Tuesday, August 16, 2016
Kuwento sa Liwayway, Ang Matandang Bahay
Lumabas ngayong araw na ito, Martes, ang aking kuwentong "Ang Matandang Bahay". Bili na kayo.
Salamat sa kay Rico Rival, ang gumawa ng illustration sa kuwento. Nakuha niya ang essence ng istorya. Love it.
Iyong loob ng bahay, iyong bintanang kapis, iyong bentanilya, iyong piyano, iyong mga teenager na tumutugtog at umaawit, parang... hindi ko alam kung ano ang isusunod. Sasabihin ko na lang na parang kahapon lamang... sa mga makaka-relate sa kuwento.
Hahanapin ko sa aking file ang isang larawan ng Matandang Bahay na naging inspirasyon ko sa kuwento.
Monday, August 15, 2016
Sa Gitna ng Ulan at Baha...
Naisipan kong maghalungkat ng mga lumang larawan ng kung anu-ano lamang...
at sa kabila ng pabugsu-bugsong pag-ulan na nagdadala ng baha na maya't maya ay sumusungaw sa aming gate...
enjoy pa rin...
ganda-ganda ng mga rosas... a thing of beauty is a joy forever...
wow! sarap-sarap! Kuha siguro ito noong Pasko. May kastanyas at kiat-kiat. May nasisilip pa akong chicharon sa bandang likod.
Dalawang ibon sa sanga ng niyog. Bakit magkalayo? Nagtatampuhan ba sila? Baka naman talagang conservative.
Paborito ko ito, mangosteen. Photo credit sa anak ko na kahit simpling kamera, magaganda ang kanyang kuha.
Nutella mother and child daw ito. May natuwa lamang na bilhin si Baby Nutella. Miss na raw Mommy niya.
I think that I shall never see,
a poem lovely as a tree
A tree whose hungry mouth is pressed
Against the earth sweet flowing breast
A tree that looks at God all day
And lifts her leafy arms to pray;
A tree that may in summer wear
A nest of robins in her hair,
A tree whose bosom snow has lain
Who intimately lives with rain
Poems are made by fools like me
But only God can make a tree.
Joyce Kilmer
Thursday, August 11, 2016
WALANG DRAMA
WALANG DRAMA
Nalathala na sa Liwayway nitong nakaraang buwan, Hulyo, ang aking kuwentong WALANG DRAMA.
Ito ay isang kuwento ng pag-ibig na tunay ngang walang drama ngunit sa mga makababasa, nanaisin ninyong sana, ganito kayo, katulad ng mga karakter sa istorya.
At para sa inyong kaalaman, sila ay totoong mga tao.
Wednesday, June 22, 2016
Bangko at Bintana at Bulaklak
Nalathala Na
Nalathala na pala ang "Bucket List" sa Liwayway noong Hunyo 13, 2016. Naliho ako at di agad nakabili. Dalawa lamang ang inabutan ko sa suking tindahan kaya ngayon, naghahanap pa ng ibang kopya dahil may order ang isang kaibigang taga-Australia. Nalaman kasi niya ang tema ng kuwento at waring naka-relate siya. Bakit kaya?
Hanap na kayo ng kopya. Baka maka-relate din kayo.
Tuesday, June 14, 2016
Love at First Sight
Naranasan ba ninyo ang tinatawag na love at first sight?
Isang taong sa una pa lamang pagtatama ng inyong paningin ay "tinamaan" na kayo, sabi nga?
Nagtagal ba naman? O nang magsalita at hindi pala kayo "intellectually compatible" ay lumipad na ang paghanga ninyo.
O nang ngumiti ay sungki pala ang ngipin.
Love at first sight ba kayo ng naging kapalaran ninyo sa buhay?
O nadebelop lamang? Propinquity?
Noong nakaraang buwan ay nalathala ang aking kuwentong "Love at First Sight" sa Liwayway.
Baka may kopya pang natitira sa tindahan, bili na kayo.
Sunday, May 8, 2016
Happy Mother's Day
May tinanggap akong email ng pagbati sa Mother's Day mula sa isang kapwa-Nanay na nais kong ibahagi sa inyo. Sabi niya:
Kapag naging Nanay ka, walang log out, walang pause, walang stop, walang day off, walang sahod. Mas lalong di pwedeng mag-resign. Pwede kang mamili ng asawa, pero ang anak di pwedeng piliin... dahil ang pagiging Ina ay habangbuhay na kontrata. Ang sabi nga, ang galit ng Ina,
parang paggisa ng bawang... SANDALI LANG. Ang tuwa ng Ina sa anak, parang dam kapag tag-ulan... UMAAPAW. Ang pasensya ng Ina parang San Juanico Bridge...MAHABA. At ang pag-ibig ng Ina sa anak, parang iced tea...BOTTOMLESS.
How true! Kaya ang tanging naisagot ko ay -
What more can I say? Motherhood is a life-long
career without pay and retirement. Only memories of "moments" that live
in the secret recesses of the heart which a mother can summon during
"alone" and lonely days. Remember the bond or Oslo paper decorated with
red hearts and the "I love you Mama" in indecipherable cursive? And the
dandelion flower they picked by the road to offer to you?
Happy Mother's Day to us all! Narito ang isang cake na uwi ng anak ko. Pagsaluhan natin.
At masdan ang tatlong bulaklak ng rosas na bigay sa akin ni Manang...
Sino si Manang? Maghanap ng Liwayway na may petsang Agosto 31, 2015 kung saan sa isang kwento ay siya ang aking bida. At hindi lamang iyan. Kung mapupunta kayo sa library ng Palanca Awards for Literature, maaari rin ninyong mabasa ang nanalong kwento ko tungkol sa kanya na may pamagat na "Si Regina at Ako".
Subscribe to:
Posts (Atom)






