Friday, February 7, 2020

Kuwentong Seniors at iba pang Istorya ng Pag-ibig, Pagkakaibigan at Pamilya







Yes! Halos isang taong absent dito sa blog.  Anyare, sabi nga. Wala naman. The usual. Ang nadagdag ang nakahiligang pag-aaral online (libre naman) ng French, kasi para raw nagagamit ang utak nang hindi maging makakalimutin. Next time saka ko ito tatalakayin. Sa ngayon, nais kong ipaalam na ini-edit na noong anak ko iyong content ng aking isasa-aklat na mga kuwento... na mga Kuwentong Seniors. Upang magkaroon kayo ng ideya, narito ang isang bahagi ng  aking Paunang Salita sa binubuong aklat.


PAUNANG SALITA

Akala ko ay tapos na ang kabanata ng aking buhay sa pagsusulat. Ang inasikaso ko naman ay ang pagsasa-aklat ng mga napiling kuwento, Minsan, May Isang Pag-ibig, at ng tatlong nobela, Sa Sukatan ng Pag-ibig, Sa Timbangan ng Pagmamahal, Mahirap Ba Akong Mahalin, at Sa Pag-ibig, Parehas ang Laban. Teka muna, nakabili na ba kayo nito? Kasunod kong balak ay ang pag-aaral na magpinta. Bago ang pagsusulat, ito ang aking unang hilig nang bata pa ako, kulayan ang lahat ng mga illustration sa Liwayway, mag-drawing, mag-watercolor. 

Ngunit noong 2015, nahilingan akong muling sumulat at tulad nang inaasahan, ang naging bunga ng panulat ay hango sa mga karanasan sa buhay at pag-ibig ng mga seniors. Seniors, na bunga ng isang naiibang henerasyon. Na kapag natatapunan ng tingin ngayon,  ang tanging nakikita ay ang kulubot na balat, ang ugatang kamay, mga bisig na lawlaw, mga pisnging laylay, ang antipara ng  mata na kapag nawaglit ay nag-aaninaw ng binabasa, ang lumuluwag na denture, ang hearing aid na ayaw isuot, ang kakambal na walking cane. Ang paulit-ulit na kuwento ng mga danas na karamdaman at  gamot na “maintenance”.

Nalilimutan ng marami na minsan, isang panahon, sila ay nakaranas na umibig at mabigo, lumigaya at masiphayo, humalakhak sa tuwa, sa lumbay ay lumuha. Na sa pagdaraan ng mga taon, maraming gunita silang nababalikan na naghahatid ng ngiti sa kanilang mga labi, kislap sa mga malalabo nang paningin. At minsan… ay luha at buntong-hininga. 

Dahil rin sa mga alaalang iniwan ng mga taon sa kanila, ang mga seniors ay namamalaging bata sa kanilang puso at diwa, sa kanilang pakiramdam. Na kapag sila ay nagkasama-sama at  napag-usapan ang makulay na nakaraan ay naroon pa rin ang taginting ng mga tawa, ang kilig. Maliban kapag sinusumpong ng rayuma o vertigo o pagtaas ng presyon dahil sa nakaing litson sa dinaluhang reyunyon ng kanilang klase. Kaya kung tutuusin, katulad ng isang magandang lumang himig na hinuhuni o inaawit, ang mga seniors ay walang pagkupas. Lalagi silang buhay sa alaala ng kapwa nila seniors, at kung minsan, kung sa isang pambihirang pagkakataon ay muling nagkatagpo ang isang naghiwalay ng landas ng kanilang kabataan, yaon ang kuwento ng kanilang buhay. xxxxxx

Kasama rito  sa aklat ang kuwentong Ipanalangin Mo Siya, Ipanalangin Mo Kami, ang aking katha na nanalo ng unang gantimpala sa Carlos Palanca Awards for Literature taong 1998. Ang kuwentong ito ay kasama sa 1998 Aklat Likhaan ng UP, sa maiden issue ng Our Own Voice, isang internet magazine at sa coffee table book na inilathala ng Philippine Women’s University. 

 Abangan ninyo.

                                              

Wednesday, May 22, 2019

TADHANA NG UNANG PAG-IBIG


May awit noong araw, first love daw never ever dies. Dahil isang panahong nanahanan ito sa iyong puso, mag-iiwan na ito ng bakas na hindi mabubura. Napalitan man ito ng bagong pag-ibig, lalaging naroon pa rin ito, tahimik na nakahimlay. Minsan, ginigising ng isang narinig na awit. O nabasang tula. O nasamyong halimuyak ng isang bulaklak. O pabango.

May unang pag-ibig na happy ending. Ngunit karaniwan nang nauuwi sa wala. O bitin, wika nga. Ibig sabihin, wala talagang closure. Ano ba talaga? 

Ngunit minsan, pinaglalaruan lamang pala kayo ng tadhana. Binibiro lamang. At sa apat kong kuwento na ngayon ay inilalathala ng Liwayway, masisiyahan kayo. 
Nakadalawa nang kuwento, pwede pang bumili ng back issues at abangan ang mga kasunod.




 

Thursday, March 7, 2019

ALDEN, MAINE, ARJO - LIFE IMITATING ART


Life Imitating Art- Alden, Maine at Arjo

Usap-usapan ng bayan. Laman ng social media. Hindi po ako nakikisali, kaya lamang ay may napansin ako. Ang kasalukuyang nangyayari sa tatlo ay parang deja vu sa akin. Bakit 'kamo? Heto po.

Ako ay isang kwentista/nobelista at kung tagatangkilik kayo ng babasahing Liwayway, nababasa ninyo ako roon, nineteen forgotten pa, dalaga pa noon, ngayon ay may apo na. Kasagsagan ang pagsulat ko noong 2015 hanggang early 2017 (fourth wind ko na ito, may mga panahong tag- tuyot, wika nga). Huminto ako ng 2017 dahil sa isang pagbabakasyon, Ngunit nagsumiti naman ako ng isang maikling nobela sa Liwayway. Ito ang nobelang SOULMATES na inilathala ng Liwayway mula Hulyo hanggang Disyembre 2018.  And if you scroll down to the old posts, makikita pa ninyo ang mga larawang guhit ni Rico Rival.

Bakit ko nabanggit na parang life imitating art ang kaganapan ngayon sa buhay nina Alden, Maine at Arjo. Ipinagpapauna ko nang wala akong alam sa buhay nila, Hindi ko sila personal na kilala, ordinaryong housewife/writer/blogger lamang ako. Ganoon pa man, nasubaybayan ko ang mga nangyayari. Noon lumatay sa aking kamalayan ang pagkakatulad TO A CERTAIN POINT (dahil hindi pa naman tapos ang istorya) ng kasalukuyang eksena sa kanilang buhay sa aking nobelang Soulmates.

Yaman din lamang na tapos nang malathala ito, ikukuwento ko na ang pinakabuod ng nobela.

Tatlo ang leading characters dito: sina Joey (sabihin nating parang si Alden), si Rowena (na si Maine naman), at si Sergio (na si Arjo).

Bata pa si Rowena ay narinig na niya ang ibig sabihin ng Soulmates at sinabi niya sa sarili na kapag nag boyfriend at nag-asawa siya at sa soulmate lamang niya. Hihintayin niyang dumating ito sa kanyang buhay.

Kababayan niya si Sergio, Mayaman, nag-iisang anak, matanda sa kanya ng apat na taon Ngunit nag-abot sila sa pribadong high school ng mga maykaya sa kanilang bayan. Noon pa man nagpakita na ng interest si Sergio Kay Rowena Ngunit buo na ang loob ni Rowena sa kanyang soulmate, Sinuman iyon.

Kahit nag-aral at nakatapos ng pag-aaral sa Maynila si Sergio ay tuloy pa rin ang pakikipag kaibigan kay Rowena. umaasa si Sergio na ang mailap na dalaga ay aamo rin kalaunan sa kanya. Advantage niya na magkaibigan ang kanilang pamilya at gusto sa kanila si Rowena. At gusto rin siya sa pamilya nito.

Nang mag-aral si Rowena sa Maynila, sa UST, nakatira sa isang boarding house kasama ang pinsang si Thelma, sa simbahan ng San Sebastian siya nagsisimba. Doon  sila nagkatagpo ni Joey, na sa unang pagtatama pa lamang ng kanilang mga mata ay nadama na ni Rowena ang hindi maikakailang KONEKSIYON na para bang dati na silang magkakilala nito. O magkasama. O higit pa. Nagkataon pang kapitbahay pala nila si Joey, nakatira, kasama ang ilang katulad nitong nagtitipid, working student. Mahirap lamang si Joey, love child ng Isang negosyanteng Chinese from the North na ni hindi nito nakilala. Gusto ni Joey na yumaman. Hindi lamang basta yaman. Napakayaman ang pangarap nito, para sa kanilang mag-Ina. Na naiba nang makilala nito si Rowena. Para na rin Kay Rowena.

Lumawig pa ang pagkakaibigan nina Rowena at Joey. Ramdam ni Rowena ang pag-ibig ng binata sa kanya kahit wala itong sinasabi. Talos niyang alam din ni Joey ang damdamin niya rito. MU sila ngunit walang binibitiwang salita. Kalaunan na lamang sila masasabing naging magkasintahan.  Maligayang-Maligaya si Rowena. Natupad na rin ang pangarap niyang magkatagpo  sila ng kanyang soulmate. Kaya lamang, mukhang seryoso masyado si Joey sa pangarap nitong maiba ang buhay. Sabi nito ay para sa hinaharap nila ni Rowena, kaya, subsob ito sa trabaho at sa paghanap sa ama na nabalitaan na kung saan makikita.  Intensiyon ni Joey na magkakilala sila at baka siya matulungan upang matupad ang kanyang pangarap na pagnenegosyo para nga yumaman.

Samantala, nang matapos ng pag-aaral si Rowena ay umuwi ng probinsiya at doon nagturo. Noon naman nanligaw si Sergio sa kanya. Dahil waring nawalan na ng panahon si Joey sa kanya, maliban sa pangakong pagyaman at pakiusap na sana, sana ay mahintay siya ni Rowena, nahulog na rin ang loob ng dalaga kay Sergio.

Sa puntong Ito, ano ang mga bagay ng pagkakatulad ng mga karakter sa nobela at kina Alden, Maine at Arjo?

1. Sa unang pagtatama ng mga mata nina Rowena at Joey sa simbahan, naramdaman na nila ang koneksiyon na bibigkis sa kanila.

Naaalaala pa ba ninyo ang unang pagkikita nina Alden at Maine/Yaya Dub? Ang kanilang mga mata, ang kanilang mga ngiti...

2. Mahirap lamang si Joey, a working student kaya parang feeling niyang alangan siya kina Rowena, sa nobela. 

Si Alden ay hindi naman mahirap Ngunit mas nakaaangat pa rin sina Maine sa tunay na buhay. Kung ano ang damdamin niya sa bagay na ito ay hindi ko alam. Ngunit alam ng lahat na he is hardworking and earning so much, kaya niyang magpamilya.

3. May pangarap si Joey, ang yumamang tunay. Para sa kanyang Nanay na nag-iisang nagtaguyod sa kanyang paglaki. At para na rin kay Rowena, na inaasahan niyang maghihintay sa kanya, sa puntong may maipagmamalaki na siyang yaman.

Si Alden ay alam ng lahat na mapagmahal at maasikaso sa pamilya. Ulirang anak na masasabi. At tulad ng isang mabait na anak, marahil ay inihahanda niya na nasa mabuting kalagayan ang mga ito bago siya lumagay sa tahimik, kaya ON HOLD ang kanyang LOVE LIFE. Kaya ba, ayon kay Maine ay hindi naman nanligaw si Alden sa kanya? Na magkaibigan lamang sila? Ito kaya ang dahilan? Hindi natin alam. Siya lamang ang makasasagot.

Tunay na parang parallel ang  aking mga karakter sa nobela sa kina Alden, Maine at Arjo, TO A CERTAIN POINT, ipinagpauna ko naman agad. Kung paano natapos ang aking nobela, iyon ang hindi ko sasabihin. Bahala na kayong maghanap ng back issues ng SOULMATES sa Liwayway.

Isa pa ay hindi rin naman natin alam ang wakas ng kasalukuyang kaganapan sa buhay nina ALDEN, MAINE AT ARJO. Siguro, wait na lang tayo.

Pero, alam n'yo? Kung isasapelikula ang aking nobelang SOULMATES, swak na swak silang tatlo!  Hehehe... Blockbuster ito...

Habang wala pa ang tunay na ENDING.

Tuesday, January 1, 2019

Bienvenue 2019






ENCHANTE, 2019  !!!

Monday, December 31, 2018

Sunday, December 16, 2018

Soulmates, 17-24



Narito ang mga nalalabi pang larawan na bumubuo ng  
nobelang SOULMATES. Sa mga nakasubaybay nito, sana 
ay nasiyahan kayo. Doon sa hindi naging mapalad, abangan na lamang ninyo ang pagsasaaklat nito, kapag sinipag ako, sa mga susunod na taon.










Samantala, paminsan-minsan, makakatunghay naman kayo ng kuwentong ipadadala ko sa Liwayway. At sa mga pahina naman ng blog kong ito, tayo ay mag-ulayaw. A bientot! That is, see you soon, in French.  Ici. Dito. Au revoir. Babay, sabi nga ni Bebe...

Thursday, November 22, 2018

Continuing Throwback 2017 -




Mga Kakaibang Bagay na Napansin...

Sa pamamalagi ko sa ibang pamamahay noon, isang taon na ang nakalilipas, ito ang aking mga napuna. Nakatutuwa rin. Ibig sabihin, kahit paano, may natutuhan.  Order. System. Organization.

Mapalad ako sa pagkakaroon ng isang napagkakatiwalaan, masipag at mabait na kasama sa bahay. Lahat na ay nagsabing "swerte mo" sa akin. Na siempre, sinasagot ko ng "swerte rin n'ya".  Hehe, ayaw padaig. Pero ibig ko lamang sabihin, it takes two to tango.

Tawagin natin siyang Manang. Dahil  kay Manang, naging magaan ang buhay ng aking mga anak. Hindi spoiled, hindi mapanaghili, hindi palautos ang aking mga anak, ngunit nasanay silang walang chores sa bahay. Una, dahil kay Manang, pangalawa, nasa bahay ako at hindi nag-oopisina. 

Hanggang dumating ang panahong umalis ang isa kong anak, nag-aral sa iba, malayong lugar, tumira at nakisama sa ibang pamamahay. Sumapit rin ang panahong nagkaroon ng sariling pamilya at bahay. At nagdaan din sa isipan ko, paano na...

Sabagay, iyan din ang sumaloob ng aking Ina nang ako ay mag-asawa. Ako na hindi marunong magluto, pagsasaing lamang ang alam, paghihiwa ng sibuyas, pag-aalis ng tinik sa ginisang relyenong bangus, paghihiwalay ng dikit-dikit na balat ng lumpia, paghahalo hanggang sa kumulo ng sahog na dugo sa dinuguan para huwag makulta, etcetera. At sa simula ay tanong-tanong, basa-basa, at pagkalipas ng mga dekada, okey naman. Marunong nang mag-embotido, sotanghon at dahil sa internet, kayang-kaya na pati bellychon. May panahon pa ngang pati chocolate at chiffon cake, fruit cake, at paggawa ng hamon, ginagawa ko. Attitude towards work, iyon lamang ang importante. At iyon marahil ang naipasa ko sa aking mga anak. 

At Ito ang aking nakita sa paminsan-minsang pagbisita ko at pamamalagi sa pamamahay ng aking anak. Order. System. Organization.  Sabi ko lang, huwag sobra. Baka OC na... 

Walang kasama sa bahay ang aking anak at ang kanyang mga anak. Hindi katulad niya at ng kanyang mga kapatid sa kanilang paglaki. At doon ko nakita ang aming pagkakaiba. Tinuruan niya ang kanyang mga anak ng mga gawaing-bahay. Sa murang eded. Marunong na ang mga Ito na magluto, maglinis ng bahay, maglaba at mag-ayos ng kanilang mga gamit. Bukod sa pag-aaral, homeschooled ang mga Ito, marami pa ring activities ang mga bata - like singing sa church choir, running sa 5K, swimming at later coaching ng other kids sa swimming, ballet, monthly leadership seminar, speech and debate tournaments at homecrafts, like sewing. 

Inisip ko lang, ano ba ang ginawa ko noon sa kanila? Summer painting kay Mr. Sena sa MCLI, swimming under Efren at Nelia sa Sports Center, judo sa Cubao. Piano sa bahay at sa Yamaha, ballet,  speed reading. Ngunit walang gawaing-bahay maliban sa setting the table at washing the dishes, utos-utos sa tindahan ni Aling Cely sa kanto  sa panahon ng  pagbabakasyon   ni  Manang. Wala nang iba.

Kaya sa aking maikling pagbabakasyon sa bahay ng aking anak, ako ay nalugod sa mga nakita sa kanyang pamamahay. Narito ang Ilan...

Sistema sa paggamit ng washing machine...















Homeschooled children studying...















Petite fille cooking the chicken...















Les poulets                        















another apo washing the dishes...















and roses every now and then...
pink...














red...














yellow...














and rice, vegies, beef and wine combi for dinner!















which is but natural in a half-Filipino household!