggit na kung nagkakatampuhan sila ni Roy, siya, si Aida, ang laging unang bumabati. Lalo’t alanganin kung sino ang talagang may kasalanan.

“Kung alanganin, lalong hindi ako ang mauunang bumati,” ang sabi ko. “Pag nawili iyon, hindi na aamin kahit na siya ang talagang may sala.”

Tumawa is Aida. “Iyon naman ang maganda sa aming pagsasama, Connie. Kung talagang siya ang nagkamali, siya ang lumalapit.”

“Mabuti naman.” Alanganin akong maniwala. Si Bien, kahit na garapal nang siya ang nagkamali ay hindi naunang lumapit sa akin. Kung sabagay, hindi pa rin naman nangyaring nauna akong lumapit sa kanya.

Ang aming pagtatampuhan ay laging natutuloy sa walang imikang pagsasalo sa pagkain, magkatalikod na paghiga sa kama, na tumatagal nang kung ilang araw. Karaniwan nang ang aming pagkakasundo o pagsisimulang mag-usap ay nangyayari lamang dahil sa pakikipag-usap sa mga bata o sa biglang pagdating ng panauhin o sa pangambang mapuna ng mga kasambahay, ng aking mga magulang sa kabilang bahay. Ngunit nauna man ako o si Bien na magsalita ay hindi rin mahalaga sapagkat wala roon ang katunayan ng pag-amin ng pagkakamali.

Minsan, itinanong ko kay Aida. “Bakit ka ganoon, Aida?”

“Mahal ko si Roy,” ang sagot.

“Mahal ko rin si Bien,” ang wika ko.

Nag-isip si Aida. “Sabihin na lang natin na ganoon akong magmahal. At iba naman ang iyong pamamaraan."

Napatango ako. “Marahil nga. Magkaiba tayo.” Ngunit alam ko, sa ubod ng aking sarili, na magkapareho lamang kami. At ng lahat na ng mga babae, marahil. Ang magmahal at ipakita ang pagmamahal ang kaganapan sa amin. Kaya lamang, ang lahat ay ginagamitan ko ng isip. Kung paanong ang puso ang pinagagana ni Aida.

“Basta maligaya naman kayo ni Bien, walang problema. Tulad namin ni Roy,” dito natapos ang usapan namin ni Aida.

SI ROY. Nasa probinsiya kaming mag-anak dahil sa namayapang ina ni Bien nang maaksidente si Roy. At di na nagkamalay, tuluyan nang binawian ng buhay. Nang umuwi kami at napag-alaman ang lahat ay araw na ng libing ni Roy, sa lalawigang karatig ng lungsod.

“Wala na si Roy, akalain mo,” may kahalong buntung-hininga ang sinabi ni Bien.

Hindi ako kumibo. Ang naalaala ko ay si Aida. Ang mapagmahal, mapagbigay na si Aida. Kaawa-awang Aida. Wala na si Roy. Kay sakit marahil ng kanyang nadarama. Siyento porsiyento, mapait ang mga kataga sa aking bibig. Ibinigay niya ang lahat. Ang kasukat na hapdi ay dadalhin niya ngayon sa pagkawala ni Roy.

Sa sementeryo na namin inabot ang libing at sa bahay na namin nakausap si Aida. Ang hapis at luhaang si Aida na pagdaka’y yumakap sa akin.

“Wala na si Roy, Connie. Wala na,” ang bulong niya at di ko napigil ang mapaluha. Umiyak ako sa matinding awa sa kanya. Ang luha ko’y di para lamang kay Roy, kundi higit at lalo para sa kanyang naiwan.

Nang pumayapa nang lahat ang aming mga loob, saka lamang kami nagkausap nang mahusay. “Kung anuman ang iyong kailangan, Aida, nakahanda kaming tumulong,” ang sabi ni Bien na kaagad namang natunugan ni Aida ang kahulugan.

“Salamat, pero walang gaanong problema sa bagay na iyan. Makapag-oopisina naman ako. May tatanggap pa naman yata sa akin, kinausap ako ng hepe ni Roy.”

Bigla, naalala ko ang sinayang na panahon ni Aida sa ginawang pagtigil ng pagtatrabaho. Ang paninisi, kahit sa sarili, ay iwinaksi ko. “Huwag kang masyadong mag-iisip. Tanggapin mo nang maluwag ang nangyari. Kalooban ng Diyos. Kapalaran.,” ang payo ko naman.

Noon ngumiti si Aida. Isang ngiting nagbigay ningning sa mugto niyang mga mata. Ngiting humawi sa lungkot ng kanyang mukha. Isang napakagandang ngiti.

“Masakit nga, Connie, ngunit tinatanggap ko ang lahat. It was a life well spent. Natanggap niya ang lahat nang maibibigay ko sa kanya, kung paanong naging akin ang lahat nang maipagkakaloob niya. Dala niya ako sa kanyang pagyao. At siya ay narito sa akin ngayon. Sa aming pagbibigayan ay naging iisa lamang kami. At ito ang tungkod na aakay sa akin sa pag-iisa sa hinaharap. Ang mga alaala. Ang marami, magagandang alaala.

NAKABALIK na kami ni Bien ay laman pa rin ng aking isipan ang mga sinabi ni Aida. Ang kabuuan ko ay ginugulo ng mga tanong. Ano? Ano ang mga alaalang maiiwan sa akin, ang tungkod na aakay sa akin, kung sakaling dumating sa buhay ko ang sinapit ni Aida?

Nang malinawan ko ang kasagutan ay sinakmal ng takot ang aking puso. Sapagkat wala. Wala. Ang pansariling kasiyahan na nadarama ko sa aming pagsasama ni Bien ay huwad lamang. Sapagkat ako’y huwad. Ako ang nagsasayang ng panahon.

“Bien…”

Hindi kumilos sa pagkakatayong nakalikod sa akin si Bien, ngunit sumagot din. “Bakit?”

Mahal kita, Bien. Mahal na mahal, nais kong sambitin, ulit-ulitin, ngunit walang katagang namulas sa aking mga labi na sanay sa pagkapinid at naaasiwang bumigkas ng gayong pananalita.

Dahan-dahan, lumapit ako kay Bien. Alanganing idinantay ko ang aking kamay sa kanyang likod, inihagod ang palad pababa, payapos sa baywang.

A, matututo rin ako.


Liwayway, Oktubre 08, 1973

Wednesday, March 12, 2008

GA'NONG PORSIYENTO NG PAGMAMAHAL? Unang Yugto

GANONG PORSIYENTO NG PAGMAMAHAL? Unang Yugto

ALIN, hoy, hindi na. Siyento porsiyento? Tama na sa akin ang 70/30.

Ibinagsak ni Aida ang hawak na libro sa ibabaw ng hapag. Hilakbot kunwari, nandidilat ang mga matang inulit sa akin. “Seventy-thirty? Ano ba ‘yan, partihan ng ani ng palay? At komo ibang klaseng partihan iyan, siyempre, ang trenta lang ang sa iyo,” ang usig pa.

“Okey,” ang pagbibigay ko. “Gawin nating sixty –forty.

Umiling-iling si Aida. “Talagang hanggang doon ka lamang? Tanungin mong mabuti ang iyong sarili. Damahin mo ang iyong puso. Gaano mo siya kamahal? Gaano mo maibibigay ang iyong sarili, ang iyong paglilingkod sa kanya?:

“Paglilingkod? Bakit, hindi naman niya ako atsay. Kung katulong ang kanyang kailangan…”

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin,” agaw ni Aida. “At alam mo kung ano. Siyempre, asawa ka, may mumunting pangangailangan ang asawa mo na maaaring gawin ng katulong pero magiging mas masarap kung ikaw ang gagawa para sa kanya. Tulad nang…”

“Pagtitimpla ng kape para sa kanya,” nakalabi kong sambot. “At paghahanda ng isusuot pagkatapos maligo. Saka pag-aabot ng tsinelas… pag-aabot? Ay, nungka! Hindi,” umiling ako.

“Kahit gusto niya ang ganoon. At gusto mo rin. Mahalaga iyong gusto mo rin.”

“Kahit gusto ko rin,” matigas kong sagot. “Madaling gawin iyon, Aida. Pero hindi ko gagawin. Baka maging spoiled. Karaniwang nangyayari iyon.”

Nakangiting pinagmasdan ako ni Aida. “Talagang iyon ang dahilan?”

Kumumpas ako. “At ang pinakamahalaga. I don’t want to lose my identity. Kapag masyado mong minahal ang isang tao at ipinakita mo sa lahat ng bagay kung paano mo siya kamahal, may nawawala, o nababawas sa iyong sarili.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Aida. “Sa palagay ko’y alam ko kung ano ang tunay na dahilan, Connie. Definitely, it’s not that matter of losing one’s identity. Ang layo n’on…”

“Ano man iyon,” naiinis kong agaw, “natityak kong di mo alam at di kailanman malalaman…”

Ang walang kuwentang usapan na nagmula sa tsismisan tungkol sa isa’t isang boyfriend ay nauwi sa isang mabigat na diskusyon. Iba na ang himig ng mga salita ni Aida at ako naman ay inabot na ng inis. Sa kagustuhan kong matapos na ang lahat ay tumango ako. “Okay, shoot. Kung alam mo, sabida.”

Napatawa nang malakas si Aida. “Buweno, sabihin na lamang nating hula. O isang opinyon. Kung mali, e, di mali. Tapos ang salitaan.”

“Naghihintay ako,” patianod ko.

Matagal-tagal din bago sumagot si Aida. “Alam mo, Connie, ang totoo, kapag masyado mong minahal ang isang lalaki, o ipinakita mo kung gaano mo siya kamahal, ay siyento porsiyentong ibinibigay mo ang iyong sarili sa kanya, na halos masisilip na niya ang iyong kaluluwa. Sa madaling-sabi at sa iisang salita, vulnerable ka. Kayang-kaya ka niyang saktan. Ang damdamin mo’y maaaring maging laruan sa kanyang mga kamay kung gugustuhin niya. At iyan ang ayaw mong mangyari. Ang malagay si Kulaspiro mo sa posisyong nakalalamang sa iyo. Kaya, ang sixty-forty mo, Intiyende? “ Nakangisi, hindi nakangiti si Aida.

Hindi ako sumagot. Sa halip, tiningnan ko ang aking relo. “Tama na, Aida. Malapit na ang time. Baka tayo ma-late na naman.”


HULI
na marahil, ang naisaloob ko, sabay sulyap sa katabi kong nagmamaneho ng kotse. Walang alis ang mga mata nito sa dinadaanan ng sasakyan. “Abutan kaya natin?” tanong ko.

Dumiin ang paa sa accelarator. Hundred and fifteen, nabasa ko sa speedometer. May naligaw na kaba sa aking dibdib. Naalaala ko si Aida. “Relak lang, Bien. Ayoko pang mamatay…” ka, ang tangka kong isunod, na hindi ko nagawa, dahil di ko kaugalian ang ganoong pagsasalita. Sa isang saglit na di ko paghuma, nakasingit na si Bien.

“Ayaw mo pang mamatay, pero ako, pwede na.” Ang tawa nito sa dulo ng mga sinabi ay hungkag.

Napasandal ako sa kotse na parang kunwa’y nanghina. “What a dreadful thing to say. As if, sa palagay mo, wala nang kuwenta sa akin kung may mangyari sa iyo. Na di ko daramdamin kung mawala ka sa king buhay. Parang duda ka na mahal kita.” Tumagilid ako ng upo, hinarap si Bien.

Kumibit ang balikat ni Bien. “Bakit, mahal mo ba ako?”

Mariin ang aking sagot. “Magiging asawa mo ba ako kung di kita mahal? Pitong taon na tayong kasal, hindi mo pa alam?”

Hindi sumagot si Bien, pero bumagal nang bahagya ang takbo ng kotse.

SI BIEN ang Kulaspirong tinatawag ni Aida noong panahong nag-aaral pa kami sa kolehiyo. At Iskaryote naman ang tawag ko sa nobyo niyang si Roy. Iyon ay kung kaming dalawa lamang ang nag-uusap. At lagi kaming magkausap sa dahilang magkasama kami sa kasera, bukod pa sa magkaklase sa kursong kinukuha sa kolehiyo. Ang nakapagtataka sa pagiging matalik naming magkaibigan ay ang pangyayaring halos magkaibayo ang marami sa ayaw at gusto namin sa buhay. Paborito ko ang hasmin, ang kanya naman ay sampagita. Patay siya sa fried chicken, ako nama’y allergic doon. Ang tipo ng lalaking gusto niya ay ganire, ang tipo ko naman ay ganoon. Kapag nag- asawa raw siya at pinapaghinto siya sa pag-oopisina, hihinto siya. Ako, subukin akong patigilin sa bahay, naku, ewan. Ang pinaka sa lahat ng aming pagkakaiba ay ang tungkol sa sixty-forty ko at sa siyento porsiyento niya.

Nauna kaming ikinasal ni Bien. At nakasulat sa tarhetang nakadikit sa regalo ni Aida: Marahil ay susubukin mo ang siyento porsiyento. Na sinagot ko ng thank you card na fifty-fifty siguro.

Fifty-fifty. Para sa sariling pag-iingat. Totoo ang sinabi ni Aida noon. Ayokong maging vulnerable. Maging bukas sa mga pasakit. Nais kong ako ang malagay sa katayuang nakatitiyak sa relasyon. Ako ang may hawak ng nakalalamang na kamay. At ito’y sa pagkukubli ng tunay kong damdamin.

Pagkatapos ng pulut-gata, madalas kong mapansin na tinititigan ako ni Bien. Na kapag pinansin ko ay nauuwi ang sagot sa maraming tanong. “Mahal mo ba ako, Connie?”

Ngingitian ko si Bien. At sasagutin. “Siyempre.” Pero sa pagkakayapos niya sa akin sa pagkakaupo naming magkatabi sa sopa ay hindi ako kikilos.

“Gaano mo ako kamahal?” ang kasunod pang tanong.

Kikibit ang aking balikat. “Mahal na mahal.”

Sa lahat ng tanong, ang mga tamang sagot, ngunit napansin ko, waring hindi palagay ang loob ni Bien. Waring may hinihintay pa siyang sabihin ko, o gawin kaya. Na marahil, kung sasabihin ko na mahal, ito’y sasabayan ko ng yakap o halik. Na talaga namang gusto kong gawin, pinipigil ko lamang. Sapagkat iyon ang aking gustong mangyari. Na hindi siya makatiyak sa akin. Ang nakatitiyak ay nagiging pabaya. At nagsasawa. Ilan sa mga kakilala namin ni Aida ang may sinapit na ganoong pangyayari.

Kapalaran nila, sabi ni Aida.

Katangahan, ang sambot ko naman.

(Sino ba ako, si Aida o si Connie?
Sino ka ba? Sino ba ang iyong kabiyak?
Abangan ang huling yugto.)

Friday, March 7, 2008

How Much do I love You

How Much do I love you…


How much do I love you,
I’ll tell you no lie,
How deep is the ocean,
how high is the sky…

Kamakailan, sumakabilang-buhay ang isang kabarkada sa kolehiyo, na asawa ng isa ring kabarkada. Matagal na kaming nagkahiwa-hiwalay ng landas ngunit muling nagkatagpu-tagpo nang naging aktibo ang grupo sa pang-iimbita ng isang naging multi-milyunaryong kaiskwela.

Masaya ang grupo kapag nagkikita-kita, laging pinagbabalikan ng tanaw ang maliligayang araw sa unibersidad – Ang flag ceremony tuwing Lunes sa may quadrangle, na laging tinatapos ng banda ng kolehiyo sa tugtog na “Cherry Pink and Apple Blossom White”. Ang CPA review na kung minsan ay nauuwi sa pamamasyal sa Luneta ng barkada, sakay ng owner jeep ng isang Chinoy na kaiskwela (iyong naging milyunaryo). Sikat noon si Pat Boone. At ang kanyang Oh, oh, oh Bernadine…Ang tuwina’y pamamayagyag ng mga kandidato ng kolehiyo sa CPA exams (na sa kasamaang-palad, kung ilang beses munang kinuha ng ilan sa amin bago naipasa). Ang mga class outing namin sa Ja-Le Beach…

Ngunit nitong taong ito, nalagasan nga kami. Nilisan na kami ng isa. Nang tawagan ako tungkol sa bagay na ito ay nagkataong marami akong kompromiso at hindi agad ako nakadalaw. Huling araw na nang paglalamay nang ako ay nakarating. Kaibigan ko at malapit sa akin ang kabarkadang maybahay ng yumao at agad siyang naluha nang ako ay makita. Ngunit makailang saglit ay huminahon na siya at nakipagkwentuhan sa akin. Ikinuwento ang mga huling sandali sa buhay ng kanyang asawa na aming kabarkada.

Kilala ko nga ang nabiyuda na isang babaing very sensitive, mababa ang luha, emotional. Ngunit nang mga sandaling iyon, hawak niya ang kanyang sarili, in control, siya ang kinakausap ng pamilya sa mga disisyon. Alam ko, sa kanyang pag-iisa, saka niya madarama ang matinding pangungulila, ngunit alam ko ring makakayanan niya ito dahil marami siyang magagandang alaalang mapagbabalikan.

At naalaala ko tuloy ang isa kong lumang kuwento. Ang “Gaanong Porsiyento ng Pagmamahal?” na inilathala ng Liwayway noong Oktubre 8, 1973.

Kapag nag-asawa ba ang isang tao, gaanong porsiyento ng kanyang pagmamahal ang dapat iukol sa kanyang kabiyak?

Ako ba, gaanong porsiyento ang ibinigay ko? Ang ibinibigay ko?

Kayo ba?

Saturday, March 1, 2008

Comments and Feedback

Comments and Feedback


- I like it tita. Keep on posting... (and keep on reading…)
- Naghihintay, nasasabik at nag-aabang na kami ng susunod pa. (marami pang kasunod, huwag kang mag-alala!)
- winner ito! sana everyday may bagong entry para may babasahin ako araw-araw. (twice a week? Pwede…)
- Thanks for doing this, until next blog. (do tell other interested Pinoys)
- may antas ang ating pagkatao kung saan si Dalisay ay ako,
ako ay ikaw; ikaw, ako ay iisa. (kay Anonymous, believe ako sa sinabi mo, sino ka ba?)
- enjoy ako sa pagbasa but I don't have any comments alam mo naman na mahina tayo sa pagsusulat. (basta enjoy ka, okay lang!)
- I enjoyed reading it. Please keep it up. Very entertaining (abangan mo ang iba pang kwento, closer to home!)
- I am downloading the article to a folder in my computer. (that’s fine, kaya pwedeng basahin at balik-balikan)
- Ang galing nyo po talaga Tita Eve! (ay, halatang kamag-anak!)
- Wow believe na believe na ako. (kailan ko ba isusulat ang kwento mo?)
- Kumirot sandali ang sakit ng puso ko. Ang kwentong ito, may kaunting hawig sa aking nadamang pagmamahal nuong akoy teenager pa. (tama si Anonymous. may antas ang ating pagkatao kung saan si Dalisay ay ako, ako ay ikaw; ikaw, ako ay iisa.)
- naaliw ako sa pagbabasa. parang naala-ala ko ang mga panahon nang Mills and Boon pa ang binabasa namin sapagkat romantiko ang kwento. (Mills and Boon kayo, kami ay Emilie Loring noon)
- Beautiful sad story. It reminds me of some of the faces of our classmates expressing shyness yet filled with radiant smiles. (Yes… sad…)
- Crushes, I have a few…….1st n foremost, Ano na nga ba his name? (am glad the kwento made you go back memory lane)
- Kung meron lang tayong ganyang kakulay na pag-ibig nang mga panahong 'yon, sana'y matatalakay mo rin sa mga kwento mo. Meron akong alam, pero…(off limits, alam ko!)
- Tunay ngang kahanga-hanga ang pagibig ni Dalisay, at tunay ding nakakalungkot. (ganyan talaga ang buhay…)
- Thanks for sending this story of Dalisay and Ramon Please continue sending this kind of story. I feel homesick! (Para bang kahawig ng buhay mo?)

I have been writing “kwentos” since the early Sixties, but I could count in the fingers of one hand the number of “fan mail” that I have received. Yet the feedback about my writing was quite good, if I may say so myself. Of course, hindi naman literary ito, but I hope that it is still a notch above the usual romance story. I tried. Kumbaga ay love story with a difference.

No fan mail, but I do have hordes of “tagahanga” among the Tabang, Guiguinto and Sta. Isabel, Malolos folks (panay kamag-anak!). And of course, mga kaiskwela at kapit-bahay at kasama sa dormitoryo. Na laging nag-aabang ng aking mga kwento. At ako’y ipinagmamalaki sa tuwina – writer ‘yan! (Kuno...)

My first fan mail came from Cagayan de Oro city, from a teacher in Pilipino at the Xavier University. She told me she was using my kwento and nobela which was then being serialized in Liwayway in her teaching the national language. Siguro, sa creative writing.

Another fan mail came from a young girl who wanted to be friends with me and who wanted to be a writer like me.

A third fan mail was sent thru the “Pitak ng mga Mambabasa” in Liwayway asking if I was still single and unattached. It came from Saudi.

The last one was a guy who liked the kwento I wrote, but questioned the Biblical aspect I wrote in there.

And once, a noted writer, a professor in creative writing in an exclusive school who had a column in a weekly English magazine critiqued my kwento (among others) published that month in Liwayway. The way I began my kwento daw is a no-no in writing. Was I downhearted! Of course, at another time, he included one particular kwento in his ten best list for the month. Win some, lose some!

The few times I learned that my readers liked my kwento and nobela were the few times I came face to face with some of them. Talagang nakatataba ng puso!

There was this professor at Bulacan State University (still BSU then) I met at the house of a classmate. When we were introduced, he asked if I was the writer of the nobela that came out in Liwayway with such title. I said yes and he began discussing the said nobela which he said he liked very much, reciting back to me the exact dialogue of my main characters. How he praised the conduct of one character as if she was a real person!

Then there was the sister of a classmate. At a chance meeting, she told me she could still recall a kwento I wrote years ago where the main character loved the poem – I would be true for there are those who trust me – and my classmate’s sister recited the poem to me!

And another sister of a classmate lamented no end and was heartbroken that her favorite guy in my nobela did not win the heart of my bida!

Also, there was this feedback that came from a very unlikely person – the next generation. My son attended a Mowelfund seminar and met a young attendee. When the young girl learned that I was his mother, she exclaimed that she was into arts and writing and whatnots because she was an avid fan of my kwento and nobela. She asked for my authograph on an anthology where one of my kwentos was included. O, baka may crush lang sa anak ko!

The latest was from a professor in Filipino at the University of the Philippines whom I met at a book launching. A writer herself, she was the author of many books about Angono, a picturesque town in Rizal. She said she just loved my latest nobela (I have written only two) and elected herself, in a text message to me as not only tagahanga, but president of my fan club (dalawa naman yata silang miyembro.

Tunay na nakatataba ng puso ang makatanggap ng mga ganitong reaksiyon sa aking mga sinulat. That is why I thank everyone who took time to send a line or two on how the kwento of the month “affected” them. Again, salamat, salamat, salamat!

Abangan ang kwento ng buwan ng Marso!